FFTL : Goodbye to my Foundation

7 1 0
                                    

Ng ako ay nag-graduate ng secretarial course, bumalik na ako sa aming bahay. Tinanggap nila ako ng buong-buo. Pero mahigpit na sila sa akin dahil baka kung saan saan ako makarating. Dahil isa akong qualified secretary, kinuha ako ng isang politician na maging secretary niya sa election.

Nangako ang politikong ito na pupunta kami sa beach whether manalo o matalo siya. Nang malaman namin ang resulta, natalo siya pero may pa-beach pa rin.

Sinabi ni Alex na pupunta muna kami sa puntod ng kilala niyang namatay bago pumunta sa beach. Kaya naman nagpaalam ako sa lola ko. At matagal pa bago ko siya na pa, "Okay!"

Ng makarating kami sa puntod ng kilala ni Alex, tila ninenerbyos ako at tila may nararamdaman akong masama.

Low-battery ang phone at bago pa man ito mag-off, nai-text ko sa aking lola na textan ang number ni Alex, 09775******.

At matapos nga ang makikiramay namin, sinabi ni Alex na may natanggap siyang text mula sa aking lola.

TEXT MESSAGE:

"Pakisabi kay Anna na kailangan na niyang umuwi. Pantay na ang paa ng papa niya. Salamat."

Tila bumagsak ang aking kaluluwa. Umuwi agad ako. Nakita ko nga na ang aking tatay ay patay na.

Ayon sa aking tita, nag-way si papa at ang tito ko. Mahirap magbigay ng isang masidhing conclusion sa mga pahayag na ganoon. Ang sabi nila may naipukpok na bote ng alak sa batok ng aking ama. Nahulog siya sa semento. Naibagok ang ulo. At namatay.

Nadagdagan pa ang aking pagdududa ng tumutol ang aking tito na paimbestigahan ang nangyari at ipa-autopsy si papa. Pero baka ito'y nangyari dahil sa plano ng Diyos. Gayunpaman, hindi ko maiwasan ang sakit sa pagkawala ng aking ama.

Lumipas ang napakaraming araw hanggang inihatid na namin si tatay sa kanyang huling hantungan.

------------------------------

Hope you like it!

Coming So Soon: FFTL : Dark Light


Finding For The LightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon