Chapter 11

6.1K 147 6
                                    

Chapter 11

Asan ako? Yun ang unang tanong na pumasok sa napakasakit na masarap ibalibang na ulo ko..

Teka.

Pamilyar ito ha?

Nasa..nasa..

"gising ka na pala" sabi ko na eh..

"Nurse"

"lagi ka ng nandito ah"

"oo nga ho"

"ano ba naman ang pumasok dyan sa isip mo at napagtripan mo na magpaulan?"

Ngumiti na lang ako

"pasalamat ka at dinala ka dito ng gwapo mong bagong boyfriend"

Ano daw???

"hoh?"

"anong 'hoh'?"

"yung bagong boyfriend ever?"

"lagyan mo naman ng gwapo"

"Fine..gwapong bagong boyfriend ever"

"oh ano dun?"

"sino ho yun?"

"ganyan na ba ang kabataan ngayon..kinakalimutan ang pangalan ng boyfriend? O baka naman Nagka-amnesia ka???"

Tatadyakan ko ang nurse na ito eh!!

"hindi ko po kilala yung nagdala sa akin" paliwanag ko..pero kitang kita na ang pagkainis ko..

"Ganun?Paano mo nalaman? Nakita mo ba?"

"hindi po"

"e hindi naman pala..wag kang mag-assume"

Aray..tinamaan ako sa word na 'assume' ..bitter kasi

"epal" bulong ko..

"May sinasabi ka?"

"wala ho"

"nga pala..tinawagan ko na ang parents mo..kanina ka pa kasi dito..gabi na"

"ano ho bang oras na"

"alas nuebe na kaya"

"ahhh.. Okey..alas-nue-..ALAS-NUEBE???"

"oo..9 na..nuebe..isa-siyam ng gabi..paxenxa na hindi ako marunong ng ibang lengwahe eh .."

Pilosopo talaga!!!!

"sige po"

Palabas na xa ng lumingon ulit xa..

"Mas bagay kayo ng dati mong boyfriend. Sana magkabalikan kayo" at umalis na xa..

Napangiti na lang ako..

"Malabo na ho yun mangyari" bulong ko..

Napatingin ako sa paligid ko..

Napagtanto ko..

Na may markang iniwan sa pagkatao ko ang clinic na'to..

Dito naganap ang isa sa una naming pag-uusap

Dito ko unang naramdaman ang 'connection' namin

Dito ko naramdaman na concern xa (kung tunay nga yun)

Dito kami nag-usap na parang magkaibigan..

Dito nya ginawa ang una sa 'imperfectly perfect list' ko

Spaces To Fill Book 1: Recuperation (COMPLETE)Where stories live. Discover now