Crizianna's PoV:
"Live until you find a reason not to, Anna. Life is full of mysteries, and you'll never discover what you're capable of if fear keeps you from living it."
Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, tumatak pa rin sa isip ko 'yung mga salitang sinabi ni Lolo Manuel.
Siguro kasi totoo.
Siguro kasi buong buhay ko, pilit akong kumakapit para mabuhay.
Lumaki ako sa probinsya kasama si Lola Mina. Maliit lang ang bahay namin-gawa sa kahoy, puro tulo ang kisame, lumang electric fan, at isang kusinang amoy kahoy at bagong saing na kanin tuwing umaga.
Simple lang ang buhay namin.
Tahimik.
Masaya.
Pero hindi madali.
Maaga akong natutong rumaket para makatulong kay Lola. Kung anu-anong sideline pinasok ko-pagbabantay ng tindahan, pag-aayos ng modules ng mga bata, kahit pagtitinda tuwing piyesta, pinatos ko.
Hindi dahil gusto ko.
Kundi dahil kailangan.
At sa gitna ng simpleng buhay na 'yon, nandoon si Javon.
Ang lalaking una kong minahal.
Apat na taon.
Apat na taon kong inakalang siya na yung taong makakasama ko hanggang dulo.
Mali pala ako.
Kasi minsan, kahit gaano mo kamahal ang isang tao... hindi pa rin sapat para piliin ka nila.
At minsan din, yung mga taong akala mong magiging dahilan para manatili ka...
sila pa pala yung magtutulak sayo para umalis.
Hindi ko naman ginustong mapunta sa Maynila.
Hindi ko ginustong iwan si Lola.
Hindi ko ginustong magsimula ulit.
Pero may mga bagay talagang kailangan mong iwanan para mabuo
ulit yung sarili mo.
At siguro...
dito nagsimula lahat.
Sa araw na iniwan ako ng taong mahal ko.
Sa araw na nalaman kong may pamilya pa lang naghihintay sakin sa Maynila.
At sa araw na unang beses kong narealize-
na mas malaki pa pala ang mundo kaysa sa sakit na kinakapitan ko.
This is the story of how I lost myself...
and found the person I was meant to become.
My name is Crizianna Avior Ocampo.
And this is where my story begins.
To be continued......
YOU ARE READING
Through my Eyes
RomanceThis story is about a girl named Crizianna Avior D. Ocampo, an adventurous and badass nineteen year old with a kind and soft streak when it comes to her Lola Mina Dizon, her late mother's mother. Aside from her best friend Mia Nicole Flores, she als...
