Naalala ko pa noong unang kain ko pa lamang ng Pepero..



Talagang kinuhaan ko ang wrapper nito ng litrato sa bawat posbleng anggulo..  hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay nagiging kabilang na talaga ako sa mga kaibigan ko sa aking paaralan.Napakayaman kasi nila, magagara ang kanilang mga damit at kompleto ang kanilang gamit pang paaralan samantalang heto ako, tila ilang taon na ang tagal ng aking uniporme na labis kong inaalagaan sapagkat isa lamang ito, at ang medyas kong kupas na ang kulay, ang palda kong butas at ang bag kong puno ng tinta ng ballpen na nabili ko sa halagang 5.00 pesos kaya naman panay ang tukso sa akin ng aking mga kamag- aral narinig o pa noon na naaawa na ang guro ko sa akin. Minsan habang ako'y naglalakad ay tinapunan ako ng isang plastik cup ng aking kaklase dahil mukha daw akong basurahan, nagalit ako sa kanya pero mas nangibabaw ang aking pagkahiya, naintindihan ko na hindi ako kabilang sa kanila, dahil iba ang kanilang sosyal na estado sa buhay,ngunit magiiba ito lahat, dahil ngayon hawak ko ang isang bagay na mayroon rin sila, isang bagay na pinagipunan ko ng lubos, halos naglakad na lamang ako pauwi upang hindi makagastos para lamang makabili nito, ng Pepero.

The Pepero StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon