Chapter 3: Deceit

11 1 0
                                    

Lumabas ako ng kwarto at nakita ako nila mama.

"Kamusta ka na?" bungad ni mama

"Ayos lang naman po" sabi ko "pano ako nakauwi dito?"

"Ahh, oo nga. Dinala ka dito nila Mark at Andrea" sagot ni mama sa tanong ko "sabi ni Cathy bigla ka daw bumagsak sa SM kanina eh. Ano ba nangyare?" Tanong nya

"Di ko din po alam" sabi ko nalang
Sabay lakad ako sa kusina
"Kumain na ba kayo?" Tanong ko

"Oo, nauna na kami, kumain ka na rin dyan" sabi ni mama

Habang kumakain ako napag isip isip ko "Pano naman napunta si Mark at Andrea sa mall?" Tanong ko sa sarili ko. "At ano kayang nangyari kay Cat?" Nung natapos na ako kumain. Nag hugas ako ng plato at papasok na sana ako sa kwarto ko

"Anak, baka kailangan mag pa check-up ka, baka kung ano na yan at maagapan natin" sabi ni dadi ko

"Wag na po, baka anemic lang ako, sa pag pupuyat ko lang to" tanggi ko "matutulog nalang po ako ng maaga ngayon"

Pumasok na ako sa kwarto ko at humiga. Iniisip ko kung ano ano pa ang nangyare. "Totoo kayang crush ako ni Cathy?" tanong ko sa sarili ko. "Sayang naman at di ko nasabi sa kanya ang nararamdaman ko" pang hihinayang ko sa nangyari. hanggang sa nakatulog ako.

Papasok na ako ng school.
Habang nag lalakad ako may nakita akong piso sa kalsada. Dadampotin ko na sana ito at nung pag yuko ko nahilo nanaman ako. Pumikit muna ako baka mawala yung hilo ko. Dumilat na ako nung maayos na yung pakiramdam ko. Kaya lang nag taka ako kasi nawala na yung piso kahit ako lang naman ang tao dun. Nag patuloy nalang ako sa pag lalakad. Nung pag pasok ko sa room.

"Pre! huy!" Napatingin ako sa tumatawag sakin

"Anong nangyare sayo kahapon, bigla ka nalang nahimatay" sabi ni Mark

"Ang gusto kong itanong. bakit nandun kayo kahapon sa mall?" Tanong ko

"Hah? Anong pinag sasasabi mo? Kasama mo kaming pumunta sa mall nun ahh. nakainom ka ba?"

Medyo naguluhan ako sa sinabi nya.

"Diba sabi mo tinawag ka ni Sir. Nisay dahil kakausapin ka?" Tanong ko

"Ha? Sinong Sir. Nisay? Hahaha sabog ka ata ngayon ahh. Tigil tigilan mo na yan" pag bibiro nya

"Diba yung teacher natin sa physics?" Dagdag ko

"Si Ma'am Linok yun eh. Ano ba pinag sasasabi mo" tanong nya ulit sakin nung napansin nya na seryoso ako
"Ano ba nangyare sayo?"

Mamaya-maya pa'y umupo nalang ako. Tumingin ako sa harap ko, sa bandang kanan. Wala pa rin si Cat. Di ko pa rin alam kung anong nangyare. Naisip ko na baka niloloko lang ako nitong si Mark, pero mukhang seryoso rin siya sa sinasabi nya eh.

Maya maya pa'y mag i start na ang klase. Wala pa rin si Cat. Bakante parin yung upuan nya. Baka a-absent sya ngayon. First time tong absent sya. Ano kaya nangyare sa kanya?

Maya maya pa, dumating na yung adviser namin na si Ma'am Asistin. Pag pasok nya

"Class, tahimik muna tayo please" pag papatahimik nya sa mga kaklase ko "may papakilala akong tranfer student. Miss pasok ka" tawag nya sa babae sa labas ng room

Pag pasok nung babae. Halos di ako makapaniwala sa nakita ko. Napatayo ako at napasabi "Cathy?" Sabay napahinto sya sa pag lalakad.

"Ahh. Sino ka po? at Pano mo ko nakilala? 😐" Tanong nya

Dahil napatingin sakin yung mga kaklase ko. Umupo nalang ako. Napuno ng katanungan ang isip ko. Pano naging transfer student si Cathy, eh mag mula pa nung grade 7 kami dito na sya nag aaral. At yung kaninang sabi din ni Mark, na si Ma'am Linok daw yung teacher namin sa Physics. At mga bagay bagay na hindi ko maintindihan.

Bumulong sakin si Mark mula sa likod

"Pre. Pano mo nakilala yang chicks na yan?" Tanong ni Mark

"Anong chicks? Si Cat ba?" Tanong ko

"Wow naman. Cat agad ang Tawag" pang aasar nya sakin

"Diba best friend mo yan mula pag ka bata?" Tanong ko sa kanya

"Ha? Pinag sasasabi mo? Ngayon ko lang nga nakita yan eh. Seryoso pre. Ang weird mo ngayong araw na to" sabi ni Mark

"Ahh ewan! di ko na maintindihan!"

Nag papakilala na ang babaeng transfer student na si Cathy

"Ako po si Cathy, dahil po sa trabaho ng Dad ko, kinailangan ko po lumipat ng eskwelahan. Medyo biglaan din po kasi yung pag lipat ng trabaho nya kaya po biglaan din ang lipat namin. Nice to meet you po sa lahat" sabay napatingin siya sakin.

" Ok. Umupo kana lang dito Miss Cathy" sabi ni Ma'am Asistin na nakaturo sa upuan na talagang inuupuan ni Cathy.

Hindi ko maipaliwanag ang mga nangyayare. Gulong-gulo ako. Di ko alam kung ano na ang iisipin ko.

Ng umpisa na mag turo ang teacher namin pero di ko maintindihan yung mga pinag sasasabi nya dahil sa dami ng nakapaloob sa akin utak.

Maya-maya pa recess na.
Napalibutan si Cathy ng mga kaklase ko na nag tatanong sa kanya

Anong trabaho ng dad mo? Kaklase#1
San ka galing na lugar? Kaklase#2
Maganda ba sa school mo dati? Kaklase#3

Sinagot nya isa isa ang mga tanong nila. Nung humupa na silang mga nag tatanong. Tumayo sya tapos tumingin sakin. siguro iniisip parin nya kung paano ko nalaman yung pangalan nya.
Malapit na siya sakin. Di ko na alam kung ano gagawin ko. Di ko rin maipaliwanag ang mga nangyayare sa paligid ko.

Lumapit at bumulong sakin si Mark "pre, lalapitan ka ata"

"Oo nga eh" sagot ko

Biglang nag salita si Cat

"Hi. May tatanong lang ako. Paano mo nalaman pangalan ko?" Tanong nya. Tulad ng ina asahan
"Uhmm. Diba dito ka nag aral mula pa nung grade 7 ka?" Tanong ko

"Huh? Kakalipat lang namin dito. Katunayan, unang beses ko palang napunta rito. Ibang iba dito kaysa sa syudad. Mas masarap huminga dito. Sa dati naming lugar, mausok masyado eh." Sabi nya

"Uhmm. Mukha nga daw. Sabi sa balita. Anyway, di ko alam kun pano ko nalaman pangalan mo, baka psychic ako" sabi ko ng may halong tawa tawa para di mahalata. Lumabas nalang ako ng room.

Ano bang nangyare sa mundo? Ako nalang ba ang natitirang matino? Sabay may naalala ako.
Sabi nila mama kanina si Cat daw yung nag sabi na bumagsak ako sa SM. "ibig sabihin totoong nag punta kami sa mall ni cat kahapon at ibig sabihin totoo yung cat na kilala ko" pero di parin nawawala ang katotohanang nag bago ang lahat. Naisipan kong tawagan ang mama ko

"Hello, anak, napatawag ka?" Tanong ni mama.

"Ma.. Ano nga pala ulit sabi sa inyo ni Cat kahapon? Bigla daw ba akong bumagsak?" Tanong ko

"Ha? sinong cat?" Tanong nya

Halos di ako makahinga sa narinig kong sagot nya.

"Ahh. Wala po" sagot ko nalang.

"Bakit anak? Nahihilo ka nanaman ba?" Tanong ni mama

"Ahh, hindi po. Ge ma mag kaklase na kami" sabi ko. Sabay call end

Pumasok ako sa room namin.

Pag pasok na pag pasok ko nasa harap ko si Cat. Palabas ata. Ang lapit namin sa isa't isa. Pero imbis na masiyahan ako. Napa atras nalang ako. Di ko alam pero piling ko kasi hindi naman siya yung Cat na crush ko.

"Uhmm. Ok ka lang ba?" Tanong nya

"Oo naman. Nagulat lang ako haha" sabi ko. Sabay pasok ng room

Baka naman panaginip ko lang ang lahat ng tungkol kay Cat. At nagkataon lang na may kamukha niya, kapangalan nya, at nakaupo sa saktong upuan nya..... "Hindi. Sobrang dami ng kapareho nun para maging nag kataon lang. Hindi ko alam kung anong nangyare pero wala na ako magagawa kundi makisabay sa napakalaking pagbabagong naganap sa buhay ko"

Ang tanong ko nalang. Paanong paraan ko papakisamahan itong bagong Cat na nakilala ko...

Time LockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon