Untitled Part 1

19 1 0
                                    

I randomly asked my friends about this:

Naniniwala ka ba sa Meant to be?

 - Hindi, bakit?

Wala lang.

Lipat sa ibang ka-friendship ko.

Ikaw, naniniwala ka sa Meant to be?

 - Hindi. Forever nga wala eh, meant to be pa kaya?

Malay mo meron nga,

 - Naniniwala ka dun? Haha! Hindi nga?

Nagtatanong lang ako --_--

 - Si *insert my name here, naniniwala sa Meant to be!!

Sigaw n'ya ng malakas, to the point na narinig na ng buong klase at nagsimula na ang waang kamatayang pang-aasar.

Fast forward-->

Nagtanong ako sa iba ko pang ka-friendship, napag-alamanan ko na mas naniniwala sila sa Aldub kesa sa Meant to be. Napunta sa wala ang aking gustong malaman, kung ano-ano ang mga pinagsasabi ng mga baliw kong ka-friendship.

So iniba ko, napunta sa tanong na:

Meron bang Meant to be?

Sakto, nakita ko si Elise, ka-tropa ko noong high school. Nilapitan ko at inambush ng mga tanong. Ito ang exact transcript ng aming pinagusapan:

- Wala.

Weh? Dati sabi mo meron, naniniwala ka pa nga eh.

- Kase dati 'yon, hindi ngayon.

Eh di bakit, bakit hindi ka na niniwala?

- Kase kung gusto mo ang isang tao, dapat ikaw ang gumagawa ng paraan. Hindi naman itutulak 'yan ng hangin para mapunta sa'yo. Kung kinakailangan na hatakin mo s'ya, kaladkarin mo. Kung kinakailangan isampal mo sa kanya ang existence mo, isampal mo at ipamukha na nandyan ka. Hindi naman kase itutulak 'yan ng tadhana papunta sa'yo. Wala rin naman s'yang GPS para puntahan ka sa bahay n'yo. Google ,map nga hindi mahanap ang exact address mo s'ya pa kaya na tao lang?

Eh ano na ang pinaniniwalaan mo ngayon?

- mm... siguro naniniwala ako sa, kung kayo, kayo

Ha? Eh di parang sinalungat mo lang 'yong sinabi mo kanina?

- oo nga. Pero diba, kapag gusto mo ang isang tao, gusto mo? Kung ayaw n'ya sa'yo, hindi mo s'ya pwedeng hatakin at kaladkarin papunta sa'yo. Hindi mo pwedeng ipilit... kase masakit 'yon!

Ha ha! May iba ako naiisip d'yan

- ito, basta sa mga ganyang bagay active utak mo.

Hindi naman! Curious lang ako.

- Leche, kaya pala sabi nun gusto mo maging sex therapist.

Haha! Gaya nga ng sabi mo dati 'yon. Haha!

- Lokohin mo sarili mo.

Oo na, so balik na tayo sa pinag-uusapan. Bakit? I mean no offense ah? Pa'no mo nasabi 'yan? Base sa experience? Or something? Anything in particular?

- mm... Remember nung naniniwala pa ako?

I frantically nod here.

- Ganito kase...

Nagdadalawang isip s'yang tumingin sa akin.

Dali ano 'yon?!

- Sandali, may ite-text lang ako.

Sino jowa mo?

- Hindi, boyfriend ko.

Ay, ayaw ipatawag na jowa, gusto boyfriend. Naks! s'ya ba dahilan?

- Sandali lang.

Ang tagal naman!

- Wag kang magdali! Gusto mo bang malaman?!

Oo naman! Kaya i-kwento mo na!

- Ito na!

Tago n'ya nung phone

- So 'yon nga...

She leaned. I listen. And I learned, love is not something 'destiny' or 'meant to be'. It is putting an effort and not giving up. Here's the story she was saying...


One Millimeter of PossibilityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon