Kabanata 1

1K 37 10
                                    

"Ayessa!"

Umupo ako sa harap ng aking dresser at pinindot ang loudspeaker button sa aking cellphone bago ito inilapag. "Lian," bati ko pabalik sa aking kaibigan at sinimulang suklayin ang aking buhok. "Natanggap mo ba yung email ko kagabi?"

Nahagip ng aking mata sa may salamin ang kasambahay naming si yaya Maria. Hawak-hawak niya ang sapatos na pinapahanap ko kanina. Nakangiting tinanguan ko siya at sinenyasan na ilapag na lamang ang mga ito malapit sa kama ko. Tumalima si yaya at maya-maya'y umalis na rin matapos akong makapagpasalamat.

Graduation ngayon ng nakababatang kapatid kong si Anna. Alas-otso ang call time nila kaya kanina pa sila nakaalis ni Papa samantalang ako ay nagpaiwan para i-check kung maayos ang preparation para sa gagawing salu-salo mamaya para sa kapatid ko. It's just a small party with some relatives and close friends. Ang gusto kasi ni Anna ay magkaroon ng mas bonggang handaan sa darating na weekend.

"Yup, I saw it. Ang ganda talaga ng mga designs mo. I already compiled them with mine para ipapasa ko na lang kay Architect mamaya," ani Lian. "Sorry, mukhang hindi talaga ako makakaabot sa graduation party ng kapatid mo. I'll be meeting a new client later after kong dumaan sa office. Alam mo naman, sumaside-line na rin ako ngayon for extra income," sabi niya sabay tawa.

Ngumiti ako sabay lapag ng aking hairbrush. "It's okay. I understand. How about tomorrow? Tuloy pa rin ba tayo sa Trinoma?" tanong ko. I blinked at my reflection in the mirror. I only applied light make up a while ago. Hindi kasi ako komportable sa paglalagay ng masyadong kolorete sa mukha. This will do, I guess.

"Yes. I'll text you the time and meeting place. Si Shane din baka sumama. Busy lang yun ngayong araw dahil kasama na naman ang kanyang boyfriend," sabi ni Lian.

I laughed. I swear I could imagine Lian rolling her eyes habang binabanggit ang isa pa naming best friend. Iritado kasi si Lian dahil may bagong boyfriend na naman si Shane kahit kagagaling lamang nito sa break up.

Napawi ang ngiti ko nang mapansin ang oras na naka-flash sa screen ng aking cellphone. Lampas 9 AM na at 10 ang start ng graduation ceremony. "Sige na, mala-late na pala ako. See you tomorrow!" paalam ko kay Lian. We exhanged a few more goodbyes bago ko pinutol ang tawag. Kinuha ko ang cellphone ko at tumayo na para isuot ang aking sapatos.

I am only wearing a simple dark blue dress and a pair of doll shoes. Hindi naman kailangang masyadong bonggahan ang suot dahil pagkatapos ng graduation ay diretso ulit kami dito sa bahay.

Sinakbit ko ang bag ko sa aking balikat at hinagilap ang camera at susi ng sasakyan ko. Sandali akong sumulyap sa salamin para tingnan muli ang aking sarili at lumabas na ng kwarto.

Habang pababa ako ng hagdan ay nakasalubong ko ang isa pa naming katulong na si Teresa na may dalang mga tela. "Aalis ka na po, Ma'am Ayessa?"

Binagalan ko ang paglalakad ko para makausap siya. "Oo. Pakisabi naman kay Mang Kiko na i-text ako kapag dumating na yung cake. Nakapagbigay na naman ako ng order doon sa mga nag-aayos. Kayo na muna ang bahalang tumingin sa pagseset-up sa may garden. Maya-maya ay darating din sina tita..." Natigilan ako nang may mamataang lalaki na nakatayo sa dulo ng hagdan. "What are you doing here?" gulat na tanong ko.

Ngumisi lang siya at sumandal sa hawakan ng hagdan. "Just fetching my girlfriend..."

Tumikhim si Teresa na nasa gilid ko. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at nakita ang malawak niyang ngiti. "Kami na po ang bahala dito, Ma'am. Mukhang kailangan niyo na pong umalis," sabi niya at muling tumingin sa aking boyfriend na nakatayo pa rin sa baba.

Napapangiting napailing na lamang ako at nagpatuloy na sa pagbaba. Tumayo ako sa harapan ni Vincent at nagtitigan kami ng ilang segundo. Pinaningkitan ko siya ng mata.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 23, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

False GodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon