Update 3: Manlilibre&Rival

22 2 1
                                    

A/N

Ang bilis ng pangyayari noh? Miski ako nabibilisan.. -_____- ayaw ko sa mashaong matagal at ayokong tularan ang mga stories na ughhhh... Ang tagal at paulit ulit ang nangyayari... Alam nio un..? HAHAHA.

E2 na.

***

ACCE POV

Amppp..

Mag-iisip na nga alng ng palusot si Naomi, manlilibre pa.. Ang dapat ko sigurong sabihin ay "Buti na lang may naisip siya". So tlgang serious siya na tutulungan niya ako. Epic.

First time ko lang naman kasing manligaw.. Oo nga't may ex ako.. Pero hindi ko naman niligawan ung babaeng haliparot na un.. Naidadaan ko naman ung mga babae sa text messages at sweet na salita. Kaya lahat ng babaeng gusto ko, nakukuha ko ng madalian ng dahil sa text na walang ka-effort effort.. Masaya naman kahit papano kapag may karelasyon ka...

Iba kasi si Reg.

Isa siya sa mga babaeng ginagalang ko at minahal ko talaga. Minahal at minamahal. Kaklase ko din si Reg noong elementary, di ko lang masabi sa kanya na may gusto ako sa kanya dahil baka sabihin niya na bata pa kami at hindi ko pa alam ang meaning ng love.. Worst of all...

Di pa ako nanliligaw busted na. Natatakot akong mabasted eh. Buti na lang may narecruit akong supporter sa panliligaw.. Supporter? Parang pokemon un ah. Ugghh.. Nevermind.

Ang gandang kumanta ni Naomi. Nakakagulat nga lang dahil biglaan. Ang saya-saya namin ni Reg na nag uusap tungkol sa jackstones.. Ngiting ngiti pa nga si Naomi nung tiningnan ko siya eh. Tpos bigla siyang kumanta ng "Heart Attack". Hindi ako bakla. Nanonood lang ako lagi ng Myx kaya walang pakialaman.

BAT NAPUNTA KAY NAOMI UNG USAPAN?

Back to present tayo ngayon.

Malinaw na ako ang manlilibre kaya sabukot na ang aking pagmumukha sa sobrang inis. Akala ko pa naman tututlungan niya ako!! Papalibre lang pala ang wal*ngh*yang toh..!! Hustler pa. Pambili ko sana ng regalo ang dala kong pera eh.. T_T Lagas ang pera ko nito.

"Uhmmm.. Wait lang Reg ha. Excuse." - Si Naomi yan sabay hatak sa akin

"AHHH..!! Ano ba Naomi!? Saan mo ba ako dadalhin!?" - Ako

Hindi si kumikibo at patuloy sa paghatak sa akin. Hindi ko man lang makita ang face reaction nia dahil talagang nakabaling ung mukha niya sa daan at di man lang magawang tumingin sakin. Anong problema ng babaeng toh!?

"NAOMI, ANO BA?!" - Ako

Tumigil siya nung makalayo na kami sa room .. Huminga siya nga malalim at humarap sa akin. Ano bang balak nito??

"Di ba gusto mong tulungan kitang manligaw?"

"Oo."

"Then this is the great chance na gumawa ka ng move." - Naomi

"Paano naman?"

"Halata naman na matatalo ka at ikaw ang manlilibre. Sori naman kung ako ay nadamay. Bilang isang babae, hindi agad sasama si Reg sa'yo kung kayo lang dalawa. Kausapin mo siya. Biruin mo lagi. Tulad ng 'Ang ganda mo'. Tpos bi----"

"OKAY FINE! Just-- *sigh* shut up for now. Naiintindihan ko na ang plano mo at mshado kanng exaggerated mag explain." - ako

"Okay ^_____^"

Weird. Matapos ko siyang sigawan, isang malaking ngiti ang ibabalik niya sa akin? Weird. May mga babae palang hindi mo maintindihan kung ano ang nasa isip. Minsan, iniisip ko kung ano ang nasa isip niya eh. Hindi lang siguro ako sanay. Ang sama ng ugali niyang babaeng yan dati eh. Kinakawawa lahat ng members sa grupo.

Bumalik na kami ng classroom at ang naabutan ko ay hindi gaanong magandang scene.

Si Reg ay inaakbayan ni Ryan (The Hearthrob and Heartbreaker sa balat ng school) at tilian lahat ng mga kaklase ko. Tsss.. Sinapingil ko yang lalaking yan eh..!! Don't tell me na lolokohin niya lang din si Reg?! Hindi ako papayag! >:( Hindi ako natutuwa sa nakikita ko. Namumuo ang galit sa dibdib ko.

Napansin kong hinawakan ako ni Naomi sa kamay ko. Hindi ko napansing nakaikom pala ang mga palad ko. Binubuksan ni Naomi ang kamay ko, at ng tingan ko iyon, may mga bakas ng kuko. Ganoon ba kahigpit ang pag-ikom ko?

"Regina, what about lunch? *wink*" - Ryan

"YIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEE!!" - Mga kaklase namin

Natahimik si Reg at sinabing, "Sorry, I'm joining someone else"

Halatang nalulungkot ang bakulaw. Mamuhay ka sa lungkot! Manloloko! =P

Nilapitan ako ni Reg, "Pwede na daw mag-lunch sabi ni Mrs. Talinting. =)"

"Since talo ka... Alam mo na ang gagawin mo." - Naomi

"Yes, mga boss. Masusunod po."

Naglakad kaming saby saby papunta sa pinakamalapit na resto/karinderya/canteen. Ewan ko dito sa lugar na toh. Basta't napunta kami sa ALMQV Canteen.This is WORTH IT. Damoves na pare..!!

Pumasok na kami sa loob dala ang mga order namin. Um-rder na rin ako ng isang litrong Pop Cola para sa aming lahat .. Treat ko naman kaya kuha si Reg ng kung ano ang gusto niya at mukha namang nag-eenjoy siya .. Hinila ko ang upuan na uupuan ni Regina at gi-nuide siya sa pag-upo.

"Additional allowance bukas!! Thank you, Acce. ^o^" - Regina

"You're welcome.. Ako pa! Malakas ka yata sa'kin" - Ako

"Acce talaga.. Palabiro. Sige, bili mo ako ng straberry smoochie (smoochie ba un? Ung iniinom na parang cream? -____- Nalimutan ko na eh..) mamaya." - Regina

"Sure! Basta ikaw.. ^.^"

Habang nagbibiruan kami ni Regina, napasin kong parang naO-OP si Naomi. Tapos na siyang kumain ng wala pang 5 minutes!? At ang unti ng kinuha niya. Nahihiya ba siya?

Kakalabitin ko sana siya ng tiningnan ko ang tinitingnan niya. Isang babaeng iyak ng iyak sa mga kasama niya. Bakita naman sila titingnan ni Naomi? Weird.

Hinawakan ko siya sa balikat at halatang nagulat siya.

"Huh?! Bakit!? Anong meron!?" - Naomi

Nagulat tuloy ung babaeng naiyak pati ung mga kasama niya. -____- nakakahiya.

"Wala naman. Bakit ang unti nung kinain mo? Treat ko naman diba?" - Ako

"Ah. A-ano.. *napakamot sa ulo* Mahina kasi talaga akong kumain." - Naomi

"Baka nahihiya ka lang Nam" - Reg

"H-hindi ah!! > . < Mahina lang talaga akong kumain." - Naomi sabay inom ng pop

Tapos nanahimik namana siya habang nagbibiruan kami ni Regina. Tinding problema ng dinaranas ko ha. Paano ba pasalihin ang OP. Let her be na nga lang. Wala na naman akong magagawa. Alangan namang pilitin ko siyang magsalita at sumali sa amin samantalang ito naman ang plano niya at the first place.

Nambadtrip lang dahil dumating si Mr. Heartbreaker. Tiningnan niya na agad si Reg at napangiti.

-insert usok sa ilong dahil sa sobrang galit effect-

Nilapitan niya ang table namin. Kitang-kita ng dalawang mata ko na ginawa ni Naomi ang kanyang evil glare kay Ryan.

"Oh look! Ms. Valedictorian is here! *lapit ang mukha sa mukha ni Naomi* What's with the glare?"

"*tinitingnan ng masama ang mga mata ni Ryan* Indeed, I am here. Stay away from us." - Naomi

"So you think matatakot mo pa ulit ako?"

"Hindi kita tinatakot. Let's make it nicer. *binuhusan ng popcola na may yelo si Ryan* Kinakalaban kita, Mr. Walang Modo." - Naomi

TBC.

I Used to Support You (Tell Me Why)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon