Perfect

22 0 0
                                    

Per Fectine Villanueva's POV

Nandito ako ngayon sa back stage, kami na kasi yung susunod na mag pe-perform. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko----hindi dahil kinakabahan ako sa magiging performance namin, kundi kinakabahan ako kasi baka isa sa nanonood yung mga magulang ako.

Sana maging proud sila sakin, sana nga. Sinong niloloko ko? eh kahit ata sampong santo yung dasalan ko hinding hindi mangyayari yun, they hate me when I sing. Ang gusto kasi nila ako na ang mag manage ng kumapanya namin.

Bigla na lang akong natauhan nung biglang may umakbay sakin. Si Jigs.

"Per. Tayo na raw? wag kang kabahan! kayang kaya natin yan! ikaw pa nga magdadala sa banda natin eh." nakangising sabi niya, nginitian ko na lang siya. Hindi mo alam yung sinasabe mo Jigs.

Tapos yun pumunta na kami sa stage, pumunta na sila James, Celine at Aaron kung san sila dapat. Si Jigs naman naka-akbay pa rin sakin.

"Galingan mo okay? haha. Good luck." nakangisi niya uling sambit. 

"Thanks. Galingan mo rin! goodluck satin." ngumiti muna siya ng napakalaki tapos pumunta na siya sa electric guitar.

Humarap na ko sa mic. Narinig ko yung pagpapakilala samin ng host, tapos unti unti nang umiilaw para makita na kami nung audience. 

Nagsimula ng mag strum ng gitara si Jigs para sa intro, tapos sinabayan na siya ni James.

Malapit na ko...

"Hey dad look at me

Think back and talk to me
Did I grow up according to plan?
And do you think I'm wasting my time doing things I wanna do?

But it hurts when you disapprove all along" nakapikit ako habang nakanta.

Natatandaan ko kasi yung mga araw na pinapangaralan ako ng mga magulang ko.

"Per!" sigaw ni papa, kinakabahan ako habang palapit ako sakaniya.

"P-po?" tanong ko sakaniya habang nanginginig.

"ANONG PINAGGAGAWA MO SA BUHAY MO PER FECTINE?! MAY TATLONG KANG LINE OF 8! TALONG TALO KA NG ANAK NI MR. CRUZ! NAKAKAHIYA KA! NAKAKAHIYA!" sigaw niya sabay tapon ng card ko.

Ayaw niya kasi ng nalalamangan ni Mr. Cruz, kaya pati ako ayaw niyang nalalamangan ng anak ni Mr. Cruz.

Napaupo ako, nanghihina na kasi talaga ko. Napatingin ako sa palalapit sakin. Sa mama, gusto kong tumayo tapos yakapin siya. I badly need a mothers hug.

Pero hindi, sobrang sama ng tingin niya sakin. At umiling iling habang sinasabe sakin na "Such a disappointment." tapos sumunod na siya kay papa.

Wala akong nagawa kundi maiyak.

"And now I try hard to make it

I just wanna make you proud
I'm never gonna be good enough for you
Can't pretend that
I'm alright
And you can't change me."
nakapikit pa rin ako habang nakanta, hoping na sana wala sila dito.

Sinalihan ko lahat ng activities, clubs, quiz bee's lahat. Para makabawe ako sa card ko. And it happen, wala na kong line of 8. Puro line of 9 may 100 pa nga eh.

Kaya nakangiti akong umuwi para mapakita sakanila yung card ko. Sakto nakain sila ngayon.

"Ah, ma, pa, nandito na po ako." masayang bati ko sakanila, hindi manlang nila ako nilingon.

Lumapit ako sakanila, "Eto po yung card ko." tapos binigay ko rin yung mga medals na nakuha ko.

Nagulat ako nung biglang tumayo si papa, at hinagis yung card at mga medal ko.

MTSOS Collection: Perfect (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon