3

60 3 4
                                    

Inaayos na ni Xia ang kanyang portfolio ng tumawag ang kanyang kaibigan.
"Hello Lex bakit ka tumawag?"

"Hi sizzums! Aayain lang sana kitang mag mall. Kailangan ko kasi ng appropriate na attire para sa aaplyan ko next week."

"Oh bakit ka naman mawawalan ng office attire? Ano ba yang aaplyan mo G.R.O at wala kang proper attire?"

"Gagang to! Di naman ako pokpok. Sa Andrada Distillery kasi ako magapply eh diba madaming papi daw don!! Kaya eto magpapabeauty ako ng bongga."
ANDRADA DISTILLERY?!? Sa dinami-dami ng aapplyan naman nitong babaeng to doon pa.

"ANO?! Andrada Distillery? Eh alam mo namang nandon si Javier! Paano kung tanungin ka niya kung nasan ako?"

"Hay nako sizzums di naman ako bobo, Siyempre sasabihin ko kay Papa Javs na di ko alam kung nasan ka. Ganon!! Tsaka ilang beses ko na siyang nakakasalubong jusko ka! Pati nga anak niyo nakita... Ay shet"

"HOY! IBIG SABIHIN NAKAKAUSAP MO SI CLARA NG HINDI MO SINASABI SAAKIN?!"

"Ah eh.. oo? Di naman kami nagkausap ng matagal.. At friend, di ka nila hinahanap eh. Kaya di ko nalang sinabi sayo."

Di na napigilang mapaiyak ni Xia sa narinig. "Ayan friend naman eh kaya nga ayaw kong sabihin sayo kasi alam kong aatungal ka nanaman jan ay nako! Maghanda ka na aalis tayo! Dadaanan kita jan."

*Mall

"Sizzums!!! Alam mo ba na si Papa Easton!! Nandito!! OMG!" Tili ni Lex. Si Easton, kabarkada ni Javier.

"Paano mo nalaman aber?"

"Siyempre nag-check in siya sa foursquare oh!"

"Oh sa foursquare pala siya nagcheck in eh! Nasa AMall tayo ano ka ba! Tas ano yung Foursquare? Bagong hotel dito sa Maynila?"

"TANGA! Foursquare parang social networking site tapos dun mo ichecheckin kung nasan ka. Wari ngayon nandito tayo sa AMall tapos ayon ilalagay ko dun!! Ay nako basta ganon."

"HINDI KO NAMAN KASI ALAM! Friendster lang alam ko!!"

"PUNYETA KANG BABAE KA! Friendster?! Eh 17 palang ako nung namamayagpag pa ang friendster at multiply?!!!"

"Tanga uto-uto! May Facebook ako friend pa nga kita don!"

"Ay oo nga he he he. Ay nako basta tara na dun tayo sa Ever New hanap tayo ng dress ko."

Pagkatapos mamili ay kumain na ang magkaibigan sa isang sikat na restaurant sa bansa. Jollibee Fine Dining
Mapayapa silang kumakain ng may marinig siyang tumawag sa pangalan ng kasama niya.

"Lex? Lex is that you?!" Napapikit siya ng marinig niya ang boses nito. Napatingin naman siya sa kaibigan niya na nanlalaki na ang mata.

"MAGCR KA NA DALI LUMAYAS KA NA DITO!" sigaw na bulong ng kaibigan niya.
Nagmamadaling tumakbo si Xia sa CR.

"Oh ikaw nga Lex! Sino yung kasama mong tumatakbo sa CR?"

"Ah hehe Hi Papa este Javier hello hehe. Ah kaibigan ko nasusuka kasi eh ang dami na sigurong nakain."

"Ah ganon sige alis na ko! Ingat kayo"

To: Sizzums Xia
SIZZUMS! WALA NA SIYA UMALIS NA! Makakahinga ka na ng maluwag.

Sabado na at naghahanda na si Xia para sa kanyang meeting kasama ang head architect ng JVR Homes.
Alas dose palang ng tanghali ay sumakay na siya ng bus papuntang Ortigas dahil naiisip niya na baka traffic ngayon, dahil sale ang mga kalapit na mall nito.

Dumating siya sa Lucille's ng Alas Dos 'y medya at sakto naman tio upang makakain siya ng tanghalian. Hindi siya nakakain dahil sa last minute changes ng kanyang portfolio.

Narinig niyang bumukas ang puntuan ng Lucille's at narinig ang baritong boses ng lalaki "Reservation for Ms. Xia Perins?" "This way, sir" sagot ng babae.

"Excuse me, Ms. Perins?"
Nanganga si Xia sa nakita at satingin niya'y hihimatyin siya.

-

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon