Rules Of Friendship Part 5

2.9K 70 9
                                    

Huminga ako ng malalim. Nangangatog pa din ang tuhod ko kahit nakaupo na ako sa harap nila. Nakatingin ako kay Lexi. Inilabas ko ang dala kong ferrero rocher.

"Sorry na, please?" bulong ko kay Lexi. Itinulak ko ang chocolate sa harap niya.

Kinapa ko ang isa pang ferrero rocher sa dala kong paper bag. Hawak ko na iyon ngunit hindi ko alam kung paano ko iyon ilalabas. Ni hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kung ibibigay ko na iyon sa kaniya. Tinignan ko si Jino na noon ay nakatingin sa ibinigay kong chocolate kay Lexi. May kung ano sa tingin niya na hindi ko maintindihan. Sumilay ang ngiti sa labi ni Lexi.

Paano ba 'to? Anong sasabihin ko kay Jino? Bakit ang hirap namang gawin yung noong kagabi lang ay simpleng plano ko. Bakit ako kinakabahan ng ganito!

Huminga ako ng malalim. Bahala na!

Ngunit nang iaangat ko na sana ang chocolate na nakalagay sa paper bag na dala ko ay bigla siyang tumayo. Muli kong binitiwan ang chocolate sa paper bag.

"Hindi ko na kayang pigilan pa e." tumayo siya.

Nagmamadaling umalis.

Nataranta na ako. Nagkatinginan kami ni Lexi ngunit sandali lang iyon. Alam kong nahalata ni Lexi ang pagtataka sa aking mukha o puwede ding sabihing pagkabahala.

Nandito na ako e, ako na yung unang lumapit. Gusto ko nang makipag-ayos. Ayaw ko na ding matakot pa kay Jino. Saka tinulungan niya ako laban kina Philip kaya kailangan ko siyang pasalamatan.

"Sandali lang ha?" pabulong kong paalam kay Lexi.

"Saan ka din pupunta?" tanong niya.

Hindi ko na siya nilingon dahil nakapako ang tingin ko sa nakalabas na sa canteen na si Jino ngunit sinagot ko siya.

"Diyan lang."

Binilisan ko ang aking paghakbang. Marami akong nakakasalubong na katulad kong mag-aaral ngunit nakatuon ang tingin ko sa hinahabol kong si Jino.

"Hoy! Sandali lang! May sasabihin lang ako! Hoyyyyy!" sigaw ko.

Alam kong narinig niya ako ngunit hindi siya lumilingon sa akin. Mas binilisan pa lalo niya ang paglalakad. Nanadya ba talaga ito?

Tumakbo ako. Nang maabutan ko siya ay lakas-loob ko siyang hinawakan sa balikat.

Ngunit pagkahawak ko ay mabilis niyang hinawakan at pinilipit ang kamay ko.

"Arrayyy! Sige na, okey na ako. Huwag ka lang manakit."

Binitiwan niya ang kamay ko nang makita niyang namumula na ako at itinaas ko ang isang kamay ko tanda ng pagsuko.

"May sasabihin ka ba?" tanong niya.

Nakakainis lang na hindi ko masabi ang salitang "Sorry" o kahit "Salamat". Hindi naman mahirap bigkasin iyon ngunit para sa akin, iyon kasi ang mga salitang hindi ko madalas sinasabi kahit kanino.

"Wala ka naman palang sasabihin, e. Sige na!"

Pagkasabi niya no'n ay mabilis na siyang naglakad. Takbo lakad din ang ginawa ko para maabutan ko siya.

"Hoyyyy! Sasabihin ko na! Hoyyy!" tawag ko sa kaniya habang sinasabayan siya sa mabilis niyang paglalakad.

"Sandali lang, hoy!" laylayan na ng uniform niya ang hinawakan ko. Mahirap nang mapilipit uli.

Huminto siya.

Hinarap niya ako.

Itinuro niya ang CR sa likod niya.

"Puwede bang pumasok muna ako diyan, hoy? Ihing-ihi na ako e. Kanina pa. Puwede, kung may sasabihin ka maghintay ka na lang sa canteen. Okey lang ba 'yun, HOY! Alam mo naman siguro kung ano ang pangalan ko hindi ba. Makatawag ka naman ng HOY, wagas!"

If It's All I Ever DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon