----- @MARvelousMARR -----
BASED from a true story. Remember it's based not EXACTLY the true story.
This story is about LOVE. Love for you FAMILY. It is about finding the light that is very important and at its peak, you're nothing without it. It is like the only light made to complete your life.
It is not hard to find, but it is hard to make sure that you are finding for something and not for nothing.
ENJOY!
P.S. Taglish ang medium of writing
-----------
Ako si Anna Bella Llanes. Tinatawag nila akong "Anna", first name ko nga eh. Ako ay 36 years old at I am happy to share the story of my life The story of finding the light of my life
----------
Ako, si mama, Annabelle Llanes at papa, Billy Llanes ay nakatira sa bahay ng aking lola, mama ni papa. Kasama namin sa bahay ang aking anim na pinsan at 3 kapatid ni papa.
Si papa ay nagtratrabaho mula 7:30 ng umaga hanggang 6:30 ng gabi. Kaya naman kami lang ni mama ang natitira sa bahay kasama ang mga relatives namin, ah mga madam at sir namin.
Sa araw ginagawa nila kaming mga katulong sa bahay. Inaalipusta habang pinagsisilbihan namin sila. Labing tatlong plato lang ang nasa mesa, kami ni mama kakain lang pagkatapos nila.
Pero, malapit ng matapos ang pang-aalipusta.
Isang araw habang pinagsisilbihan namin sila, naitapon ko ang basong may tubig sa pinsan ko at nabasag. Kaya naman hindi pinalampas ni lola ang pagpaparusa sa akin.
Nagpakuha siya ng sako sa aking mama at wala namang choice si mama kundi gawin ito. Inilagay ako ni lola sa sako, itinali sa puno at pinapalo-palo. Nagkaroon ako ng maraming pasa.
Pasang alam kong magiging pundasyon sa pagsisikap ko balang araw. At limang taong gulang ako diyan. Tibay ko noh.
Hindi ko naman masisi si mama kasi hindi rin naman niya ito ginusto. Kaya para matapos na ito, kami ni mama ay lumisan sa bahay ni lola, hindi kasama si papa.
Hindi ko alam kung bakit pilit na pinaglalayo nilola sina papa't mama. At oo, nagtagumpay siya.
------------------
Kami ni mama ay biyumahe papunta sa kalakhang Maynila. Tumira kami sa isang maliit na apartment. Gustong-gusto ko dito sa manila maraming mall na pwedeng pasyalan, magulo oo pero mas maayos ang buhay namin. Malayo sa dating buhay na kahit bata pa ako ay nakakaranas na ng pang-aalipusta mula sa aking LOLA!
Lumipas ang tatlong buwan ng walang komunikasyon sa aking papa.
Makalipas ang tahimik na buwang ito, dumating ang isang araw. Isang araw na alam kong dulot ng tadhana.
Natutulog ako sa munting sofa namin, at biglang pumasok ang isang lalaki sa aming bahay. Isang lalaking pamilyar sa akin. Limang taong gulang palang ako pero matalas ang memorya ko. Alam kong kilala ko ang lalaking iyan.
A...
An...
Ang...
Ang...
A...
N...
G...
Ang tagasingil ng renta namin sa bahay. Tinawag ko si mama sa kusina. Nag-usap sila sa labas. Baka wala pang pera si mama kaya nagpapalugit.
Sa matagal na pamimilit ni mama sa tagasingil. Pumasok na naman ang isang lalaki. Sinuholan niya ako. Sinabi niya na marami daw siyang kendi kaya kailangan kong sumama sa kanya. Bata pa ako... Sumama ako sa kaniya... Alam ko na sabi ni mama na huwag sumama sa kahit kanino pero tatay ko kasi yung sumusuhol sa akin eh... Ng makarating kami sa tiangge, itinakbo ako ni papa sa palayo ng palayo ng palayong lugar... Hanggang mamukhaan ko na ang bahay ni lola...
Hindi manlang ako nakapagpaalam kay mama... Ang aking ina na hindi lamang ilaw ng tahanan kundi ilaw ng aking buhay...
BINABASA MO ANG
Finding For The Light
Non-Fiction"Finding For The Light" ----- @MARvelousMARR ----- BASED from a true story. Remember it's based not EXACTLY the true story. This story is about LOVE. Love for you FAMILY. It is about finding the light that is very important and at its peak, you're...