Chapter 2: Premonition

12 1 0
                                    

Natapos na kaming kumain kaya bumalik na kami sa room. Medyo awkward na tuloy kaming dalawa sa isa't isa. Kasi naman, yung dalawang yun di na inisip yung mararamdaman namin.

Medyo maraming tao na sa room. Mag uumpisa na yung klase. Umupo na ako pati sila. Mag katabi si Andrea at Mark sa likod ko. Tapos bumulong sakin si Andrea "may nangyare ba?" Sabi nya

"Oo, kayo kaya yung dahilan" nakasimangot kong sagot sa kanya

"Ahh. Haha" pilit nyang tawa "kasi naman di pa kayo umamin sa isa't isa. halata naman kayong dalawa eh" dagdag nya pa

"Ano namang aaminin ko?" Tanong ko
"Wag ka nang mag tago pre" sabat ni Mark "nasa likod mo kami, kaya alam namin bawat titig mo kay best friend hahaha 😁"

"Alam mo ba? May gusto rin sayo si Cathy" sabi ni Andrea
"Hahaha, galing niyo mag patawa 😹" sabi ko "at wala naman akong gusto kay Cat" natatawa kong sabi

"Ahh. Ganun ba?" Tanong ni Andrea

Tapos bigla siyang hinila ni Mark at binulungan

"Di.... ..... ...sinabi" bulong ni Mark

Di ko gaanong naintindihan. Lagi nalang ako pinag titripan ng dalawang to. Tumingin na ako sa harap. Baka mahalata kasi ng teacher namin na nakikipag usap ako sa likod.

Napatingin ako kay Cat. Nakatingin din siya sakin 😻. O baka nakatingin siya kila Mark. Tumingin na rin sta sa harap. Nag patuloy ang discussion.

PIING! POONG! PAANG! POONG!

uwian na. Lumapit si Cat sakin. Kila Mark pala. Tapos kinausap nya sila Mark at Andrea

"Uuwi na ba kayo?" Tanong nya
"Oo" sagot ng dalawa

Tumingin sakin si Cat
"Uuwi ka na rin ba" tanong nya sakin
"Ahh, oo eh. Wala na rin naman ako gagawin" sagot ko
"Sabay na tayong apat" alok ni Cat
"Ok lang. Sige" sang-ayon ko

Tapos nung palabas na kami ng room

"Mauna na kayong dalawa. Pupunta pa pala kami kay Sir. Nisay" sabi ni Mark
"Oh, ano gagawin niyo dun?" tanong ni Cat"
"Kakausapin. Tinawag nya ako kaninang umaga eh. Kausapin nya daw ako ngayon" sagot ni Mark

"Hintayin na namin kayo" sabi ni Cat

"wag na. Baka matagalan pa to" tanggi ni Mark
"At kasama niya naman ako" sabat ni Andrea

"Ganun?" sabi ni Cat
"Oo. Kayo nalang dalawa umuwi ng sabay" sabi ni Mark

Humarap sakin si Cat
"Ano. Uwi na tayo?" Tanong nya
"Ok lang, ikaw bahala" sagot ko
"Edi tara na" sabi nya ulit.

Tumayo na kami at humiwalay na kila Mark at Andrea.

Nag lakad na kami palabas ng room. Siyempre lumabas na rin kami ng school. Tahimik lang kaming dalawa.

"Ano kaya yung dahilan ng pagtawag sa kanila?" tanong sakin ni Cat
"Wag mo sakin itanong. di ko rin alam eh" nabalot ng katahimikan ang paligid namin.

Huminto sya

"Punta muna tayong ibang lugar. Tinatamad pa ako umuwi eh. Kung di lang naman nakaka abala sayo" alok niya sakin.
"Uhmm... sige. Ok lng. Wala rin akong gagawin sa bahay namin eh"sang-ayon ko.

3:00 naman yung uwian namin kaya di pa gaanong late. Sumakay na kaming tricycle papuntang SM. nag lakadlakad kami sa SM.

Pumunta muna kami sa bilihan ng stuff toys para mag window shopping. "Di ko alam na mahilig ka pala sa mga stuffed toys" sabi ko

"Di naman ako ganon ka hilig. Cute lang sila haha" nakangiting sabi nya sakin.
Mamaya maya pa'y naisipan nya ng lumipat ng stall. Sa damitan naman. Habang nag susukat sukat siya ng mga damit dun. Naka tanga lang ako. Pero masaya ako.
Parang date kasi to eh😍😳👍.

Nung natapos sya mag sukat sukat. Lumabas kami ng stall at halos pabulong nyang sinabi "alam mo bang crush kita?"
Nagulat ako sa sinabi nya

Tapos nung papalapit na ako sa kanya. Bigla akong nahilo. Di ko alam kung anong dahilan. At ilang sandali pa'y nawalan na ako ng malay.

Nung dumilat ako. Nasa bahay na ako. At gabi na rin. Pag tingin ko sa paligid, alam kong nasa kama ako ng kwarto ko mag-isa.

Alpha:Beginning

Time LockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon