Birthday party part 2

639 19 2
                                    

Irene's pov

Mahabang katahimikan ang namayani sa'ming dalawa...

Ramdam ko rin ang awkwardness sa'min...

Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang childhood friend ko pala noon na kaagaw ko rin noon sa lalaking mahal ko ay siyang kaharap ko ngayon...

Ano nga bang nangyari noon?

Akala ko ba ay kinasal sila ni Spencer?


Tumingin ako dito ng seryoso...



"Tell me... what happened after I leaved the country...?"






Tumingin ito sakin ng seryoso saka umiling lang...


"Just asks him,wala akong karapatang sabihin sayo ang lahat,and walang nangyaring kasal noon...by the way...


I'm sorry..."sabi nito at tumingin sa mata ko,kita ko ang pagkakasinseridad na gustong sabihin nito...

Pero napakunot noo naman ako ng maalalang wala naman itong kasalanan sa akin...

"Sorry?for what?"




"Sorry,kasi ako ang dahilan kaya ka umalis noon,kaya hindi mo nasabi kay Zaine ang tungkol kay Stone,sorry kasi akala mo may anak sa iba si Zaine,sorry kasi naiinis ako sayo noon dahil kinalimutan mo kami... samantalang kami nila Drei ay hindi ka kinalimutan... s-sorry sa lahat..."hindi na nito napigilan ang pag-garalgal ng tinig at pumiyok na kasabay ng pagtulo ng mga luha nito...

Niyakap ko naman ito agad...



"Shhh... it's okay... hindi mo kasalanan  kung bakit ako umalis,desisyon ko yun.At hindi mo rin kasalan kung hindi ko nasabi kay Spencer ang about kay Stone at lalong lalo na hindi mo kasalanan na may anak ka at inakala kong ang ama ay si Spencer... s-sorry din kasi kinalimutan ko kayo... kinalimutan ko ang lahat ng nangyari noon... shh"pagpapatahan ko dito,hindi ko na rin napigilan ang pag-tulo ng mga luha ko...


Naalala ko noon sobrang close namin ni Gail,yeah Gail yun ang dati naming Tawag sa kanya dahil feeling ko kasi ang haba ng Crystal at nabubulol ako nun sa Crystal kaya Gail ang tawag ko nun sa kanya...

Siya ang kasama ko noong sinusundan namin sa mga gang fights sila Spencer...

Niyakap ko lang siya ng mahigpit saying na napatawad ko na siya...

"Shh,kalimutan na lang natin yun..."sabi ko ng tumigil na ito sa pag-iyak,ngumiti ako sa kanya...





"S-salamat... na-miss kita Rain"nakangiti na nitong sabi sakin.

napangiti naman ako sa sinabi nito at sa pagtawag sa first name ko,dati ayaw na ayaw kong tinatawag ako sa first name ko dahil para sakin ipinapaalala nun ang pagkamatay ng parents ko dahil umuulan din nun... pero ngayon hindi na...






"Yeah,na-miss rin kita Gail"ngumiti ulit ako dito...

"Anyway naalala ko,sino yung ikakasal?saka diba sa isang araw yun?"tanong ko,naalala ko kasi na wala nga palang nakalagay sa wedding invitation kung sino ang ikakasal...

"oh that,Terrence proposed to me last month and yeah sa isang araw na at kami ni Terrence ang ikakasal, gusto ko kasi surprise kaya hindi nakalagay kung sino ang ikakasal,haha!"nakangiti ito sa'kin ng sabihin niya yun,halatang masaya ito na ikalasal na ito...






"Hmm... so you love him.that much?dati kasi naalala ko noon... ahhmm,d-diba nung mga bata pa tayo ang mahal mo si... si S-Spencer?at noong umuwi ka din dito... a-akala ko mahal mo pa rin nun si Spencer..."nag-kandautal akong sabihin ang huling sinabi ko,dahil nag-aalangan pa akong itanong sa kanya yun... saka para kasing ang awkward pag-usapan yung about sa kanila ni Spencer eh...

Napangiti naman ito sa tanong ko...


