moving on... without him...

607 17 0
                                    

Irene's pov

Many relationships cannot work the way it should be because sometimes even when you love the person, the timing is just wrong.

Siguro nga sa maling pagkakataon kaming nagkakilala...

Sabi nila

Ang pag-subok dumadating yan sa isang relasyon para mas maging matatag kayo para sa isa't-isa,doon masusubok kung gaano kayo katatag,pero paano mo susuungin ang pag-subok na ikina-kaharap mo kung in the first place ikaw lang ang lumalaban?kung in the first place ikaw lang ang na-mo-mroblema?at kung in the first place wala naman kayong relasyong dalawa?

Tama,wala naman talaga kaming relasyon ni Spencer... at kung tutuusin ako lang naman ang pinag-lalaban ang fake relationship namin at talagang dumalo pa sa party niya noon,at kung tutuusin ako lang naman ang na-mo-mroblema sa'min dahil hindi niya alam ang tungkol sa pagdadalantaon ko at hindi niya kailangan malaman ang tungkol doon...

Hindi naman kasi lahat ng taong nagmamahal ay nakakaya ang sakit kapag nasaktan,tao lang din naman ako napapagod,nasasaktan,na minsan kahit na mahal na mahal mo ang taong yun ang puso mo mismo ang kusang susuko...

No one ever gets rid of loving. Sometimes,they just get tired of being hurt,waiting and hearing lies.

Ni-hindi ko alam kung ano ang una kong gagawin...

Papaano ko papalakihin ang anak ko ng ako lang mag-isa...

Kakayanin ko ba?magiging mabuting magulang ba ako?

Mamayang gabi ang flight ko papuntang london,two weeks na lang at ikakasal na si Spencer... kahit na natutuwa akong magkakaanak kami dahil kahit na iniwan niya ako ay atleast may iniwan siya para sakin...

Pero paano nga naman ako mag-mo-move-on kung dala dala ko ang bagay na magpapaalala sakin sa nakaraan namin at ang bagay na maituturing na dahilan para mag-ka-roon pa rin kami ng ugnayan?

Napahawak ako sa impis ko pang tiyan...

'Sorry baby ah... iiwan na natin si daddy... sorry ah... magiging mommy at daddy mo ko,kailangan na nating mag-move on ng wala siya... dahil kailangan... ayokong matulad ka sa nakaraan namin...'

Pag-kausap ko sa baby ko...

Yeah baby ko lang...

Napangiti ako ng mapait...

Nakakatawa lang dahil simula pa pagkabata ay magkakakilala na pala kami nila Spencer... kaya pala parang may alam sila at parang may tinatago...

Nakakatawa at talagang kami pa ang biniro ng tadhana at nagkita-kita pa...

At kita mo nga naman ngayon at parehas pa kaming nagdadalan-tao ni Crystal... tulad ng nangyari kela tita...

Pero hindi ko hahayaang paglaruan kami ng tadhana at mangyari ulit ang nangyari noon...

Napatingin ako sa maleta kong nakahanda na...

Ang SIGHT band lang ang pinagsabihan ko sa sitwasyon ko at nakakatawa dahil pati si Gwen pala ay pregnant din pero hindi ko alam kung sino ang ama,sinabihan ko na rin silang wag nilang ipagsasabi kahit kanino at sila lang ang nakakaalam na aalis na ako sa bansa pati na rin si tita...

Si Sky... sabi niya susunod daw siya sakin after 2 weeks para may kasama daw ako doon...

Tumingin ako sa wall clock ko dito sa unit ko...

Napabuntong hininga ako... three hours na lang at flight ko na... inaantay ko na lang na sunduin ako nila Sky...

May nag-doorbell kaya alam kong sila Sky yun kaya binuksan ko agad yun...

Ngumiti ako sa kanila para sabihing handa na ang mga gamit ko...pero hindi man lang sila ngumiti...

"Kailangan mo ba talagang umalis?"naiiyak na tanong ni Gwen,tumango lang ako at yumakap sa kanya,mas naging emosyonal si Gwen siguro pregnancy hormones...

"Com'on dadalaw naman kayo doon diba?at saka anong pakinabang ng facebook,messenger at skype?"biro ko kay Gwen,sila Sky tahimik lang,kinuha na nila ang mga gamit ko at sabay sabay kaming bumaba sa parking lot at sumakay na sa sasakyan,tahimik lang kami habang nasa byahe papuntang airport...

Pag-dating sa airport ilang minutes na lang ay mag-bo-board na ang flight ko kaya kahit ayaw ko ay nag-paalam na ako kayla Sky,lalo na si Terrence ewan ko pero gustong gusto kong nakikita siya,na-cu-cutan ako lagi sa kanya eh,si Gwen naman parang ayaw na akong paalisin,ako yata pinaglilihian niya eh...

Kaya natagalan din kaming mag good bye sa isat-isa...

Good bye...

I hate that word...

Good bye for me is the meaning of giving up everything...

And I hate hearing the word sorry... especially when It comes to the lips of the person who promised not to hurt me...

Yeah,he promised me... but he broke it...

Pero kahit na ayoko mag-give up gagawin ko dahil para sa anak ko to,mauunawaan niya rin ako pag lumaki na siya dahil para sa kapakanan niya to...


"All flights for New York,please come over and we will board in 5 mins. All flights for New York please come over and we will board in 5 mins."

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa narinig ko,hindi dahil sa innanounce,kahit na parang guni-guni ko lang yun ay lumingon pa rin ako...

I heard his voice calling my name... pero hindi ko gaanong narinig yun dahil biglang innanounce ang flight ko...

Lumingon lingon ako para lang madissapoint sa nakita ko...

Wala siya... wala siya...

Kahit na ayokong umasa ay umaasa pa rin akong sana pigilan niya akong umalis at sabihing minahal niya ako...

Pero siguro nga hanggang dito na lang ang lahat dahil once na nakaalis na ako sa bansang to... sisiguruhin kong kakalimutan ko na ang lahat...

Tinuloy ko na ang paglalakad ko at dumiretso para mag board... nung makasakay na ako sa airplane ay hindi ko mapigilang tumulo ang luha ko,sinuot ko ang malaking shades ko para takpan ang mga mata kong walang tigil na tumutulo ang luha...

I'll swear this is the last time I'll cry like this...

Hanggang sa umandar na ang eroplanong sinasakyan ko at tuluyan ng lumipad...

I'll let myself cry all of this,just now,gusto kong ilabas ang lahat... but after this I'll never let myself cry again...

I'll do six letters and two words...





Just 'move on'... without him...



Sometimes you just have to accept that some people can only be in your heart,not in your life.












****************************

A/n:ud ulit po^^ sana nagustuhan niyo xD haha!wag po kayong magalit sakin,just trust me may plano po kasi talaga ako dito xD haha!anong masasabi niyo?any reactions?anong sa tingin niyo ang mangyayari? XD
Hindi ko pa to naeedit kaya pakiintindi na lang dahil sa mga wrong grammars at spelling,phone lang gamit ko lagi eh...




-RareAutumn

A Womanizer fell in-love with a nobody?!-Completed (major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon