Chapter 6: Message

1.7K 29 1
                                    

Drake's POV

"Drake!"

...

"Drake!"

...

"F*ck! Drake ! Get up !"

Napabalikwas ako sa higaan ko. Sino namang walang modong tao ang gumising sa akin ? ! !

"Ano ? Nice trip from dreamland ?" Kahit hindi ko pa nakikita, nararamdaman ko na ang smirk na naka-plaster sa mukha nito.

"Ano bang kailangan mo, ate ? ! Natutulog ang tao, o !" Sagot ko sa kanya. Oo, yung walang modo kong ate. Lagi kaming rival niyan. Never kaming magkakabati.

"Tsss." She rolled her eyes. "As if namang may kailangan ako sayo. Pinapatawag ka ni Dad, bumaba ka na sa dining at mag-breakfast, dun daw kayo mag-usap." Nakapamewang niyang sabi sabay labas.

"Tss. Salamat ng MARAMI." sarkastiko kong sabi kahit alam kong hindi niya na maririnig.

Bwisit. Ang aga-aga, yun agad ang bumungad sa akin! At ang malala pa, pinapatawag ako ni Dad.

Sh*t. Wag sana. Wag tungkol sa kanya.

Dali-dali akong bumaba nang wala pang suklay o kaayos-ayos ng damit. Kailangan kong malaman kung anong meron.

Pagdating ko sa dining room namin, nakaupo si Dad sa pinakadulo ng mahaba naming mesa, at sa tabi naman niya, nakatayo ang kanang-kamay niya, si Vans. I clenched my fists. Masamang tao yan si Vans, kung masama ang Dad ko, mas ubod pa yan. I saw with my own eyes how he mercilessly killed people straight from the orders of my evil Dad.

"O, Drake, I see you're already awake, sit down. We have to discuss some...matters." he smiled so innocently.

Tiningnan ko sila ng masama. Si Vans naman, nakangiti ng arogante. Tsk. 

Umupo ako sa kanang bahagi ni Dad. Tahimik lang ako.

"So... I heard yo had a new classmate. A transferee, I must say."

I stiffened. Pa- Paano niya nalaman ? Tumingin ako kay Dad, at sa katabi niyang demonyo. Sh*t. Of course, si Vans ang nag-report sa kanya. Flying demonyo din pala ang hayop na yun. 

"Mukhang ngayon ka lang yata napatahimik na ganyan Drake ah, okay ka lang ? Pfft." Aba't nilalait pa ako. Kanang-kamay ka lang, pwedeng-pwede kita ipatalsik. Kung hindi lang malaki ang tiwala ni Dad sa sayo. I have no choice. I have to act this way.

Nag-cross arms ako. "Eh ano naman ngayon ? Wala naman akong pakealam dun. Huh. Nerd lang yun. Bakit ko kailangan i-report sa inyo ?"


Nakangiti pa rin si Dad, pero ang mga mata niya, nagbago... cold and angry.

"Bakit kailangang i-report ?" He stared at me intently. Kung nung bata pa ako, mapapaurong ako sa tingin niyang yun, ngayon, hindi na. I'm now a gangster, just like him.

"She is the daughter of our enemy, son. Kahit na ano pang itawag mo sa kanya, nerd, stupida o kung ano pa yan, she is the ONLY HEIRESS of their whole gangster business. And you're telling me now, kung bakit dapat hindi siya i-report ? ! What happened to you Drake ? ! !"

Biglang tumaas ang boses niya, but I still stared at him impassively. HIndi niya ako matatakot.


Tumayo siya at mabili ang pangyayari. He took me in his hands and slammed me to the wall. Bigla ko na lang nakita ang sarili ko sa pader, hawak niya ako sa kwelyo at galit, galit ang mga mata niya. Pero hindi pa rin ako magpapatalo...hindi...

The Perfect Revenge (To Be Revised!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon