2

58 3 1
                                    

Umuwing nanlalata si Xia dahil parin sa sinabi ng matanda. Siguro nga ay tama ito at kailangan na niyang harapin ang kanyang iniwanang problema.

*kring kring*
09052629254

Sino ito?

"Hello? Sino to?"

"Hi! Ms. Xia Perins?"

"Oo ako nga, bakit?"

"This is Mari po of JVR Homes. Iconfirm ko lang po yung meeting niyo sa sabado kasama po yung head architect namin? About po sa designs niyo para sa ipinapatayong town house sa Tagaytay?"

"Ah yes yes. Aayusin ko na nga yung portfolio ko. Saan ba yung lugar?"

"Ah Miss, yun nga po. Gusto po ni Architect kayo na daw po magset ng lugar na mas convenient sa inyo."

"Ok, sa Lucille's nalang."

"Lucille's po sa Ortigas? Sige po. 3 pm po sana? Yun lang po kasi iniwan ni Architect kanina na pwede daw siya."

"Ok sige thank you! Good Night!"

"Thank you Miss! Good Night!"

Pagkatapos ng tawag ay tinapos na ni Xia ang mga kulang sa portfolio niya. Isang linggo na niya itong inaasikaso dahil 10 design ang hiningi ng kliyente niya. Hindi siya makahindi dahil kapos siya ngayon.

Nagtake ng kursong Interior Designer rin si Xia ngunit hindi niya ito natapos. Sa katunayan last sem na at may nangyaring hindi inaasahan.

Naalala ni Xia ang sinabi ng matandang babae sakanya. Napatanong siya sa kanyang sarili kung handa na nga ba siyang harapin ang kanyang iniwang pamilya.. Naalala rin niya ang sinabi ng kanyang kaibigan na mayron na daw nililigawan ang kanyang asawa.
At dahil sa curiosity ay napasearch siya sa google "Javier Caleb Andrada"

Lumitaw ang sari-saring picture ni Javier. Mayroong naka business suit, naka casual, at ang pumukaw ng mata ni Xia, ang picture ni Javier kasama ang kanilang anak.

Pinindot niya ang News tab ng google. Bumungad sakanya ang "Javier Andrada, Dating a new girl in town?" dahil sa curiosity ay clinick niya ito.

"MANILA, Philippines - Last night was the successful release of Andrada Distillery's new product, The Cerveza. Many celebrities were spotted, international or local ones. But we all know about The Great Javier Andrada's love story. He was spotted with a date, and its not his wife nor his child. Some says that the girl is a new girl in town which came from New Jersey. We've heard some rumors that Andrada is already courting the girl.

We all wanted to know her daughter's reaction and his parent's reaction too, about the rumor. How about you, guys? What's your reaction about the rumor?"

Kalakip nito ay picture ng kanyang mag-ama at ang isang larawan ay kasama ng kanyang Javier ang nililigawan nito.

Hindi niya alam kung bakit siya napaiyak dito. Dahil ba namimiss na niya ang mag-ama niya? O di kaya'y nasaktan siya sa nabasa't nakita?
Napaisip rin siya minsan kung namiss ba siya ng anak niya o maging ni Javier.

*flashback*
Nasa mall si Xia kasama ang kanyang mga kaopisina upang mamili ng panreregalo sa anak ng kanilang isa pang kaopisina.

"Daddy! I want this one!! Maraming glitters its so pretty, like me!" sabi ng isang batang babaeng naka kuha ng kanyang atensyon.
"Baby, you already bought too many dresses and toys!" sabi ng isang lalaking nakakuha lalo ng atensyon niya.

Dahil doon napalingon siya at hinanap ang pinanggalingan ng mga boses na ito. At hindi siya nagkamali, ang mag-ama nga niya iyon. Napahawak siya sa bibig at may mga tumulong luha sa kanyang mata. Hindi na niyang mapigilang mapaiyak.

Hindi iyon ang unang beses niyang makita ang kanyang mag-ama pagkatapos niyang umalis ng kanilang bahay. Siguronay ito na ang ika-limang beses at ganoon parin ang reaksyon niya.

Bumalik siya sa kaniyang mga kaopisina't sinabi "Uhm una na ako ha. Sa isang linggo pa naman ang birthday nung anak ni Mam Cruz diba? Hahanap nalang ako ulit bukas o kaya sa biyernes."
"Oh sige, ay teka Xia, bakit parang namumula yang mata mo? Umiyak ka ba?" concerned na tanong ni Louie.
"Ay hindi Louie, nakamot ko lang. Sige una na ko! Ingat kayo pauwi."

Pag-uwi ay hindi na niya napigilan ang paghagulgol at kinuha ang picture frame nilang pamilya sa drawer at kaniyang niyakap.

*end

The ChaseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon