Chapter Seventeen [Secret Surprise]

1.9K 44 16
                                    

Wanted: B.A.P fan girls as characters on external link >>

Baekhyun’s POV

“A-a-alis na ko.” Tapos tumayo na siya at umalis.

Ano ba yung kapreng yun? Matapos niya akong bugahan ng iniinom niya, magwala at sabunutan ang sarili niya bigla na lang siyang umalis? Iba rin siya ha…

Pero…

Alam niya na ako si Haemin? Pano na ‘to? Baka magsumbong yun, di pa kasi alam ni papa kung nasan ako.. Di pa raw kasi ngayon ang tamang oras sabi ni tita…

Humarap ako kay Yuri at tinaasan siya ng kilay…

“Ano ba yung ginawa mo?”

“Hayaan mo na! Di naman magsusumbong yun… Tara na. Alis na tayo!” Tapos tinulak-tulak niya ko para tumayo…

“Tss… Siguraduhin mong hindi magsusumbong yun ha…” tapos hinawakan ko ang kamay niya at umalis na.

***

Ilang buwan na rin ang lumipas at ngayon, start of classes na ulet. Fourth year college na ako, at dito ako sa Chunsoo Arts School nag-aral.

Hindi rin alam ni Yuri na dito ako nag-aaral. Magkatabi lang ang dorm room ko at ang dorm room nila Kai at Chanyeol kaya nagkikita rin kami pero yung kapre naman umiiwas lang sakin.

Sabi ni Kai, tuwing nakikita daw ako ni kapre awkward daw kasi may “PAST” raw kami… Kaderder naman….

At dahil first week of classes pa lang namin eh open ang auditions sa varsity at clubs. Nag’try-out na rin ako sa soccer kanina.

Nagshower na ako at nagbihis bago umalis papunta kay Yuri. Magkikita kasi kami ngayon sa coffee shop sa labas ng campus.

Papalabas na ako sa campus gate nang makita ko ring lumabas si Yuri sa katapat na gate kaya nagtago muna ako para di niya malaman na dito ako nag-aaral.

Pinauna ko siya ng mga five minutes tapos sumunod na rin ako.

Pagdating sa coffee shop nakita ko siyang nakaupo sa usual spot namin…

Naglakad ako papalapit sa kanya. Ngumiti siya nung makita niya ako pero ako, nakabusangot.

“Twelve lang ang napili sa try-out.” Umupo ako sa harap niya. “Pang-thirteen ako.”

Pinatong ko ang elbows ko sa table at binaon ko ang pisngi ko sa mga palad ko sabay pout.

“Practice ako ng practice. May uniform na ko…”

Tumingin ako sa kanya…

“Yuri!! Bakiiit?!” with matching hand movements pa yun.

Blanko lang ang tingin niya sakin tapos bigla siyang tumawa…

“Hahaha.. Ang cute cute mo!!” tumayo siya ng konti para pisilin ang cheeks ko..

“Aaaaah!! Tama na!! Ang cheeks ko!” sigaw ko.

Yuri’s POV

Ano ba kasi nangyari dito? Ba’t biglang  nagpacute? Hahaha. Pero effective ha…

Binitawan ko na ang mga pisngi niya at umupo na ako ng maayos.

“Ba’t k aba kasi agpout? Nakakagigil ka eh!” sabi ko.

Hinimas himas niya ang pisngi niya.

“Grabe ka talaga! Sad na nga ako dahil di ako nakapasok sa soccer team tapos sasaktan mo pa pisngi ko.” Sabi niya at nagpout ulet.

“Wag ka ngang magpout! Baka magreklamo ka pa ulet na sumakit ang pisngi mo eh!” Umayos naman siya at ngumiti.

Ano ba ‘tong isang ‘to? Kanina ang cute cute niya tapos ngayon ang gwapo gwapo.. Hay Baekhyun ka!

“Oh ba’t tulala ka diyan? Ang gwapo ng boyfriend mo noh?” pang-aasar niya. Nakasmirk pa talaga siya ha.

“Pasalamat ka totoo yang sinasabi mo. Tsss.. Nag-order na pala ako.. Ikaw magbabayad ha.” Sabi ko.

“May magagawa pa ba ako? Tsss… Mabubutas naman bulsa ko nito! PG ka pa naman.” Pang-aasar niya.

Ngumiti nalang ako…

“Lumipat ka dito sa tabi ko. Anlayo mo eh…” Sabi ko sa kanya..

Tumayo siya at lumipat sa tabi ko…

*slaaaap*

“Ano  na naman kasalanan ko?” sigaw niya.

Hinampas ko kasi braso niya…

“Alam ko PG ako pero wag mo naman ipamukha.. I’m a girl… nacoconscious pa rin ako lalo na’t lalaki ka.”

“Eeeeh! Sorry! Akala ko kasi immune ka na sa asar ko eh..” paglalambing niya.

“Heh!” Tapos tumingin ako sa labas through the glass window.

“Uy Yuri!! Wag ka nang magalit…”

“Uy…”

“Sige ka… Hahalikan kita..”

Galit ako.. Galit na galit..Halik na bilis…

“Galit ka talaga ha…”

Hinawakan niya ang chin ko at hinarap ako sa kanya…

Ayan na….

Lumalapit na siya…

Second kiss na namin to…

3….

2….

1….

Ki…..

“Ma’am, Sir, here’s your order.”

Pvcha! Wrong timing!

Tiningnan ng masama ni Baekhyun ang waiter at mukhang dun lang rin narelize ng waiter ang nagawa niya.

“Ah sige kuya, pakilagay nalang. Salamat.” Sabi ko.

Mukha kasing susuntukin na ni Baekhyun sa inis ang waiter eh.

“Panira…” rinig kong sabi ni Baek.

Kumain na kami at syempre siya nagbayad.

Matapos naming kumain eh hinatid na niya ako sa school…

Baekhyun’s POV

“Sige na babye!” sabi niya sabay talikod pero hinawakan ko braso niya.

“Bakit?” Tanong niya.

“Kiss ko?”

“Tssss… *tsup* babye!” tapos umalis na siya..

“Pakipot.”

Sa cheek lang kasi siya humalik…

Nung nasigurado ko na wala na siya agad na rin akong pumasok sa kabilang gate patungo sa campus namin..

Kelangan kong mag-ingat. Kelangan hindi niya malaman na dito ako nag-aaral, kundi sira ang plano ko para sa kanya…

Sa end of school year ko pa naman kasi gagawin yun kaya dapat todo ingat ako…

From HE to SHE [A Byun Baekhyun Fan Fic] - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon