1

121 4 3
                                    

" You're gonna run again?"

"Oo bakit anong pake mo? Diba may ibang babae ka naman? So para saan pa ko dito? Wala na kong silbi dito kaya aalis na ko!"

"SIGE LUMAYAS KA DIBA JAN KA NAMAN MAGALING SA PAG ALIS!?! SA PAGIIWAN SAMIN NG MGA ANAK MO! JAN KA MAGALING YUNG PARANG WALA KANG NARINIG NA EKSPLANASYON! NAPAKA KITID NG UTAK MO!"

NAGISING si Xia mula sa masamang panaginip na iyan. Ilang taon na ang nakalipas pero hindi parin siya tinatantanan ng bangungot na yan.

Naisip na rin niya na siguro nga panahon na upang harapin niya ang problemang tinakasan niya.

Ilang taon na ang nakalipas. Miss na miss na niya sila. Kundi dahil sa katangahan nia sana'y magkakasama sila ngayon. Huling balita niya sa mga ito'y nag Hong Kong sila at cinelebrate ang birthday ng bata.

*kring kring*
Natigil ang pagddrama ni Xia ng marinig ang tunog ng kanyang cellphone

"FRIEND!!!! OMG SI PAPA JAVS MAY NILILIGAWAN NA DAW ULIT??!!"
wala na huli na talaga siya

"Oh, edi maganda! Naka move on na siya sakin!"
LOL @ U Xia wag mong lokohin ang sarili mo

"Friend alam ko namang mahal mo parin siya at wag mo ng lokohin ang sarili mo at ako dahil kabisadong-kabisado na kita.. Oh siya-siya maiba tayo, Kamusta ka jan sa Bulacan? Maayos ka ba jan?"
Oo, nasa Bulacan lang siya. Hindi niya alam kung bakit hindi nalaman ito ng asawa sahil tiyak na pinahanap siya nito. O hindi talaga siya hinanap?

"Oo Lex, maayos ako dito. May pasok ako ngayon eh. Actually maliligo na ko dapat nung tumawag ka."

"Ay ganon? O sige na nga! Babayu! Labyu sizzums!" sabay baba ng telepono.

"Xia! Salamat naman at dumating ka na madami ng naghahanap sayong kliyente mo at magdedeposit daw sila o kaya'y mag oopen ng account, ayaw daw nila sa iba dahil sayo sila nireffer ng mga amiga nila o siya sige." Salubong sa kanya ng manager niyang medyo uhm tabingi? Ok, Bakla vaklsuh beki.

Oo, si Xia'y nagtatrabaho sa bangko, malapit sa Intercity. Ang Intercity ay parang isang compound ng mga ricemill kaya't palaging matao ang kanilang bangko dahil sa mga nagdedeposito ng pera rito o kaya'y nagwiwiwthdraw.

Masasabi natin na si Xia'y isa sa mga best workers ng bangko. Matuturing nga daw itong Employee of The Month dahil sa kanyang efficient na pagttrabaho.

"Next!" tawag ni Xia sa susunod na kliyente. Lumapit ang matandang babaeng nakashawl sa kanya at sinabing magdedeposit ito. "Ayos na po, Nay"

"Ay teka, hija. Patingin nga ng iyong palad." dahil sa hindi niya alam kung anong gagawi'y naibigay niya ang kanyang palad "Hija, ika'y may malaking problema kinakaharap at dala dala mo na ito ng ilang taon. Kailangan mo na itong solusyunan o harapin at kalimutan ang takot at pangamba dahil kung hindi mo ito haharapin ay may mangyayari.. ngunit hindi ko alam kung ito'y magdudulot ng tuwa o lungkot pero masasabi kong tungkol ito sa iyong pamilya. Mag iingat ka at palaging mag dasal sa Diyos, Hija, God Bless You!"

"A-ah sige po Lola. Maraming Salamat po! Mag-ingat ho kayo pauwi at maulan ho sa labas. God Bless You rin po Lola!" sambit ng dalaga.

"Next please!"

Umuwing nanlalata si Xia dahil parin sa sinabi ng matanda. Siguro nga ay tama ito at kailangan na niyang harapin ang kanyang iniwanang problema.

*kring kring*
09052629254

Sino ito?
-------------

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon