Sweet sa Text, Torpe sa Personal
by PekengKyoot
1 message received
From: Mine_Drew
Message: IKAW! Gusto mo malaman kung sino ang mahal ko? Basahin mo ulit ang nasa unahan :"> gm
Dahil sa text nyang iyan, napasigaw ako. Agad ko rin naman tinakpan ang bibig ko dahil sa nakakamatay na tingin mula sa aking kapatid.
8PM na kasi at pareho na kaming nakahiga sa kama. Yes, share kami sa iisang kwarto at magkatabi sa kama. 4th year highschool na ako at sya naman second year.
Nag-duck face ako sakanya bilang pang-asar. Inggit lang sya dahil may nagpapakilig sa'kin sa text.
"Bangungutin ka sana pagtulog mo," sabi nya atsaka pumikit ulit.
Sabunutan ko kaya 'to? Ay, wag na. Good mood ako eh. Ka-text ko na naman kasi ang ultimate crush ko. Hihi! And if you're wondering kung bakit Mine_Drew ang name nya dito sa PhoneBook ko, mine kasi ang tawagan namin at sya ang nagsabi nun. Nakakakilig pero nakakalungkot din naman, kasi sa text lang kami ganun. Sa text lang kami sweet and close.
To: Mine_Drew
Message: Kapag si lalaki may crush, ligaw agad.
Pero pag si BABAE ang may CRUSH, hanggang SULYAP nalang. -gm
Pero syempre joke lang yung GM. Ganito ako madalas, kapag may gustong iparating. Kunwari GM o group message pero ang totoo, PM as in Personal Message na sakanya ko lang sinisend.
Pinatong ko muna sa ibabaw ng tiyan ko ang cellphone ko habang nag-aantay ng reply nya. Ilang segundo lang ang lumipas, nag-vibrate na ang cellphone ko. Dali-dali kong kinuha ang cellphone ko. Halos mabitawan ko na nga sa pagmamadali eh.
From: Mine_Drew
Message: Di din.
Hindi din? Nag-reply ako ng "Anong hindi din?", and I qouted our conversation:
Mine_Drew: Hindi lahat ng lalaki pag may CRUSH ligaw agad
Me: Weh? Pano mo nasabi? Ganun ka cguro noh?
Mine_Drew: Pano pag cnabi kong oo ?
Me : Edi oo. Tss
Mine_Drew: Change topic, mine ko :">
"EKK—-" hindi pa ko gaanong nakakatili dahil sa wagas na kilig, hinarap agad ako ng kapatid kong may nakamamatay na tingin. Umayos ako ng higa at nag-type ng reply. Panira ng moment si kapatid. Tsk.
Me: It's up to you, Drew.
I giggle after I send the message. Alam ko na kasi ang susunod na mangyayari. Alam ko na kung ano ang irereact nya na talagang magpapangiti sa'kin ng lubos.
Buzz. Buzz. Buzz. Ito na, nag-vibrate na yung phone ko.
BINABASA MO ANG
Oneshot Stories Collection
Fiksi RemajaOneshot stories by PekengKyoot Love is in the net :)