Chapter 4: Disdain

6 0 0
                                    

At nag uwian na nga.

Litong lito ay dumiretso na ako sa upuan ko mula sa pag lilinis ng blackboard.
Inayos ko yung gamit ko. Nung kukunin ko na yung ballpen ko sa desk, nakita ko nalang na nasa sahig na pala ito. Kukuhanin ko na sana kaya lang lumapit sakin si Cat at nagtanong.

"May notes ka ba nung lessons bago ako dumating?"

"Meron, kaya lang di kabasa basa yung sulat ko. Baka malito ka lang"

"Ahh ganun ba?"

"Try mo dun. Si Andrea yun", habang nakaturo ako kay Andrea "maganda mag sulat yun. Mabait din yun. Sigurado pahihiramin ka nya" sabi ko

"Uhmm.... ok.. thanks.." 😒

Umalis na siya at lumapit kay Andrea.

"Tama lang ang ginawa ko.. mas makakabuti siguro kung iwasan ko nalang siya. Di ko talaga alam kung paano ko siya pakikitunguhan eh" sa isip isip ko

Naayos ko na yung gamit ko at lumabas na ako ng school.

Nakasalubong ko si Mark
"Oh, pre. Uuwi ka na ba? Di mo na kami hihintayin" tanong nya

"Oo eh. Medyo pagod parin ako. Alam mo na. Nag collapse ako kahapon. Hahaha" sabi ko.

" Ahh ganun ba. Sige pala. May gagawin pa ako eh."

Umalis na ako ng school. Nag lalakad ako pauwi. Ayoko na mag isip. Papahinga ko nalang sarili ko.

Maraming estudyante ang kasabay ko nag lalakad pauwi. Mga pauwi na rin sila. Pag dating ko sa bahay, nilapag ko na yung gamit ko. "Damn! Ano ba nangyayari!" tanong ko sa sarili ko habang nakahiga. "Baliw na ba ako? Di ko na alam kung ano ang totoo"

Maya maya. May kumatok
"Hoy may problema ka ba??"

"Wala naman po. Hahahaha" pag tatago ko sa katotohanan.

"Bahala na. Isa nalang ang gagawin ko. Kakalimutan ko nalang lahat ng nasa isip ko at mag aadapt nalang ako sa panahong ito. wala na ako maisip na iba pang pwedeng gawin."

Di ko alam. Pero napadilat ako. Nasa SM ako. Kasama ko si Cat. Naka tingin siya sakin.

"Ano nangyari?" Tanong ko

"Ok ka lang ba? 3 mins ka ring naka steady dyan. Ano nangyari?" Tanong nya

Naguluhan ako sa mga nangyari. Napa sabi nalang ako ng "nakabalik na ba ako?"

Maya maya pa'y biglang tumawa ng malakas si Cat. "Hahaha! anong nakabalik?! Baliw ka na ba?!" nakatingin na sa kanya yung mga tao kaya tinakpan nya yung mukha nya pero tumaawa pa rin sya.

"Ahh. hahahaha" natawa nalang din ako. Para kaming mga tanga na tawa ng tawa. Medyo gumaan na yung loob ko. Ngayon na kasama ko na ulit ang dating Cat na kilala ko. Pero parang may hindi tama sa paligid ko.

"Tara punta tayo dun sa ibang shops. dun tayo mag tingin, baka mas mura dun 😁" alok ko

"Sige. Haha" sang ayon nya.

Napaisip ako. Kung naka balik na ako means eto yung panahon na sinabi nyang crush nya ako. Ramdam ko na uminit ang mukha ko.

Tinanong ko sya "totoo ba yung sinabi mo kanina?"

?_? Halatang nalilito yung mukha nya
"Anong sinabi ko kanina?"

"Ahhhhh...... wala! hahaha" baka naman namali lang ako ng rinig. Sabagay pabulong nya sinabi yun.

"Yung crush kita?"

Nabigla ako sa sinabi nya.

"Oo." Sabi ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Time LockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon