Audrey's PoV" Baby gising na...." arrggg. Sino ba yun? Abala naman sa pagtulog oh.. =_=
"Baby.." hinatak pa talaga nya yung unan ko. Inaantok pa ko..
" Baby pag hindi ka pa gumising hahalikan kita." Tsk. Bahala ka sa buhay mo.
Hahatakin ko na sana pabalik yung unan ko pero may pwersang pumigil dito at naramadaman ko na lang na may malambot na bagay ang nakalapat sa labi ko.
Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko na lang si Lay na hinahalikan ako.
Pipikit na sana ulit ako kaso itinigil na ni Lay ang paghalik sakin. Nakita ko naman na naka ngisi sya. Paasa. =_=
"Tsk. Kiss ko lang pala ang magpapagising sayo. Bumangon ka na at malelate na tayo. Pinaghanda na kita ng pagkain." Sabi nya sabay ngiti. Naka ayos na sya samantalang ako.. babangon palang. =_=
"Sige." Hanggang ngayon lutang pa rin ako. Ikaw ba naman ang may asawang gwapo na hahalik sayo para gisingin ka. Heaven. XD Swerte ko talaga.
Pero inaantok pa rin talaga ako. Bakit kasi monday ngayon? =_=
Bumangon na ko at ginawa ang morning rituals ko. Lumabas na ko ng kwarto ng naka ayos na at kumain kaming mag asawa na nagkekwentuhan at nagtatawanan.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hinatid na ko ni Lay sa school at dumiretso na ko sa room.
"BESSYYYYYYYYYYYYYYY!"
"Aga aga huy. Wag ka ngang maingay." Sita ko sa kanya. Well, si bessy lang naman.
"Sorry na! Excited lang!" Sabi nya sakin saka may inabot na sobre.
Binuklat ko yun at nagulat ako sa nakalagay dun. Lagot.
" Wag mong sabihing nakalimutan mo nanaman." Malungkot na sabi nya.
Umiling iling ako.
" BESSY NAMAN EHHHHHH" sigaw nya.
" pssshhh. Silence please." Sabi ng teacher na lumabas pa sa kabilang room na nagkaklase.
"Ayan bessy. Ingay mo nga kasi." Sabi ko.
"Eh kinalimutan mo na naman kasi yung birthday ko eh, 18th birthday ko pa talaga! At dahil dyan, dapat special yung regalo mo sakin ha. Yung the best sa lahat! Sa 18 Gifts ka." Paalala nya sakin.
" Oo na! Lagi naman eh. Tsaka nga pala, may tanong ako."
" Ano yun?"
" Bakit masquerade party ang naisip mong theme ng debut party mo? Anong trip mo ha?" Tanong ko.
" Eh nirequest kasi yun ng kuya ko. Di naman nya debut pero request ng request. Pero okay na yun kasi minsan lang kami magkasama. Love na love ko pa yun."
" Masaya naman ang masquerade party eh. Ang cool din kaya."
"Kaya nga. Basta wag mong kalimutan isama asawa mo ha! Kasama sya sa 18 roses! Baka iba bitbitin mo." Asar nya sakin.
"Baliw. Syempre sya isasama ko. Mahal ko yun eh. " kinikilig ako. XD lol
"HOY ANONG PINAGUUSAPAN NYO?" Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran namin.
"Kai!" Tawag sa kanya ni bessy at may inabot ding invitation.
" Ano to?" Tanong nya.
" Malamang invitation. Hindi sanay mag basa kai? Hindi?" Sagot sa kanya ni bessy.
![](https://img.wattpad.com/cover/38141292-288-k347562.jpg)
BINABASA MO ANG
My Obsessed Possessive Husband
FanfictionI thought marrying him was the best idea, was the precious one. But it turns out to be my beautiful nightmare. © LionxHeart 2015 ( Chapters 1-10 are going to be edited at unknown date but you can read it until now. Maiiksi lang ang mga nakalagay sa...