EFTP 4.2

15 2 0
                                    


A/N:Katuloy po ito ng Game nila na spin the bottle.

Rose' POV

Nakakatawa talaga itong dalawa na ito.Sila talaga ang nagdadala ng ingay sa grupo.

Si Brix na ang nagikot ng bote at naitapat yun sa akin.

SYYYYEEEETTT!!!Kinkabahan ako sa lalaking ito.Puro kalokohan din alam nito eh.

"Dare."diretso kong sagot.

"Bunot ka na."Sabi naman ni Brix

Bumunot na nga ako at tinignan kung ano nakasulat sa papel.

Napalunok ako ng tatlong beses.SYEEET LANG TALAGA.

Binigay ko kay Brix yung papel at siya yung nagbasa.

"Lapitan mo ang iyong naguhustuhan."malakas niyang basa.

"Yieee!!Sino yan Rose????"asar nila sa akin.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tinitigan ko siya sa mata.

Parang hindi ko kaya aminin.Ayaw ko muna.Mas okay na hanggang kaibigan lang.Mahirap na umasa.

LESTER'S POV

Nakatingin siya sa akin.Nakipagtitigan siya sa akin.Lumapit ka sa akin please.
Sana lumapit ka.

Nadismaya ako ng lumapit siya kay Angelo...

Tinignan ko reaksyon ni Precious.Bakit parang iba?
Sabi ko na eh.May gusto siya kay Angelo.Tinatago niya lang.

Tumingin ako kay Angelo at nakita ko siyang tumititig kay Precious....

Meron toh.May nararamdman sila sa isa't-isa pero hindi nila maamin sa isa't isa..Gagawa ako ng paraan.Gagawa kami ng paraan.

Nagulat kami lahat ng biglang tumakbo si Precious.Dahil sa pagkabigla nila,hindi nila siya nasundan kaya ako ang sumunod sa kanya.

"Aaahhh!!!Aahhhh!"sigaw ni Precious habang umiiyak.

"May nararamdaman ka sa kanya diba?"tanong ko habang nakatayo sa likod niya.

"Pa-Paano mo nalaman?"tanong niya ng may pagtataka.

"Sa tingin mo hindi ko mapapansin?Sa titig mo sa kanya kanina at sa pagtakbo mo matapos yung nangyari?Halata ka Precious"sabi ko

Bigla siyang yumakap sa akin at umiyak nang umiyak.

"Hindi ko maamin sa kanya.Mahirap na umasa Lester.Masakit na.Paano kung wala pala siyang gusto sa akin?Paano kung lahat idinadaan niya sa biro at hindi ko na alam kung kailan siya seryoso.Ayaw ko na mareject Lester."sabi niya habang nakayakap sa akin.

Hinaplos ko yung buhok niya.
"Hindi mo masasagot ang mga tanong mo kung hindi mo susubukan.Oo alam ko na masakit.Pero mas masakit kapag hindi mo nasabi.Malay mo...May gusto din siya sayo?Kung susubukan mo,dun mo malalaman.Subukan mo.Alam kong kaya mo yan."

Pagkatapos kong sabihin yun,dumiretso na kami sa loob at umakyat na siya sa kwarto niya....

Kailangan kong makausap si Rose..Aaminin ko sa kanya yung nararamdaman ko.

ANGELO'S POV

Nagulat kami lahat ng biglang tumakbo si Precious.Sinundan siya ni Lester.

"sorry..Nakagulo pa ako."paumanhin ni Rose

"Hindi okay lang."malungkot kong sabi

Hindi ako nagkakamali.May gusto siya sa akin.At may gusto ako sa kanya...

Ano kaya ang pwede kong gawin??Alam kong hindi ako ang gusto ni Rose pero bakit siya tumapat sa akin?

"Tulog na tayo guys.Baka napagod na tayo.Tara na."Aya ni Christian at isa isa kaming nagsitayuan.

Nahuli akong umalis doon dahil nag muni muni muna ako.Bakit nga ba hindi ko maamin?Dahil sa kaba?Baka kapag nlamn to ng mga lalaki sasabihan nila akong torpe.

Gagawa ako ng paraan.Hindi ko na kailangan ng mga
tanong.Dahil ramdam ko na meron.Meron.Mahal ko siya.At wala nang hahadlang pa.

*******
A/N
Emeghed!!!
Go Lester!Para kay Rose!!!( TEAM ROSTER)

Angelo!Aminin mo n ksi kay Precious.(TEAM GELOUS)

Kabaliwana na yung mga combination ng name nila...

Vote po sa mga silent reader please . ....

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 01, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Experinces From The PastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon