ETO NA TALAGA.

64 2 1
                                    

Bakit napag isipan kong gumawa ng ganito.

Obvious ba? Edi loveless ako. Onga, saklap eh.

Pero anong lovelife ba pinaguusapan dito? Syempre as in yung lovelife na pang couple. Kinaklaro ko lang. Hindi sa pamilya. Lovelife talaga.

Pero di yun yung pag uusapan dito. Pano ko makwekwento, eh sa wala nga kong lovelife.

For short, loveless. Kwento ng lovelife ng loveless? Edi wala! Tapos.

Oo, the fact na wala ka pang jowa simula nung pinaganak ka sa mundong to, NBSB ikanga.

Pag loveless ka kaya, nacucurios ka talaga. Ang dami mong naiisip.

Iba kasi ang loveless sa single. Sige, sabihin na natin na ang mga single eh bokya, edi mas bokya pa sa bokya ang mga loveless. Hopeless romantic. Hopeless na hopeless mga kababayan!

Oo. Zero talaga kaming mga loveless. Except sa fact na NBSB, wala pang umaamin na may crush sa samin, kung meron man nung bata pa yun. Di pa seryoso. Wala pang nanliligaw. Walang kaharutan. Halos wala nang bahid ng landi sa katawan. Halos lang naman, kasi naman laha tayo meron eh. Hehe >:)

Pero ayun. Sige, sabihin na nating malapit ang single sa loveless, pero sige na nga. I-consider natin na iisa sila. Kasi kung loveless ka, single ka diba? Malamang.

Ano pakiramdam ng loveless...

Teka, ilan ang loveless dito???

Ayun ayun ayun 1 2 3 4 5 6 7 WOOOOOY ANG DAMI!!!

Odba ang dami naming kasapi. O tara tayo tayo na lang manligawan para mabawasan ang mga loveless sa mundo.

De biro lang.

Pero.... ano nga ba pakiramdam ng isang loveless?

Di ko alam eh. Pero sa tuwing naiisip ko yun. Ang baba ng tingin ko sa sarili ko. Kasi una kong tanong sa sarili ko, bat ka loveless?

Tas yun, kung ano ano na pinagiisip ko.

Bat kasi ganun yung mga lalaki sa mundo noh? Bat parang puro sa magaganda lang sila naaattract. Yun yung inaapproach nila. Di sa nilalahat ko yung mga lalaki, pero nasan na yung sinasabi nilang natitira pa. Meron pa nga ba? Nasan na? Anyare? Bat ayaw magpakita? :(

Pero aminin natin girls! Ganun din naman tayong mga babae eh, sa mga pogi rin tayo naaattract.

Pero ako, lumalapit naman ako sa mga lalaki kahit di pogi eh!!! Kapag may groupings sa school, clubs, programs, etc. etc. Kinakausap ko naman sila! Pero bakit ganun... wala akong lalaking ka-close?

Weird ba ko? Siguro. Ay oo pala. Pero di naman ako abnormal eh. Kinamumuhian ba nila ko. O ako tong kulang sa pagkafriendly.

 .....

Ayun!!!

Alam ko na ang tamang nawawala. Sila. Oo, sila.

Nasan na ba yung mga lalaki na friendly na kayang makipagkaibigan sakin at tatanggapin ako at hindi ako kamumuhian?

Nasan ka? 

Hindi ko ibig sabihin na lalandiin niya ko ganun ganun. Hindi naman yun ang intensyon ko. Pero pede na rin. Pero hindi ganun.

Una, gusto ko magkaroon ng kaibigang lalaki, at mas masaya kung mga kaibigang lalaki.

Di ko alam kung antisocial ako o panget. Siguro both? Aray.

Pero seryoso, yung lalaking tumatanggap ng kaibigang babae. 

Oo, kaibigan. 

Hindi yung kakaibigan ka kasi pumoporma na sayo? Tss. Kakaibiganin ka dahil dun. Gusto ka lang niyang mapa-oo.

Hindi yung ganung lalaking ganun ang intensyon.

Gusto ko yung kakaibigan ako tapos yun magkaibigan na. Gusto ko yung di niya sinasadya, di gaya nung sa taas na kakaibiganin ka kasi diba sadya naman niyang ligawan ka?

Pero iba pa rin yung di sadya, astig. Nag-click kayo... tas boom.

Magkaibigan na kayo :)

Tapos magiging close kayo...

Haaay. Kelan kaya ako magkakaroon ng lalaking kaibigan. Ano kaya feeling? Siguro mas masaya kung magiging super close pa kami na as in bestfriends na.

Teka... anong konek ng pagkakaroon ng isang lalaking kaibigan sa isang loveless?

Nasan na ba ko? Haha. Ayun...

Syempre naman diba... kapag magiging kayo ng isang lalaki, dadaan muna kayo sa pagiging magkaibigan, magiging close muna kayo tapos ayun, kayo na.

May ganun pa bang lalaki.

Kasi sa mundo ngayon, mukhang baligtad na eh. Oo, baligtad na nga.

Makukuha mo muna yung babae, tapos saka mo pa lang siya makikilala.

Ang pangit naman nun! Pano kayo nagligawan nun??? Eh pano ba naman kasi mga babae ngayon, ubod na ng landi. Onting landi ni guy, bumibigay na. Ito namang si guy, tuwang tuwa dahil nahulog si girl sa patibong niya.

Nakakainis lang. Konting chocolates at flowers lang. Yun na yun? Agad agad?

Tssss. Corny. Ang bilis. Ganyan na ang sitema ng ligawan ng kabataan ngayon eh.

Buti pa yung mga story dito sa wattpad, pati na rin sa candymag, sa mga nobela at kung san san pa. Maganda yung buhay nila... may guy... na dumarating...

Sakin kaya.... kailan darating?

Mukhang imposible. Buti pa si guy, ayan... laging kasama si girl. Kahit sa school. Kaso oo nga pala, fiction nga lang pala yan. Malayong malayo sa realidad..

Sa realidad kasi... ang mga lalaki di naman sumasama sa mga babae. Di naman nila nasosolo o nagiging kaibigan, kahit sa school.

Bakit? Ang saklap lang kasi talaga ng realidad.

Sa realidad kasi, walang lalaki naman ang gumaganon sa mga babae kasi nga itong si lalaki ay may kinasasamahang barkada. Oo, barkada.

Tropa nila, malamang na puro lalaki din.

Ang bading naman diba, kung yung lalaki sasama palagi dun sa babae kesa sa barkada niya. Never yun mangyayari sa reality. Ang lalaki ay lalaki, ayaw mapagkamalang bakla. Kaya yung mga tunay na lalaki, madalas naman tropa o barkada naman nila ang kasama nila.

Kung babae man kasama, malamang yung lalaki eh bakla!

Tapos kung magsasama naman yung dalawa pagchichismisan tas sasabihin na malandi kesyo ganyan ganito. Ang judgmental ng society eh. Haaaay.

Pero ang galing noh. Sa mga fiction... nagagawa nila yung mga bagay na yun. Walang judgments, walang nasasabihan ng malandi o bading.

Free ka. Siguro masarap mabuhay sa fiction world? 

Pero ayy... nasa mundo nga pala ko ng masaklap na realidad.

*to be continued

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Loveless LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon