Sinabi ni Alex sa akin na para maliwanagan ang aking isip ipapasyal niya ako sa lugar kung saan siya lumaki at kung saan matatagpuan ang bahay ng kanyang ina, sa Bicol.
Nagpaalam ako sa aking lola. Sinabi ko na para makapag-relax ako ay pupunta ako sa Bicol. Naintindihan niya siguro ako kaya pumayag.
Tumuloy na kami sa Bicol. Ng kami ay nasa bus at umandar na ito, may nagtext kay Alex.
TEXT MESSAGE:
"Alex, umuwi ka na dito sa Bicol. Ang nanay mo ay pumanaw na. Paumanhin kung pinag-aalala na kita."
Kaya naman walang hakbang at oras ang inaksaya ni Alex. Hanggang nakarating na kami sa bahay ni Alex. Dumiretso agad si Alex sa puntod ng nanay niya. Nahuli akong bumaba sa tricycle na sinakyan namin pagkababa sa bus.
Ng bumaba ako nagtinginan silang lahat. Tila first time nilang nakakita ng ganitong ganda, de joke. Hanggang sinabi ng isang bicolano doon na kamukha ko daw si Lola Belle. Hindi ko alam kung si Lola Belle. Kaya sinabi niya, "Si Lola Belle, Si Lola Annabelle Llanes, ina ni Alex, yung pumanaw kamakailan lang."
Nay! Ang nanay ko! Bakit ganoon? Hindi ako nakapagpaalam. Akala ko kung masasabi ko ang hello sa nanay ni Alex, Good Bye pala ang sasabihin ko sa nanay ko. Sinabi ko kay Alex ang lahat.
Sinabi niya na noon pa niya namumukhaan na magkamukha kami ng nanay niya. Si mama pala ay nabuntis ng ibang lalaki ng ako ay kinuha ni papa at si Alex na best friend ko ang naging bunga. Ibig sabihin ang best friend ko ang susi na sana ay mas nakilala ko pa ang aking nanay.
Mas nakilala ko pa siya para malaman ko kung paano maalagan ang ilaw ng buhay ko. Minsan nga ay naisip ko, kung maaga lang sanang namatay si tatay, mas maaga ang trip ko to Bicol at nakita ko pa si nanay bago siya pumanaw.
-------------------------------------
Hope you like it!
Coming Soon: FFTL : Ending
BINABASA MO ANG
Finding For The Light
Non-Fiction"Finding For The Light" ----- @MARvelousMARR ----- BASED from a true story. Remember it's based not EXACTLY the true story. This story is about LOVE. Love for you FAMILY. It is about finding the light that is very important and at its peak, you're...