Chapter Eighteen [Kai-Anya]

1.9K 47 4
                                    

Hello po sa mga nagbabasa :)

Time out po muna tayo sa YuBaek at Baekyeol chapters…

Pagpahingain muna natin yang mga feels niyo~~!

Kapilyuhan muna ni Kkamjjong ang pansinin natin :DD LOL! Para sa Anya-Kai shippers :) (Kung meron man)

Kai’s POV

Nakatayo ako ngayon sa labas ng campus ni Anya… Haaaay! Pang-ilang beses ko na bang bumalik dito?

Sobra-sobra na nga ang efforts ko pero di pa rin niya ako binibigyan ng chance.. Haay! Tinamaan na talaga ako sa kanya…

Huminga ako ng malalim at naglakad na papasok sa campus nila…

Nginitian ko ang guard para di ako masyadong mahalata tsaka nagdire-diretso na ako papunta sa dorm building nila. Pasimple akong naglakad sa hallway ng dorm papunta sa room niya.

Bubuksan ko na sana ang door ng biglang may lumabas…

“Oh? Kai… Nandito ka ulet? Pursigido ha.. Wagas makaeffort eh.. Nasasanay na ako na ganyan itsura mo ha…” bati ni Shanen, roommate ni Anya.

“Ah… Hihihi.. Nadyan  ba siya?” Pagbabalewala ko sa puna niya.

“Ah. Oo. Sige pasok ka na. Alis na ko. Goodluck!”

Pumasok na ako ng dire-diretso. Di na ako kumatok kasi pag nalaman niyang nandito ako di niya ako papapasukin.

Pagpasok ko nakatalikod siya…

“Oh Shan akala ko ba aalis ka n….Buset! Ano nanaman ginagawa mo dito?!” sigaw niya.

“Ah eh…”

“Alam ko na.. Mangungulit ka na naman no? Grabe.. Hindi ka ba nawawalan ng costume? Di ka na nahiya? Pumunta ka dito ng ganyan ang itsura?”

[Kai at the right >> Oh diba bongga?! LOL XD]

Oo. Tama nga ang kita niya sa picture. Ganyan ang tsura ko ngayon. Idol ko kasi si Baek eh kaya ginaya ko na rin siya. Nagbihis babae rin ako para makapasok sa campus ni Anya. All-girls school rin kasi ito eh.

Naka sexy see-through purple lingerie ako may mahaba rin akong itim na wig. May itim na stockings at gauntlet tapos itim rin na pakpak. Binonggahan ko na ang outfit ko para hindi na magreact ang mga guards at papasukin nalang ako.

Pero mas maganda ako kay Baekhyun diba? Sexy pa ako? Diba? Diba?

“Eeeeh! Anya naman eh… Grabe na nga ang effort ko hindi mo pa rin ako binibigyan ng chance…” Tapos tinanggal ko wig ko at nagpout.

“Sino ba nagsabi sayo na mageffort ka?” Pagtataray niya.

“Aiiish!” Ginulo ko ang mahaba kong buhok.

“Oh? Dali. Alis ka na.” sabi niya.

Tiningnan ko lang siya ng masama.

“Ba’t ganyan ka makatingin?” Tinaasan niya pa ako ng kilay.

Linapitan ko siya at hinila papunta sa kama. Hiniga ko siya at pumaibabaw ako sa kanya.

“Kai! Ano ba!” Pinipilit niyang tumayo pero hindi niya ako makaya.

“Five minutes. Hayaan mo muna akong magsalita ng five minutes at aalis na ako kaagad.”

Tumingin siya sa wristwatch niya.

“Go!...”

Hinawakan ko ang pisngi niya at hinarap sakin.

“Tingnan mo ko sa mata habang nagsasalita ako,” Halata naman na naiilang siya.

Anya’s POV (FIRST TIME!! PARTEEEY!!!)

Nakatingin ako sa mga mata ni Kai. Nakakaintimidate ang mga tingin niya, tagusan eh pero pinilit ko pa rin itong tiningnan para makuntento na siya at matapos na to.

“Hindi ka pa retokada nun pero maganda ka na sa paningin ko. Bata pa lang tayo buntot ng buntot ka na kay Baek at ako naman buntot ng buntot sayo. Ayaw ni Baek sayo, hindi ka naman raw kasi kagandahan pero para sakin napakaperfect mo. Nagparetoke ka na’t lahat lahat siya pa rin hinahabol mo kahit ayaw niya sayo. Kahit noong hindi pa ganyan ang itsura mo minahal na kita. Tinatawanan na nga nila ako dahil sa kakahabol ko sayo. Si Baek tumakas pero ako nanghahabol. Hindi ko nga alam kung ba’t hindi kita mapalit-palitan eh. Halos gabi-gabi sinusundo kita sa bar dahil lasing ka pero alam mo ba kung gaano kasakit na pangalan niya ang binibigkas mo. Sabihin ko sayo ngayon ng diretcho. MAHAL KITA. Ngayon, paglabas ko sa kwartong ‘to asahan mong wala ng Kai na mangugulo sayo.”

Unti-unti na siyang tumayo, nakasunod lang ang mga mata ko sa kanya.

“Goodbye.” Lalakad na sana siya palayo pero hinawakan ko ang kamay niya kaya napatingin siya sakin.

Kung tutuusin naman kasi, napakabait ni Kai sakin eh. Hindi niya ko nilalait katulad ng mga naririnig ko mula sa bibig ni Baek. Pinagtiya-tiyagaan niya ako kahit palagi ko siyang sinusungitan. At kung paano niya ako tiningnan kanina, ramdam na ramdam ko na mahal na mahal niya ako at nasasaktan ko na siya.

Kinuha niya ang kamay niya mula sa pagkahawak ko.

“Tapos na five minutes ko. Bye.” Nanginginig na ang boses niya.

Tumayo ako kaagad at hinawakan ang braso niya bago pa siya makalabas ng kwarto. Tumigil siya habang nakahawak ang isa niyang kamay sa doorknob.

“Tanggalin mo na kamay mo, aalis na ako.” Ngayon alam kong umiiyak na siya.

Unti-unti niyang pinihit ang doorknob.

Pero sinandal ko ang chin ko sa balikat niya kaya napabitaw siya sa doorknob.

“Bakit mo ko minahal, Kai? Ano nagustuhan mo sakin?” Gustong-gusto ko yun malaman.

I want to know if there’s someone who loves me for who I am.

“Noon, minahal kita dahil ikaw si Anya pero ngayon ibaka na at hindi na kita kilala.”

Pinihit niya na ang doorknob at binuksan ito. Hahakbang n asana siya pero niyakap ko siya mula sa likod.

“Pakitanggal nga yang pakpak mo, hindi kita mayakap ng mabuti eh.” Sabi ko.

Sinara niya ulit ang pinto at humarap siya sakin.

“Ano ba ginagawa mo,Anya? Titigilan na nga kita para bahala ka na sa paghahabol mo pero pinipigilan mo na naman ako. Ano ba talagang gusto mong mangyari?” Naiinis na niyang tanong.

Kitang-kita ko ang mga luhang pumapatak at dumadaloy sa pisngi niya. Pinahiran ko ito,

“Tatantanan ko na si Baekhyun kung mapamahal ka na sakin.” Sabi ko.

“Anong ibig mong sabihin?”

“Make me love you, Kai. Gusto kitang mahalin.”

Kai’s POV

Pagpapakatanga na ba ‘tong ginagawa ko. Susubukan ko kahit na malaki ang chance na masaktan lang ako?

“Minahal mo ako dahil sa sarili ko. Hindi pa ako ganito kaganda noon pero tinanggap mo na ako. Pagod na rin naman akong maghabol eh pero wala rin naman aong magawa kung siya ang minamahal ko kaya please make me fall for you Kai. I want to be loved back too.”

May parte sakin na gustong sumugal kahit hindi ako sigurado sa kahihinatnan ko kaya susubukan ko.

Unti-unti kong nilapit ang labi ko sa labi niya. Di naman siya gumagalaw hanggang sa naramdaman ko na ang labi niya sa labi ko.

***

Please click the external link for my Mother’s day special dedicated to my MOTHER who passed last February 15, 2013 :D Thankyou!

Who wants a side-story? :DD LOL XD I want to be happy too. 

From HE to SHE [A Byun Baekhyun Fan Fic] - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon