Pag patak ng saktong alas 11 umandar na ang bus ... sa tatluhang upuan kami na upo si Nanay sa malapit sa bintana aq sa gitna at si gelo sa kanan ...
Shit sa sobrang pawis na pawis na aq nag palit aq ng damit ... wala ng hiya hiya hubad kagad ...
pag tapos q mag palit ay sumandal na q at nag pahinga grabe kapagod mag amazing race ...
sumilip aq sa bintana nakita q nalagpasan na namin ung guadalupe, megamall, robinsons forum
bigla q nalungkot ... naalala ko nanaman siya ...
di q namalayan may luha ng tumulo at singhot ng singhot nako ...
naisip q kasi sa loob ng 5 taon eto ang kauna unahang sumakay aq ng bus ng di ko sya kasama ...
ung mga sandaling pag inaantok na sya sasandal sya sa balikat ko ...
ilalabas ko na ung pamay pay para pay payan sya ...
ung tipong di ko na maramdaman ung balikat ko kasi namimitig na ...
salamat nalang at di ako napapansin ng mga katabi ko ...
Ang unang stop over namin eh nung dumating na kami sa alabang ...
nalungkot nanaman ako ... naalala ko nanaman sya ... kasi taon taon ang barkada namin nag oouting ... at dito ang laging stopover ng mga bus ...
langya kahit saan ata ako mapalingon naalala ko sya ...
nababaliw na ba ako o sadyang baliw na ???
sa di ko inaasahang panahon bigla kaming nag kalayo ...
tangina ko kasi e ...
simple simple nalang ng mga gagawin q di ko pa nagawa ...
di ko naibigay lahat ng oras ko sa kanya ...
ni bulaklak di ko sya nabigyan ...
buti pa ung di nakakakilala sa kanya binigyan sya ng bulaklak nung birthday nya ... o di kaya bigay ng may crush sa kanya ... ewan ko ba ...
alam ko naman mga pag kukulang ko pero bat ganun ???
parang di ko nagawan ng solusyon ...
at sa mga ginagawa ko lalo lang lumala ang naging sitwasyon naming dalawa ...
mga pangakong napako ...
mga utang na di nabayaran ...
mga pagmamahal na di nasuklian ...
mga oras na nasayang ...
mga pagkakataong nasayang ...
T . T
Di ko namalayan nakatulog pala aq ... at nagising lang ako kasi stop over nanaman ... bumaba ako para naman makapag unat unat ...
Nasabi sakin ni Nanay na muntikan na daw kami mabangga kanina ... kinabahan naman ako nun sabi ko sa sarili ko ...
Mamatay pa ata akong tulog kanina huh ... mamatay akong di pa nya ako napapatawad ... shit ayaw ko mangyari un ... sana bago man ako mamatay eh mapatawad man lang nya ko sapat na un ...
di man maging kami ulit tanggap ko na eh ...
sino ba naman ako para mahalin nya ulit ???
sino ba naman ako para pag bigyan nya ulit ???
sino ba naman ako para bumalik sa buhay nya ???
sino ba ako ???
sarili ko nga di ko na kilala ...
sya pa kaya ...
Ilang stop over na ang nadaanan namin pero parang di man lang kami nalapit sa destinasyon namin ....
piling ko parang ang tagal tagal na ng simula umandar tong bus galing cubao ...
O hamog ... miss na miss na kita ...
pero lam ko sa sarili ko wala pa kong mukhang ihaharap sau ...
dapat mapatunayan ko muna sa sarili ko na naaus ko na ang sarili ko ...
ung mga ayaw mo matanggal ko na ...
maibibigay ko sau lahat ng oras ko ...
lahat ng pagmamahal ko sau lang ibibigay ...
lahat ng respeto maibigay ko ...
tiwala ...
at ang mapatunayan na kaya kitang buhayin ...
pero anu ba tong naiisip ko ...
e di ba kakasabi ko lang na tanggap ko na na ndi na nya ko babalikan ???
baliw na nga ata aq ...
nahahati ang kalooban ko sa dalawa
ang tanggap ko na ...
at ang umaasa pa ...
Haist after 8 hours of travel eh nakarating din kami sa terminal ng sta. elena ...
wooo nasa bicol na din sa wakas ...
sumakay kami ng tricycle papuntang lower ... grabe sa dami namin 4 na tricycle ata ung nagamit namin ahaha ...
one big happy family ....
ay di nga pala aq happy ...
sila lang ...