Chapter 8
Cool Off
"Wag mo nga akong hawakan! magkaka-anak na nga ehh, baka ano pa isipin ng mga tao Jem!"
sabi ko sa kanya, paano ba naman kasi kanina pa nangungulit na parang bata itong mokong na to.
Tama ang nabasa nyo magkakaanak na nga siya at alam nyo ba kung kanino?
(malamang hindi,)
kay Jen.
Ang kwento nga niya sakin kanina, when he saw that girl broken at nagkataon naman na broken din siya dahil sakin ( nakakakonsensya talaga)
ayun parang magic nalang and they end up together in one bed.
Iba nga talaga magagawa kapag broken heart.
ang sabi niya, hindi niya alam kung mahal ba niya si Jen kasi nga mahal daw niya ako kalokohan na naman niya yun.
pero sabi niya mahalaga ito sa kanya, alam ko naman na nasa indenial stage itong mahal kong fairy god.mother.
about naman sa problema ko, nasabi ko na sa kanya.
at ang sagot niya ay "Natulungan na kita ng sobra, kaya dapat natutunan mo na yan."
oh diba ang laking tulong nito ssakin.
Magkasama kami ngayon na namamasyal sa mall.
Bonding lang namin kasi matagal din kaming di nagkita.
Eto sI Rick kanina pa tumatawag, nairita na yata si Jem kaya hinablot niya kanina yung phone ko at pinatay.
Jem and Jhie Day daw kasi ngayon.
Gwapo parin si Jem katulad ng dati.Yung appeal niya hindi nabawasan kahit konti.
Mas lalong naging matured yung features niya, he is freakin' hot!
kaya naman halos lahat ng madaanan namin, napapatingin yung mga babae at naaamaze.
Sanay na naman ako, kay Rick palang sobra na.
mga 9:00 PM narin ng napagdesisyunan ko ng umuwi.
Ihahatid pa saba niya ako pero tumanggi na ako.
pagdating ko sa bahay, kotse ni Rick ang nakita ko sa labas.
At siya nakasandal sa kotse niya.
" San ka nanggaling? " malamig na sabi niya sa akin
" Sorry, nagkasalubong kasi kami ni Jem kanina , ayun niyaya niya akong mag mall" sabi ko sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.
" Si Jem? Yung ex mo? " inis na tanong niya.
Tumango na lamang ako bilang sagot.
" bakit di mo sinasagot yung tawag ko? at nakapatay pa ang cellphone mo? ganun ba siya kaimportante para di mo sagutin mga tawag ko? "
tuluy tuloy na sabi niya .
Nagpantig ang aking mga tenga sa narinig kong iyon.
" Oo, ganon siya kaimportante.."
kalmadong sagot ko na lamang.
" So siya pala ang gusto mo? " sabi niya
Di ko na napigulan pa at tuluyan na akong nagalit sa kanya.
" Oo gusto ko siya, importante siya sakin bakit kamo? kasi sa lahat ng oras na sinasaktan ako ng taong mahal ko, siya yung laging nandyan, nakakainis nga ehhh kasi hindi siya ang minahal ko, ikaw kasi ang mahal ko,
pero nakakapagod na ehh, napakasakit sa parte ko na laging naiiwanan sa ere, yung sa tuwing magkasama tayo lagi mo akong iniiwan, nagtataka na nga ako kung sino ba mas mahalaga. Ako ba o sila? "
Tuluyan na akong naiyak sa harapan niya, nakita ko naman na parang bigla niya akong gustong lapitan.
" Stop right there, wag mo ko lapitan. Please..."
nagmamakaawang sabi ko sa kanya
"I'm sorry please, babawi ako.."
napansin ko naman na nangingilid na yung mga luha niya.
" Babawi ka na naman? . Nakakapagod na, nakakapagod na maghintay, umasa, umintindi at maiwan. Mahal kita sobra pero ayoko na mahirapan. Ang sakit na ehhh. "
" please give me a chance" nagmamakaawang sabi niya.
" I've given you enough, tama na muna to, bigyan muna natin bg space ang bawat isa para makapagisip-isip, ayoko kasi na maging choice, tao lang ako , gusto ko rin naman maranasan ang magibg priority."
"Please, please.. di ko kaya... please" umiiyak na siya ngayon sa harap ko.
" we both need space, mag-isip ka muna. mag-iisip din ako. Ayusin mo muna lahat. masyado na tayong malabo."
yun ang mga huling salita ko bago pumasok sa bahay..
bigla nalang akong nanghina at napasandal sa likod ng pinto, habang naririnig kong nagmamakaawa siya sa labas at umiiyak.
....
Sorry sa paghihintay.
sorry rin sa Update na ito..
wag kayo magalit sakin please:)
VOTE and Comment.
rereplyan ko kayo lahat:)
-Jhie