Pata pata pata pon ... pata pata pata pon ... pon pon pata pon ... chaka chaka pata pon ...
Pata pata pata pon ... pata pata pata pon ... pon pon pata pon ... chaka chaka pata pon ...
Pata pata pata pon ... pata pata pata pon ... pon pon pata pon ... chaka chaka pata pon ...
Nang biglang may tumatapik sa paa q ... (unti unting dumidilat ang mga mata) ...
NANAY: Nak aalis aq mamaya pupunta aq ng bicol kaw na bahala sa kapatid mo at sa bahay ... luto ka nalang mamaya ng hotdog meron dyan sa ref ...
AQ: Anung oras po ba kayo aalis ...
NANAY: mamaya pa namang gabi mga 4 na araw aqng mawawala fiesta kasi dun at para makadalaw na din sa tatay ko ...
AQ: o sige po ... (sabay pikit ulit) ....
Nanaginip na naman na parang nag lalaro ng PATAPON
Pata pata pata pon ... pata pata pata pon ... pon pon pata pon ... chaka chaka pata pon ...
Pata pata pata pon ... pata pata pata pon ... pon pon pata pon ... chaka chaka pata pon ...
Pata pata pata pon ... pata pata pata pon ... pon pon pata pon ... chaka chaka pata pon ...
Nang biglang may tumatapik sa paa q ... (unti unting dumidilat ang mga mata) ...
NANAY: oi tanghali na gising na kumaen ka na ng tanghalian ... di ka na naman nakapag almusal gawa ng tinanghali ka nananman ng gising ..
AQ: opo eto babangon na 5 mins lang ... (pikit ulit)
Pagkalipas ng 15 minutos
NANAY: oi kanina pa yang 5 mins mo bumagon ka na at malamig na ang pagkain ...
Bumangon na ko sabay hilamos, wiwi at mumug (glok glok glok) buga ... kumuha ng pagkain sabay bukas sa PC.
NANAY: Kumain muna bago yang laro mo ... papatayin q yan ...
AQ: opo ... kayo naman parang di na nasanay ...( binilisan ko na ang pag kain ng makalaro na )...
CLICK! CLICK! CLICK!
Username: Pinipig
Password: Hamog
Nga pala di pa q nakakapagpakilala ... Isa akong gamer ... pwede ding isang taong adik maglaro ng computer ... tawagin nio nalang ako sa pangalang pinipig ... sa lahat ng nilalaro ko yan ang aking username ... di ko mabilang mga Online Games na nalaro ko ... na para di ako malito parehas ang username at password q sa lahat ng laro ko ... kakatawa diba pag nalaman ng iba ang user at pass ko aun hack lahat ng games ko ... siguro pag nangyari un iyak tawa ako ... bwahahaha (evil laugh) ... kaya siguro ako iniwan ng GF ko dahil sa tamad ako mag hanap ng trabaho at kaadikan ko ... mas mahal ko pa ata tong pc ko keysa sa kanya ... OO tama ang narinig nio broken hearted ako ... siguro alam nio na kong anung pangalan ng GF ko ... Password pa lang alam na diba? HAMOG ang tawag ko sa kanya sa kadahilanang nung nang liligaw palang sya este ako pala eh lagi ko nababanggit na baka mahamogan sya madalas kasi sa gabi kami nag kikita ... Nga pala alam kong gusto niong malaman kung ilang taon naging kami ... 5 taon lang naman ... OO ang tagal naging kami kayo e2 hanggang ngaun masakit pa din ... nag lukluksa pa din aq sa kadahilanang mahal na mahal ko kasi un kaso nga may pag ka tarantado talaga ko kung minsan at alam ko sa sarili ko na ang laki laki laki laki laki ng pag kukulang ko sa kanya ... Ganun pala talaga nu ... Nasa huli ang pag sisisi ... tama na ang Senti tara simulan na ang laro ...
ENTER!
GARENA MESSENGER
CLICK!
LOL!
LOGIN IN!
CLICK!
PLAY!
SELECT YOUR CHAMPION!
CLICK!
TWITCH! PLAGUE RAT!
10!
9!
8!
7!
6!
5!4!3!2!1!
LEAGUE OF LEGENDS!
LOADING!
30 seconds TILL minion spawn!
CREEPINGS CREEPINGS
after 20 mins clash!
boommmm PENTA KILL!
VICTORY!
After 5 games
Bigla akong napaisip ... ganto nalang lagi ginagawa ko ... laro kain tulog iyak mukmuk sisi sa sarili ... araw araw ng ginawa ng DIYOS ganto nalng ba??? Bigla kung naisip na sumama nalng sa BICOL ... ng makapag isip isip na din at makita mga pinsan na simulat sapol di ko pa ata nakikita pati ang tatay ng nanay ko ... huling punta ko pa dun ehh isang taon gulang palang ata ako ...
PINIPIG: MA sama ako mamaya sa inio sa BICOL ...
NANAY: HUH?! (sabay troll face) totoo ba yan anak?? o nag bibiro ka lang ??
palibhasa di kasi aq malabasing tao ... taong bahay lang ako kasi andun ang computer ko ... kaya ganyan ang reaksyon ng NANAY ko ...
Nga pala di ko pa napapakilala ang nanay ko ... ang pangalan nya ay jingki ... sya ang bunsong babae sa pamilya nila ... di ko matandaan kung ilan sila mag kakapatid basta ang alam ko madami sila ... AKA the Financer ... grabe yang nanay ko walang trabaho pero imba kumita at mamigay ng pera ... ilang kapatid na nya ang na2lungan nya ... ung panganay sa kanila biruin nio binilan ng lupa ... THE F diba? tapos ung sumunod sa magkakapatid binilan nya ng brand new na motorsiklo ... ganyan kabait ang nanay ko sa mga kapatid nya ... basta may pera ehh 22long nya sa mga kapatid nya ...
PINIPIG: OO nga sasama aq ... malamang nyan sasama na din si gelo ...
Si gelo ang bunso kung kapatid ... oo dalawa lang kami sya bunso ako panganay ... lam nio ba bakit ko nasabing sasama yang kapatid ko kapag sumama ako??? kasi sobrang matatakutin nyan di makaka2log yan ng di katabi nanay ko hahah pero di na bata yan college student na yan ehh ... pero ewan ko ba bat takot na takot yan...
NANAY: OO malamang walang kasama un kapag sumama ka ... alam mo naman yun sobrang matatakutin ... tigilan mo na yang computer mo tawagin mo na yang kapatid mo ng makaligo na kayo at mag prepare ng inyong mga dadalin ...
Pinipig: Opo e2 last game na to ...
Triple kill!!!
basag dalawang tore!!!
rekta nexus!!!
victory!!!
Sabay ligo ... tapos prepare ng dadaling gamit ...
iniintay nalang ang pag dating ng van para ihatid kami sa istasyon ng bus sa cubao ...