c1½

335 17 1
                                    

Suho's Pov

4:30 p.m, Sunday

"Oh Lay? San ka pupunta at may dala kang gamit?" Tanong ko kay Lay, kasi naman may dalang backpack.

"Maliligo lang" sagot niya.

Ano? =.=

"Eh para saan yang bag?" Tanong ko.

"Wala props lang. Hahah sige bye" sabi niya at pumasok na sa CR. Agad akong bumaba, pero narinig kong bukas ang radio. Pag punta ko ng terrace ay wala ng tao.

"Kyungsoo!! Baekhyun!! Luhan!! Chen!! Hoy mga bading!! Iniwanan niyo na namang bukas tong radio!!!!" Sigaw ko mula dito sa terrace.

"Hoi pandak, pumapatol ako sa lalaki pero manly ako!!" Sigaw sa akin ni Luhan mula sa veranda ng second floor.

"Maka'bading' naman to!!" Sabi ni Baekhyun

"Ba?! Bakit Hindi ba?!" Saad ko. De punggal!!

"Sinabi ba naming hindi? Kung makatawag ka naman kasi ng bading, akala mo kung sinong diretso" sigaw sa akin ni Kwago... Kyungsoo pala =.=

"Top kaya ako!!" Sigaw ko pa balik. Aba, kahit maliit ako palaban ako.

"Kami din baliw. Atsaka problema ba na naiwan namin yang radio? Pinatay mo na diba? Ano pang problema mo?" Asar na sambit ni Chen.

"Eh kung hilahin ko kaya yang nguso mo ng mamaga?!?" Sigaw ko

"Puta!! Ang tanga kasi natin! Iniwanan natin yung radio na bukas. Pasencia na Suho. Di na mauulit. Heheh geh bye." Pagkasabi nun ni Chen ay sunod sunod silang nag alisan.

Mga walanghiya iniwanan akong mag Isa. 4rth year highschool na ako, at pati ang mga kaibigan kong pati sa bahay ay kasama ko. Aba akala kasi namin nung una ay maganda kung sa iisa na lang kaming bahay tumira para naman maiba lalo na at halos lahat naman kami ay nasa ibang bansa ang magulang or nag boboarding house pero take note may kasamang helper.

Akala namin magiging maayos ang pagtira namin sa ilalim ng isang bubong. Pero nesfuuuta!!! Mag tatatlong buwan palang kaming magkakaksama pero dahil nga mga anak mayaman, ay kung anu ano ng kaguluhan at kagaguhan ang nangyayari.

Kasi ako naman medyo matured na, eh sila? Susko. Actually tong bahay na ito ay dating bahay ng Hyung ko. Eh bumili na siya ng bagong bahay, ayaw niya na daw kasi dito dahil puro masasamang alaala lang ang nakikita niya pag dito siya, kaya ayon ibinigay niya na sa akin to. Nung una ayaw ko, pero nung nag kabiruan kami tungkol sa pag sasama sama, at nagkatotoo, dito na lang ako nagyayang manirahan para wala ng upa. Para yung tubig, kuryente, pagkain na lang ang problema diba?

Pero nag kamali ako, ibang buwan palang namin dito ay ang taas na ng mga bill. Kaya last month tinawagan ko si Siwon Hyung, kung pwede niya ba akong ihanap ng isang pang boarder para may kahati pang Isa sa mga bayarin. Pero hanggang ngayon wala pa rin

Agad akong pumasok ng bahay namin, para pumunta sa kwarto ko sa second floor, ng mapadaan ako sa CR. Narinig ko ang walang tigil na paglagaslas ng tubig galing sa gripo.

Pag kabukas ko ay nakita ko si Lay na nakatulog sa may inidoro habang pinupuno ang bathtub. Susko baha na.

"Lay!!!!!" Sigaw ko at lumapit sa gripo para patayin ito.

"Suho?! *mulat then gulat* hala!! Sorry?!" Paghingi niya ng tawad

"Ano bang nasa isip mo?!?" Sigaw ko

"Eh kasi, ang bagal mapuno nung bathtub, ang hina kasi ng daloy ng tubig dito sa taas. Gawa ng naliligo si Tao." Malumanay na sagot niya.

"Si Tao?! Eh kanina pa ng eh bago palang mag 10 eh naliligo na yun?" Tanong ko sa kanya, di siya sumagot kaya minabuti ko na lang na pumunta sa CR sa baba.

Xiumin ½Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon