A/N
May binago po ako dun sa part na tapos ng mag cr si Audrey. Hehe. Sorry po. Nawala lang po sa isipan ko nung tinatype yung chapter 15. Sorry po ulit. Pero kahit hindi niyo na po sa basahin okay lang po kasi hindi naman po naka affect sa story.
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
Third Person's PoV ( Eto yung time na malapit na yung turn ni Lay na isayaw si Denice. Yung hinahanap pa rin ni Audrey yung Cr.)
Kanina pa hindi mapakali si Lay. Malapit na kasi ang kanyang turn na isayaw si Denice at hindi pa bumabalik sa table nila ang mahal nyang asawa.
"Lay Zhang" tawag ng mc.
Tinawag na siya ng mc at lumapit na siya kay Denice para isayaw ang babae.
"Denice, naligaw ata yung asawa ko." Bulong niya sa kanya.
"Bakit naman?"
" Kanina pa kasi siya wala. Nagpaalam sa akin kanina mag ccr daw siya."
"Baka hinahanap pa yung cr. Mahirap talagang hanapin ang cr dito. Pero siguro hanapin mo na siya ngayon. Dun yung cr banda sa exit."
"Sige salamat."
Natapos na yung sayaw namin at umalis na si Lay para hanapin si Audrey.
"Audrey?" Tawag niya sa loob ng cr. Kaso walang sumagot kaya lumabas na siya at nag ikot ikot.
"Kyaaaaaaaaaa" nabalot ng sigawan ng mga babae ang venue ng biglang nawalan ng kuryente ang buong lugar.
Tuluyan ng nag panick si Lay dahil nag aalala siya sa kanyang asawa. Inaalala niya ito dahil takot ito sa dilim.
Napadako si Lay sa madilim na parte sa likod ng cr.
"Au--"
Napatulala si Lay sa kanyang nakita.
Namuo ang selos, lungkot at galit sa kanyang katawan. Ang kinalimutan nyang emosyon ay nagsimulang bumalik...
Gusto niyang sumugod ngunit hindi nya magawa dahil parang napako siya sa kanyang kinatatayuan.
Pinanood niya lang ito hanggang sa umalis na ang isa. At ang natira ay may pinulot pang parang maskara sa baba.
Biglang nagkakuryente ang buong lugar at siya ay natauhan. Galit siyang lumakad papalapit sa mahal niyang asawa at hinablot ang braso nito.
"L-lay.."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Bakas na bakas ang takot sa mukha ni Audrey. Nakita ng kanyang asawa ang ginawa sa kanya ng estranghero.
At ngayon ay hinahatak na siya nito ng mahigpit at hindi nya alam kung saan siya nito dadalhin.
Tinignan niya ang kanyang asawa. Gusto niyang maiyak at tumakbo na lang palayo dahil mukhang bumabalik na naman ang dating Lay na nanakit sa kanya.
"Lay!!! Get off of me!!!" Matapang niyang sigaw pero sapat na yun para marinig ito ni Lay sa kabila ng maingay na tugtog.
"No. Don't you dare to scream or I swear you won't like what will happen next."
Tahimik na lamang siyang napahikbi habang kinakaladkad ni Lay papunta sa kanilang kotse. Pero hindi pa rin siya makapapayag na umuwi. Natatakot siya na baka.. baka maulit ulit ang nangyari dati.
"No Lay. Hindi muna tayo uuwi. Hindi pa tapos ang party ni Bes." Matigas na sabi ni Audrey at hanggang ngayon hindi niya alam kung saan siya humuhugot na tapang para sagutin ito.
" We will go home now Audrey! Whether you like it or not."
" But Lay! It's not over yet! Just wait here and I'll go back there!"
"Para ano Audrey?! Para makipagkita ka ulit dun sa g*gong kahalikan mo sa loob huh?! Kaya mo ba gustong bumalik dun Audrey huh?! Well, I will not allow you!"
"Hindi Lay! It's not what you think! Hindi mo alam ang nangyari! At ayoko ring umuwi! Nakatatakot akong umuwi, Natatakot ako sayo! NATATAKOT AKO SA MAAARING GAWIN MO!"
" And now you're scared at me? BAKIT MAHAL MO NA BA YUNG LALAKENG YUN? That hurts.. so much... BUT WHO CARES? WELL YOU'RE STILL MINE AND ONLY MINE FOREVER."
And with that, Lay punched Audrey in her stomach making her back arch because of pain and she passed out.
Sinalo naman ni Lay ang kanyang asawa na mahimbing nang natutulog. Isinakay na ni niya si Audrey sa passenger seat at inihiga doon. Pinakatitigan niya ang kanyang asawa.. ang inosente nitong mukha.. nagawa na naman niyang saktan ang pinakamamahal niya.
Hadali siyang sumakay at pinaandar na niya ang kotse. Humaharurot itong umalis mula sa lugar.
Hindi lang nila alam na kanina pa may nanunuod sa kanila.
*kringggggg*kringgggggg*
"Uy musta? Naging maayos ba ang lahat? Nagawa mo ba yung gagawin mo?"
"Oo at sa tingin ko babalik na siya. He punched my angel as well, and i fvcking hate that."
"Chill. Let it pass. The important is, you make the beast awakened."
¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤¤
BINABASA MO ANG
My Obsessed Possessive Husband
FanficI thought marrying him was the best idea, was the precious one. But it turns out to be my beautiful nightmare. © LionxHeart 2015 ( Chapters 1-10 are going to be edited at unknown date but you can read it until now. Maiiksi lang ang mga nakalagay sa...