a/n
Paki basa naman po ung iba ko pang story.. AHAHAHA. Nasa external link po. thank you..
Here it goes..
***
Reader's POV
Tiningnan ni Ryan ang kanyang sarili na basang basa. Namuo ang galit sa kanyang dibdib and he sweared na hindi na siya matatakot kay Ms. Validictorian.
(Description about Ryan)
Si Ryan ay ang tinaguriang heartbreaker sa school nila. Bawat aamin o magpapadala sa kanya ng love letter ay pinapahiya niya sa harap ng maraming tao. Kung ihahalintulad kay Acce, mas sikat siya.
Dahil sa kanyang kasikatan, nagkaroon siya ng mga "Hater" na madalas siyang tawagin na bakla at taga-sira ng relasyon. Ni-minsan, wala pang babae ang nam-basted sa kanya dahil sa kanyang kasikatan at ka-gwapuhan (Saklap nung tagalog ko).
Mayroong namamagitan sa kanila ng babaeng nagngangalang Naomi Perez. Laging may pagka-suplada ang babaeng ito sa lahat ng mga tao sa kanilang paaralan. May kasikatan rin sa lahat ang babaeng iyon dahil sa kanyang talinong taglay at siya ang tinaguriang "School's Pride". Dahil dito, napagpasiyahan niya na akitin at ipahiya si Naomi sa harap ng maraming tao sa kanilang paaralan.
Matagal na panahon na rin iyon ng masagawa ang kanyang plano at siya ang nabihag ni Naomi. Sa bawat ngiti na minsan niya lamang makita, bumibilis ang pintig ng kanyang puso. Hanggang sa nalaman niya sa kanyang sarili na mahal niya ang babaeng iyon.
Ngunit hindi nagtagumpay ang plano niya na bihagin ang puso ng babae. Unang beses niya pa lamang itong kausapin, sinupladahan siya ni Naomi. Dahil rito, nasaktan si Ryan sa kauna-unahang beses sa buong buhay niya. Nais niyang maghiganti at ipagpatuloy ang pagsira sa pangalan ng babae.
Sa isang parke, di niya (Ryan) inaasahan na naroon rin si Naomi. Mayroon siyang kasamang babae na nakalong sa kanyang hita. Nang mapalingon si Naomi sa kanya, hinalikan niya ang babae habang nakatingin kay Naomi. At mukha namang walang reaksyon si Naomi sa ginawa niya.
Sa isang lugar, nakita ni Ryan na umiiyak ang isang babae sa kadahilanan na ni-reject niya ito. Kasama ng babae si Naomi. Nilapitan sila ni Ryan at akmang hahawakan ang babae ng bigla niyang pinalo ang kamay ni Ryan.
"H'wag mo siyang pagtangakaang hawakan matapos ng ginawa mo sa kanya."
Sinabi ito ni Naomi habang tinititigan ng masama si Ryan. Halatang natakot si Ryan at umaripas na ng takbo.
(End of Description and Flashback)
TBC
Lalim ba ng tagalog ko? xD Anyway.. thanks for supporting.. =))) Nasa gilid si Acce at Regina. Gusto ko si Reg eh. =P

BINABASA MO ANG
I Used to Support You (Tell Me Why)
Novela Juvenil"Supporter lang nman ako sa buhay mo eh.. Alam ko naman na background lang ako.. Pero pls naman.. May pakiramdam din ako at marunong masaktan.."