Chapter 4

201 3 1
                                    


Chapter 4


"Dude may nakilala akong babae, gusto mo ireto ko sayo?" tanong ko kay Tyler

Nandito kami sa condo nya ngayon, nakikigulo lang. I'm Wyatt Keighley by the way at kaibigan ko si Tyler na masungit na pinaglihi sa badvibes. 

"Look Wyatt, I have no time for that. Alam mo naman na busy akong tao" See? 

Kinain ko naman yung bacon na dapat kay Tyler haha. Ang bait ko talaga

"Chill, I was just asking kung gusto mo. Hindi naman kita pipilitin, pero sayang yun she looks nice and unique."

"Sakin nalang bro" binato ko naman ng unan si Jasper na naglalaro ng FIFA 16. Makapal talaga mukha namin at inaamin ko yun, tska sanay na samin si Tyler kaya oks na oks lang yan

Umupo naman ako sa tapat ni Tyler na kumakain palang ng breakfast

"Wag na, babaero ka e." 

"Di ako kagaya mo dude." di ko nalang pinansin si Jasper, kausapin nya nalang sarili nya

"Tyler ayaw mo talaga? She's beautiful you know. "

"Edi ireto mo sa sarili mo"  

Bigla naman akong natahimik. Baka pag nagsalita pako, suntukin nako ng lalaki na to. Nag cellphone nalang ako at nagselfie. Syempre ganun pag gwapo.

"Tita, ayaw talaga ni Tyler. Batukan mo po" text ko kay tita Sophia, mother ni Tyler. 20 na kasi si Tyler tapos no girlfriend since birth pa rin. Minsan nga iniisip ko kung bakla tong lalaki na to e, pero mukhang hindi naman. 

"Bakit ba nanggugulo kayo ng ganitong kaaga?" 

"E kasi gusto ko lang ipaalam sayo na may enrollment mamaya. Baka gusto mo naman pumasok sa school"

"Sige sunod nalang ako mamaya" Nanlaki naman yung mata. Di ako makapaniwala e

"Di nga dude? Magaaral ka na talaga?" tumango naman sya. Ang galing talaga sumagot

Tumayo nako at hinila palabas na condo ni Tyler si Jasper

"Okay na bro, tanungin mo nalang sya kung anong course kukunin nya" 

"Good. Una nako hinihintay pa ko ni Krizia e. "

Mahanap nga sa Facebook si Esther


"Chandehhh." Bigla ko naman tinignan yung tumawag sakin

"Waaaaa omoni! Finally nagkita na rin tayo!" niyakap ko naman si ate Alecsy.

Pinaupo ko naman sya sa tabi ko "omoni order ka muna bago tayo magkwentuhan"

"Mag-isa ka lang Chandy?" Umiling ako "Kasama ko yung kapatid ko, si Jace... ayan sya oh!" Tinuro ko naman si Jace na kakakuha lang ng Shaved Iced namin

"Ang gwapo ng kapatid mo Chandy. Ireto mo naman sakin" 

"Wag kang child abuse omoni haha. High school palang si Jace"

Nginitian ni Alecy si Jace "Hello po, kayo pala yung kaibigan ni ate sa SNS" tumango naman si Omoni

"Yep, call me ate Alecsy nalang." nakipagkamayan naman si Jace at nagcellphone nalang habang nagdadaldalan pa kami

"Ahhh omoni, eto pala yung pasalubong ko sayo!" Binigay ko naman yung paper bag

"Wow! Talagang pagkain niregalo mo sakin ah, napaghahalataan tuloy na matakaw ako" tumawa naman ako

His Cold StareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon