Chapter 1.6 : Usapan

150 11 0
                                    

Tumingin ito sa Dalaga ngunit galit na galit si Sarah .

Hindi niya alam ang gagawin.. Ilang minuto ang nakalipas Umalis si Sarah at umakyat pagpunta sakanyang kwarto.

Tss. Nagwalk out. Nakakaines!

Lumabas ng bahay si Kurt suot-suot ang kanyang jacket at nakasumbrero ito para hindi makilala.
Naglakad-lakad ito at iniisip pa din ang nangyari kanina.

Hindi niya alam kung magso-sorry ba siya sa Dalaga.

Nagdadalawang isip ito kung magsasabi ba Siya kung bakit Siya nagalit.

++++

Bumababa si Sarah para kausapin si Kurt. Magpapaliwanag Siya kung bakit niya nagawa ang eksena sa Canteen at hihingi uli ng tawad.

Ngunit pagbaba nito ay wala si Kurt. Pumunta naman ito sa kwarto ni Kurt. Kumatok at walang sumasagot o nagbukas ng pinto kaya binuksan niya ito at wala namang tao.

Namangha ito sa kwarto ng binata dahil napakalinis at maayos ang gamit.
Lumabas agad si Sarah at Pumunta ng sala at umupo nalang sa sofa. Naisip nito na lumabas si Kurt para kumain.

Naghihintay ang Dalaga para makausap si Kurt.

++++

Nakapagdesisyon na si Kurt. At daliang umuwi sakanilang bahay at naisip niyang gabi na.

Nakita niyang nakaupo si Sarah sa sofa at mukang nagaalala.

" My Future Husband "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon