Nag lalakad ako papasok sa eskwelahan kong pinapasukan. grade 12 na ako ng highschool ngayon. Isang taon nalang at gagraduate na ako. Kalagitnaan na ng first grading pero di pa rin ako sanay na gumigising ng umaga.
Habang nag iinat ako nakita ko ang crush ko. Si Cathy, kaklase ko rin ngayong yr and same section kami. Aba! Pag sineswerte ka nga naman :D tinawag ko sya "Cat!". Oo cat ang tawag ko sa kanya siguro naman alam niyo kung san ko nakuha yan. nag lakad ako papalapit sa kanya.
"Ngayon ka palang din papasok?" Sabi ko
"Oo eh. Di tumunog yung alarm clock ko""Baka di ka lang nagising" sabi ko ulit
"baka nga. Di ko alam hahaha""Baka malate na tayo nyan bilisan na natin" paalala ko.
Medyo binilisan na namin ang pag lalakad. Naka abot naman kami sa klase namin. Nag aattendance na rin kaya siguro swerte lang talaga kami. Napatingin ako sa kanya. At nakatingin din pala siya sakin. Ngumiti sya. Dala na siguro ng tuwa dahil naka abot kami. Umupo na kami. Medyo malapit lang ang upuan namin sa isat isa. Bandang harap ko kasi sya tapos bandang kanan. Madalas nakikita ko nalang ang sarili ko na nakatingin sa kanya. Lalo na siguro pag nakakatamad yung klase. Pag upo ko tinignan ko sya. Tinitigan. Napaisip ako "nararamdaman kaya nya pag nakatitig ako sa kanya?" Isang tanong na di ko alam kung malalaman ko ang sagot.
Lumipas ang oras.
PIING! POONG! PAANG! POONG!
Nag labasan na ang karamihan sa mga kaklase namin. Ilan lang ang natira
Tumabi siya sakin. Si cat. "Uy!" sabi nya
"Po?" Sabi ko
Tapos umupo na siya. Ang lapit nya sakin emeged. 🙀😁
"Tara punta tayong canteen" sabi nya
"Ahh, ganun. wala ka bang kasama ngayon baka nakaka abala ako sa inyo" sagot ko"Meron. Si Andrea at si Mark lang naman eh" sabi nya
"Kakahiya naman" nahihiyang sabi ko"Hala samin ka pa nahiya, eh halos mag kaklase n tayo mula pa noong grade 7" nakangiting sabi nya
"Haha oo nga pre" sabat ni MarkMag syota tong si Mark at si Andrea mula pa nung grade 10 kami. Tapos katropa naman ni Mark si Cat mula pa pagkabata. Kaya naging mag kaclose narin sila ni Andrea.
"Sige sige. ano ba bibilhin nyo?" Tanong ko
"Ewan. Pag punta nalang natin dun. Dun nalang natin pag isipan" sagot ni Cat.Tumayo na kami at pumunta sa canteen. Medyo malapit lang. At di rin naman ganun karamihan ang tao. Ayoko kasi ng masyadong maraming tao eh kaya buti nalang at di gaanong marami. Umupo kami sa upuan sa tapat ng canteen. Burger nalang ang binili namin ni Andrea at Waffle naman ang kay Cat at siomai yung kay Mark.
"Masarap ba?" Tanong ni Cat sakin habang kumakain ako ng burger.
"Gusto mo ba?" Tanong ko
"Hahaha 😹, hindi. Baka kulang pa sayo yan" natatawang sagot nya"Ikaw gusto mo ba?" Alok sakin ni Cat ng waffle nya
"Sige. Hatiin mo" sabi ko
"Ano ka sineswerte? Isang kagat lang. Baka di ako umabot hanggang uwian mamaya" sabi nya namanTapos nilapit nya sa mukha ko yung waffle at nakangiti siya
"Dalian mo na, say Ahhhh!" Habang nakalapit sa mukha ko yung waffle 😳
Kakagat na sana ako kaso biglang nag salita si Mark "huy! Ang sweet niyo naman" 😹
"Ano ka ba naman be! Di na nga ako umiimik eh! Sayang! Nahiya na tuloy siya 😕"sabi ni Andrea
"Ugh! Sorry na. Wag kana tampo be" pag mamakaawa ni MarkTapos pumaswit si Cat
"Pssst! Hayaan mo na sila. Dali ahhh!😮" Inaalok nya parin pala yung waffle
Kaya kumagat na ako ng mabilisan nomnomnom! Ang sweet namin. Dream come true na siguro to! 😻"Huy! Ano lasa? Masarap ba?" Tanong nya
"Ahh oo. Sinubuan mo pa ako" :3 sagot ko
"Haha. Daya. Patikim narin pala ng burger na yan :3 ahhhh! 😵" pumikit sya habang hinihintay na ilapit ko yung burger sa bibig nya. Tapos sabay kagat."Hmm! Ayos ahh masarap din pala" sabi nya.
Nung mapatingin ako sa kanan ko. Nakatitig pala samin yung mag syota.
"Umamin nga kayong dalawa. Kelan pa naging kayo?" Tanong ni Mark
"Oo nga. Daig nyo pa kami ni Mark eh" dagdag ni Andrea"Luh. Kaibigan lang kami nito. Ano ba kayo" tanggi ni Cat
"Oo nga. Kaibigan lang kami" sagot ko. kahit masakit sakin aminin yun. Yun ang totoo.Tapos inubos na namin yun pag kain. Nag lalambingan parin yung mga lovebirds sa tabi namin. Samantalang kaming dalawa eh walang imik na inubos yung natirang waffle at burger.
Eto na nga siguro yung rendezvous point naming dalawa ni Cat
Rendezvous-a place where many people go to spend time.
BINABASA MO ANG
Time Lock
RomanceKung huminto lang sana ang oras baka sakaling hindi nangyare yun. Sana bigyan pa ako ng Panginoon ng isa pang pag kakataon para maitama ang mga mali kong nagawa. Hindi ko naman ginusto ang mga nangyari pero alam kong pag nangyari na ang isang bagay...