Chapter 1 Flashbacks
Jhie’s POV
One year had passed after nung iwan niya ako, and until now yung sakit ganun parin …
Naguguluhan ba kayo??? eto mga nangyari One Year ago
Flashback :
“Bakit ang tahimik mo naman ata Potch?”
(Potch – Tawagan namin :P)
Kanina pa kasi siya nakatingin sa kawalan habang magkasama kaming nakaupo dito sa may park malapit sa school namin nung high school,
Napag kasunduan kasi namin na magkita dito ngayon, alam niyo na parang date narin.
“Ahm ….. Jhie”
“It’s Potch!!!” Singit ko
“Potch,, diba ang batayan ng pagiging tama ng isang desisyon ay yung wala kang natatapakan o napapasama?”
“Uhmmm, yeah…”
“Lagi mong tandaan na lahat ng bagay ay nangyayari for a reason “
“Ano na namang kalokohan to at nagiging makata ka ata????”
“Don’t dare to forget na mahal na mahal kita no matter what!!”
sabay hawak niya ng mahigpit sa kamay ko
“Alam ko naman yun kaya naman mahal na mahal kita “
At natapos ang araw ko ng Masaya with him,
after that day, unti unti ko ng nararamdaman ang pagiging cold niya sakin, lumipas ang weeks na lagi siyang busy , madami daw kasing mga paper works sa office,
Dumating pa sa time na nagagawa na niya akong indyanin, pero yung mga salitang mahal niya ako ay patuloy ko paring pinanghahawakan,
hanggang sa isang gabi, I was invited by a friend of mine na umattend sa isang engagement party , ayoko sana kasi hindi ko naman kilala yun, pero nag insist siya,
wala daw siyang kasama eh, kaya naman ayun no choice since wala naman ako gagawin kasi si Potch nasa isang business meeting daw sa batangas, at after three days pa ang balik niya.
While on the way nagtext pa si Rick na baka daw umabot pa ng 5 days ang business meeting niya, anu ba yan ang tagal naman masiyado L
At nandito na nga kami sa residence nung party, at wow ! napakadaming mga kilalang mga tao, parang medyo na pa OH! naman ako ,
At ayun as usual some programs, hindi na ako nakikinig , niyaya ako ng friend ko na magtransfer ng upuan kasi andoon daw yung ilan sa friends niya kaya naman mas napalapit kami sa stage,
Nakita ko yung babaeng maeengage, owner pala sila ng isang kilalang company, maganda siya, hindi ko rin masiyado makita kasi medyo malayo yung gap nung stage samin, uhhmm,,