Naalala ko pa ang aking pagkasabik nang ako ay pumili ng flavor, ang dami! at kahit saan doon pwede kong bilhin! siguro ganito rin ang kanilang nararamdaman kapag sila ay umupnta sa mga tindahan at pmipili ng flavor ng kanilang pinakapaboritong baon.Sinuri ko ng mabuti ang mga lalagyan "chocolate", "almond","strawberry" napakarami!! pero ang pinili ko ay ang "white cookie" dahil dalawang flavors na siya sa isang box! sulit..
Abot tenga ang aking ngiti habang nakapila sa cashier. Sira ang aircon doon, at nakakatunaw ang tirik ng araw ngunit binalewala ko nalamang ang mga ito, araw araw ko rin naman itong nararanasan.
Sa wakas, panahon ko nang magbayad, grabe, halos matalon ako sa loob ng tindahan na iyon, ito na talaga.
Habang naglalakad ay rinig na rinig ang ugong ng mga barya sa aking bulsa lahat ng aking paghihirap ay nasaloob lamang ng isang tela sa aking binti banda. Ito ay musika sa aking pandinig.
Habang naglalakad papunta sa cashier ay pawis na pawis na ako,dahil sa kaba at sa temperatura ng silid na ito.
Bawat hakbang ay tila mabigat, nakapagtataka, hinigpitan ko ang pagkahawak sa kahon na ikinalalagyan ng aking pinakamahal na pagkain.
Nandito na talaga ako, kaharap ko na ang babaeng may mukha sa make-up niya.
Nilapag ko ang kahon ng Pepero sa harap niya at tinanggap niya ito.
BINABASA MO ANG
The Pepero Story
Cerita PendekThe Pepero Story does not only portray a child buying a well-known treat but it also tackles the poverty in this country and the discrimination and negative impact in the emotional and social health of a person that comes with it. It is a very well...