"Your so cute when your jeallousing,hmm siguro nung mga bata pa tayo puppy love lang yun,kasi para sa'kin nun,si Zaine ang Ideal man ko,kaya siguro nagustuhan ko siya noon kasi nga para sa'kin nasa kanya na lahat ang Ideal man ko sa lalaki... tapos nung nakita ko siya ulit nung bumalik ako hmm siguro attracted ako sa kanya kaya akala ko mahal ko pa rin siya... pero nung nakilala ko siya... si Terrence... doon ko mas napatunayan na hindi ko pala talaga mahal si Zaine,at ang mahal ko talaga ay si Terrence... aaminin ko nung una ay naguguluhan pa ako,at actually nung nalaman ko rin na kinalimutan mo kami ay talagang binalak ko na ituloy ang arrange marriage namin at sinabing pregnant ako nung party,pero nung na-realize ko na mahal ko si Terrence at alam kong nasasaktan siya kaya ako na mismo ang nag-sabi kayla papa na i-cancel ang arrange marriage,nung mga bata pa tayo alam ko na yung about sa arrange marriage at si Tito Zeich din ang may gusto nun para ipag-merge din ang mga company namin..."mahabang paliwanag nito... kaya napatango-tango na lang ako sa lahat ng sinabi nito...


"Ah,so si Terrence talaga ang ama ng binagbubuntis mo noon"pahayag ko na halata naman.




"Yeah,She is Crysztelle Therese,I'm really thankfull na dumating siya samin ni Terrence dahil din sa kanya ay mas naging matatag kami ..."nakangiti nitong sabi habang nakatanaw sa labas ng kubo...

Sinundan ko rin ang tingin nito,napangiti naman ako sa nakita ko...

Si Crysztelle at kinukulit nito si Stone,yeah kinukulit dahil pisil ito ng pisil sa pisngi ni Stone,si Stone naman ay nakasimangot lang dito,nakakatawa nga yung itsura nila eh,pero nakakapagtaka lang at hindi naiinis ngayon si Stone...







Tumingin ako ulit kay Gail,nakita ko ang saya sa mga mata nito...

Ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng lungkot...

Naiinggit ako... nai-inggit ako dahil si Gail ay kumpleto na ang pamilya,may anak,may asawa,at may amang tutulong sa pag-aalaga at pag-gabay para sa anak...

"Bagay sila nuh"napabalik ang diwa ko sa sinabi nito...

"Ha?"wala sa sariling tanong ko...

May tinuro ito kaya napatingin ako sa tinuro nito...

"Crysztelle and Stone... bagay sila nuh,nakakakilig silang dalawa... grabe yung anak ko,taas ng fighting spirit,hindi na nga siya pinapansin kanina pa,kinukulit pa rin... haha!pakipot yang anak mo Rain ah!mana sa ama,haha!"pabirong sabi nito habang tumatawa,kaya natawa na lang rin ako dito...

Nag-aya na akong bumalik sa loob at kinuha na rin si Stone,ayun napasimangot naman si Crysztelle kaya natawa ako at sinabing mamaya mag-lalaro sila...

Hayysss,grabe tong araw na to,kakabalik lang namin pero ang dami ng nangyari...

Nung gabi na ay pinag-shower na agad si Stone at binihisan ng pantulog,maaga pa ram kami babyahe bukas dahil nga sa isang araw na ang kasal nila Terrence...

Hayyysss...

Kami kaya kailan?

Ay este mali,erase erase,ako kaya kailan?

Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Gail kanina... 'Just asks him,wala akong karapatang sabihin sayo ang lahat'

Eh?

siya raw ang tanungin ko sa lahat ng nangyari after ko umalis eh...

Ano ba talaga ang mga nangyari after ko umalis noon?

Isa lang makakasagot sa mga tanong ko...

Talk to him...

P-pero kaya ko na ba?

Kaya ko na ba siyang harapin after ng lahat ng mga nangyari?



















****************************

A/n:ito na po ulit yung ud^^ haha!love team na naman^^ si Crysztelle at si Stone xD haha! Any reactions?ano sa tingin niyo ang nangyari noong umalis si Irene?^^









-RareAutumn

A Womanizer fell in-love with a nobody?!-Completed (major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon