Minnie's POV
akbay-akbay ako ni Yong habang naglalakad kami papalayo dun sa mga kasama ko sa bahay. Buti na lang, ang awkward ehhh. "Sino yung mga yun Min, parang nakita ko na sila dati" tanong sa akin ni Yong.
"Ah, sila yung mga kasama ko sa bahay. Ako din feeling ko nakita ko na sila dati, pero lagi naman ganyun ehhh hahahahhaa kala natin kilala natin" sagot ko. Tumingin ako sa lugar kung saan ko iniwan sila Suho, at lahat sila nakatingin din. Lol, ganda ko talaga. Charot Charot! Tara na nga lezz party na.
Nag-iisip pa din ata si Yong kung saan niya nakita sila Suho kaya niyaya ko na lang siyang mag saya "Yong ang ganda ng gabi, naka-off ka. Hello, dito ka nagtatrabaho sa isang magandang bar. enjoy the perks dude" agad ko siyang hinila para makipagsayaw sa mga tao sa dance floor. Palalim ng palalim ang gabi, nakailang kanta na din kami ng banda. Tipsy na ako pero wala to. Sisigaw sana ako ng party, kaso biglang may lalaking nag aamok ng away. at dahil chismoso ako syempre lumapit ako.
Hala tangina, binato nung lalaki ng upuan yung table nila Suho. "ANG AANGAS NIYO AHH, SINO KAYO HA? LAHAT NA NG BABAE ININYO NIYI NA AH!! EH MUKHA NAMAN KAYONG MGA WALANG BINATBAT, MGA BAKLA" sigaw nung angry big guy. Shitbrix, nag iba yung aura nilang lahat. Kahit yung cutie na si Kyungsoo, nag iba. Parang mga dimunyu baga.
nakakatakot.. nanghihina ako.. nilapitan nila yung tropahan nung lalaking nag aamok at tinapatan nila. Parang nangyari na to ahh. sinubukan kong alalahanin ng biglang naalala ko kung sino sila.
flashback...
"sa tingin niyo, tatanggaoin kaya tayo sa gang" tanong ko sa mga kaibigan ko, andito kami sa gubat. Parang camping site ito.
"dapat ang dami nila pinagawa sa atin ehh, pero yung lake lang talaga gusto ko makita ehh heheheh" sabi ni Yong. nakakatawa pa, dapat lang na tanggapin na nila kami dami na nilang naibunyag sa amin ehh. Yung iba di mo talaga kakayanin kung mahina ka. buti ako kahut maliit, gwapo at matatag naman.
"ughh gutom na ako, uhaw na uhaw na din ako mga tol" angal ni Minhyuk biglang lumabas dun sa cabin sila Boss. well technically di pa namin siya boss kasi di pa naman niya kami tinatanggap. Biglang may dumating na van, doon may bumabang siyam na lalaki, ay eleven pala. ang liit kasi nung dalawa hehehe.
"Jackson, Ilabas mo ang ate ko!" sigaw nung matangkad na mahaba baba. higante tangina, nakakatakot.
"Bakit ko naman gagawin yon? Kapatid ka lang niya, ako ang mahal niya" sagot ni boss, tapang ng boss namin. Hindi namin alam kung anong gagawin. kinakabahan ako.
"Kris umalis na kayo, mahal ko si Jackson" sabi nung magandang babae na kasama ni Boss simula kahapon, kakalabas niya lang ng cabin. ganda talaga.
"Alam kong ginagawa mo lang to para pagbayaran utang ko dyan sa tarantadong yan" sigaw nung mahaba baba, kaya agad siyang sinapak ni boss. Nagkagulo na ng sobra, kaming lima di namin alam ang gagawin. Madami ng masamang gawain ang nailantad nila sa amin, pero kakaiba na ito. sugatan talaga.
Hanggang sa nakita ko na lang na bumunot si boss ng baril at itinuputok yun sa direksyon nung higanteng mahaba baba. Napapikit na lang ako ng mata ko at hanggang sa makarinig ako ng dalawang putok ng baril. Pag mulat ko nakahandusay na yung babaeng maganda, nakita kong tumulo ang luha ni boss. Hindi ako makagalaw, masyadong nakakabigla yung nangyari. basta ang alam ko hinila ako nila Yonghwa, palayo at hinabol naman kami ng mga alagad ni Boss, habang sila boss naman ay patakas na. Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa wala ng humahabol sa amin. huling narinig ko ay dapat patayin daw kami.
Madilim na ang kalangitan, dahil sa away kanina nadamay din kami at nagtamo ng konting sugat. Nanghihina ako. Ayaw mawala sa isip ko yung mukha nung babae habang nililisan ng buhay yung katawan niya. Nakakita kami ng lawa, inakay ko agad si Jong papunta doon. Nagsunudan sila Yong, pag upo namin ay naiyak na lang kami. Dahil sa pacool kami at walang magawa sa buhay eto nangyari samin.
"mukhang malinis naman tubig dito" sabi ni Minhyuk kaya nag siinuman muna kami. sana matapos na tong araw na to ng buhay kaming lahat. Bumibigat yung mata ko.
yun lang ang naalala ko. dahil pag gising ko, may katabi akong apat na hayop at ako... babae na ako. punyeta.
flashback ends...
Sila yun! yung mga kaaway ni Boss Jackson noon. Pucha, delikado na ata kami.
"Y-yong, tama ka... kilala natin sila"

BINABASA MO ANG
Xiumin ½
Hayran KurguRanma½ inspired. #Xiuharem Prologue. There's this famous group called, 'The EXO. This group has eleven fucking handsome members. well soon to be ¹². They are really close with each other. Imagine, they were best pals since first year So, they decid...