Note: Wala na, Tapos na.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


Nilapit na ni ate yung kahon sa may scanner 


"Ay ate wag nalang."

Tumakbo ako palabas, rinig na rinig ang tunog ng mga baryang nagbabanggaan at nakikipag away sa isa't isa. 

Binilisan ko hanggang sa malayo na ako sa tindahan na iyon. 

Naglakad ako papunta sa tulay at bumaba ako sa sapa kung saan naglalaba kami ni Inay. 

Walang tao dahil hapon na at mainit pa. 

Pumunta ako sa isang parte kung saan ay lilim, mabato doon pero sa estadong ito magiging mapili pa ba ako?

Ngayon ay tinanong ko ang sarili ko kung bakit, bakit ko tinanggihan ang kaisaisahang tiket ko upang mapabilang . 

Naisip ko agad na hindi ko na kinakailangan na tanungin yun, lalo na sa sarili ko, dahil alam ko na ang sagot. 

Kung sasabihin ko ang sagot ay "dahil kahit anong gawin ko ay hindi nila ako magugustuhan" o di kayay " napakaliit ng Pepero, halos hindi rin naman nila mapapansin."

nagsisinungaling lamang ako sa sarili ko. 

Dahil ang totoo, habang nag aantay sa mahabang pila sa check out ay napagisip-isip ko kung bakit ko ba ito ginagawa? Kung mahalaga ba lahat ang sakripisyo ko para sa isang pagkain na ito?

Kanina sabi ko oo. 

pero alam ko na kung mayroong isang taong hindi ko mapapagsinungalingan ito ang sarili ko.

at alam ko na hindi ang sagot.

hindi ito mahalaga. Bakit? Dahil ginagawa ko ito para sa akin, hindi para sa kanila. 

Hindi na importante kung ano ang tingin nila sa akin. 

Hindi ko kasalanan  ang maipanganak na mahirap pero alam ko na kasalanan ko kung mamamatay akong mahirap.

Medyo nagtagal pa ako doon sa sapa, tinitingnan ang tubig at nagmumuni muni.

Nakita ko ang palubog na araw, ang mga ulap ay parang isang magandang pintura, isang obra. Naghahalo halo ang kulay ng dilaw, pula, puti, asul at kahel sa langit sa aking ibabaw. 

sabay sa paglubog ng araw ay ang paglaho ng mga eksenang aking ipinangarap, ang pagkuha ng litrato ng Pepero ang pagnamnam sa bawat piraso nito, ang pagdadala nito sa paaralan habang bakas sa mukha ng mga kaklase ko ang pagkagulat.. lahat iyon ay inulubog ko na sa pinakamalim na dagat, wala ng makakahanap nito, walang ibang makakaalam kundi ako.

Sa bawat paghakbang ko papunta sa aking tahanan ay nakangiti ako, hindi yung ngiting pinakita ko sa cashier kanina, yung ngiti na sa wakas nabitawan ko na kung ano ang humahadlang sa akin upang maging masaya.

Ang obra sa langit , ang mga binitwang alaala sa ilalim ng dagat, isang babaeng masaya. 

The Pepero StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon