Chapter 30

335 11 4
                                    

Abby's Note: Dedicated to the WRITER-slash-CREATOR of the CONSUNJI SERIES. \(^_^)/

She's the reason why I've met someone whose name is 'YVO JORGE CONSUNJI'. :"> I just wanna thank Cher Akane for sharing a very beautiful story, entitled 'EXCLUSIVELY HIS'. :) It had created a roller coaster of emotions in me. And, I just can't help myself from smiling while reading the Epilogue. I love how story was plotted and twisted. <3 #ThYvo is Love. (^o^)

'FOREVER DO EXIST!' Hahaha. Trust Me, Loves. :">

---------------------------------

Chapter Thirty

AngYna's Promise of Love



NAKANGITI akong nakatanaw sa bintana ng kotse habang si Angelo ay abala sa pagmamaneho. Habang binabaybay namin ang daan sa kung saan ay kapansin-pansin ang ngiting hindi lang sa akin kung hindi sa kanya rin. Mga ngiting tila nagsasabi sa kung ano man ang pareho naming nararamdaman.

Kanina sa party ay sinabi ni Angelo na may surpresa pa siya sa akin. Bigla akong na-excite nang sabihin niya iyon. Nang inaya niya ako ay hindi na ako tumanggi pa at sumama na lang sa kanya. Hiniram naman namin kay Lola Anna ang kotseng gamit nila sa pagluwas ng Maynila para may masasakyan. Pumayag naman siya at hindi na tumutol kahit pa alam niyang mawawala ako sa sarili kong party. Siya lang ang nakakaalam na umalis ako at sumama kay Angelo. Hindi na ako nakapagpaalam sa parents ko dahil sa pagmamadali.

Mula sa pagkakahawak sa manibela ay naramdaman ko ang paghawak ni Angelo sa kamay kong kanina lang ay nasa binti ko. Napatingin ako sa kanya. Hindi niya ako binalingan ng tingin ngunit nagulat na lamang ako nang halikan niya ang kamay kong hinahawakan niya. Napangiti ako. Actually, kinikilig na ako!


"Gwapo ba ako?" Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Tumawa siya na para bang nakikita ang reaksyon ako. Agad na namula ang magkabilang pisngi ko.


I didn't realize I was staring at him. Geez. Was I too obvious? Was it too long?


"Natatakot ako. Baka kasi hindi pumasa ang kagwapuhan ko sa standards mo." Nakangiting sabi niya. Sa hiya ko'y nahampas ko siya bigla sa braso. Muli ay tumatawang ngumiwi siya.


Waaaah! Alam nga niya. Alam niyang tinititigan ko siya. Kahiya!


Natigil na siya sa pagtawa nang mapansin kong nakangiwi pa rin siya. Napakunot ako ng noo hanggang sa marealize na baka nasobrahan ang paghampas ko sa kanya. Baka masakit talaga?


"A-angelo ... Okay ka lang?" Alanganing pagtatanong ko. Hindi pa rin kasi siya ngumingiti. Patuloy lang ang pagmamaneho niya habang nakangiwi.


Hindi siya sumagot. Bigla ay kinabahan ako. Nagagalit na ba siya?


"Hoy Angelo. Sorry. Galit ka ba?" Paghihingi ko ng tawad. Hindi ko gusto ang ideyang magagalit siya sa akin lalo pa't birthday ko ngayon. Ang pangit kaya 'nun!

"Hoy. Bakit di ka namamansin? Sorry na nga!" Ayaw ko man ngunit nakaramdam ako ng konting pagkairita. 


POLS1: Their PROMISE of FOREVER [Inspired by: Pangako Sa'yo - KathNiel Remake]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon