Chapter 20: The Plan is On

288 5 1
                                    

Drake's POV


Never have I imagined I'd go nuts over a date. To a party.

Inayos ko na ang buhok ko. Ang suot ko. Ang tie ko. Pero shit, hindi pa rin ako mapakali! Parang may mali o kulang, na hindi ko maintindihan. 

5:39 PM

Kanina pa ako palakad-lakad sa kwarto ko, panay din ang balik ng tingin ko sa orasan. Should I go already? Or is too early? 

Takte. Hindi talaga ako sanay sa ganito. Hindi ko alam kung anong meron, pero parang kinakabahan ako na hindi ko maintindihan!

"Uh-huh. So, that's what the commotion was all about."

Napapikit na lang ako nang marinig ang boses na yun. Dagdag pa sa problema ko.

"What do you want, ate?" Malumanay kong tanong. Lagi kaming nag-aaway niyang si Andrea Chandler, sa mga kadahilanang wala lang. Wala eh, mainit dugo namin sa isa't isa, pero ngayon? Wala ako sa mood, takte, I have more important things to take care of.

Sumandal siya sa pinto at nag-cross arms. "Hmm. Wala. Just checked on you. Pansin ko kasing nag-ayos ka yata. Never seen you like that, bro."

Tinaasan ko siya ng kilay. Bro? Saan nanggaling yun? Umupo ako sa higaan at tiningnan siya. Anong problema nito?

"And your point is?"

She just shrugged. "Wala. It's on you kung may point ako o wala."

Ano daw?

"Hindi kita maintindihan, ate. Tss." At tumayo ako para humarap ulit sa salamin. Inayos ko ulit yung tie ko, nagulo eh.

I saw her smirk from the reflection on the mirror.

"You really look like him."

Napahinto ako sa pagtatali. Biglang nag-init ang dugo ko sa sinabi niya.

Ako? Kamukha niya?!

"DO.NOT.COMPARE ME. TO THAT OLD MAN" I said with gritted teeth. Alam naman niyang galit ako sa matandang yun, at talagang tine-test ako nito. Pinipigilan ko lang galit ko, baka kung ano pa magawa ko.

"Woah. Chill. He's your son. Natural lang maging magkamukha kayo. " And she rolled her eyes.

Bumalikwas ako sa kanya, fuming with anger. "And you're not?!" I said in a half-shout. Mahirap na, baka nandyan yun.

She snorted. "Unfortunately."

Nawala ang galit ko. Ewan ko, napansin kong wala siyang intensyong mang-away. Napansin niya lang talaga ang nakakainis na pagkakahawig ko sa tatay namin.

Umalis siya sa pagkakasandal at akmang aalis na.

"Wait. Ate."

Nilingon niya ako.

"You hate Dad as much as I do. Then why are you working for the clan?" I asked. I have to. Matagal na naming kinamumuhian si Dad, ever since na mamatay si Mom, nag-iba na ang tingin ko sa kanya, I was just too late to realize it. But ate? She hates him down to the very core. I just don't understand why she still helps the clan.

With her back still facing me, she answered. "I should ask the same question to you."

Of course, alam niyang nagtatrabaho pa din ako sa clan. Hindi niya sasagutin tanong ko, ibinalik niya lang. Tss. Syempre, I won't answer. Hell I will.

"I have my reasons." Yun na lang sinagot ko.

She smirked yet again. I guess it runs in the family.

The Perfect Revenge (To Be Revised!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon