"Next!", sigaw ng manager.
Bahagyang umusad ang linya mula sa labas ng isang maliit na holding area kung saan marami ang nagaabang ng kanilang pagkakataon. Bagaman ang lahat ay tahimik na nagiensayo ng kanilang linya, si Ruiane ay kalmadong nagpapaypay na tila hindi man lang kinakabahan. Panay ang tingin niya sa relong hindi mamahalin na wari'y naiinip. Makailang ulit din siyang kumunot noo at saka bumaling sa kanyang kaibigan na abalang-abala sa pagtulog. Si Marianette o mas kilala sa tawag na Manet - ang kanyang dakilang alalay simula ng magpasya siyang tumigil sa pagaaral at magsimulang suyurin ang lahat ng audition mula probinsya hanggang Manila. Pareho silang kalog kaya madali silang magkasundo at madalas ding hindi.
"Hoy!", sambit ni Ruiane sabay pasimpleng siniko ang kaibigan na ikinagulat nito.
"Waahh, 'wag poh kuya, wag poh!", sigaw ni Manet na naging dahilan upang bumaling sa kanila ang atensyon ng mga taong nanduon.
"Ano ka ba? Paano mo nakakayanang matulog habang nasa pila?"
"Bago? Issue? Ikaw ba namang halos maghapon nang natayo at nakapila habang kumakalam na ang tiyan, ano sa tingin mo ang gagawin ko? Magta-tumbling at ientertain ang lahat?
"Bakit kapag sinabi ko bang oo, gagawin mo?"
"Hindi"
"Yun naman pala eh, ang dami mong reklamo."
Madalas ganito ang eksena ng magkaibigan. Palitan ng mga statement lines at barahan ng wagas. Subalit dito nabubuo ang araw ng dalawa. Halos magkasing tanda lang sila pero hindi magkasing ganda. Siyempre alam niyo na kung sino ang lamang. Nagumpisa ang kanilang pagkakaibigan noong mga high school pa lang sila. Iisa lang ang bagay na mas lamang si Manet sa kaibigan - utak. Siyempre fair naman si Lord, hindi pwedeng nasa isang tao na ang lahat. Hindi maiiwasang ung gusto mo eh makikita mo sa iba at ung wala sila ay mapalad naman at nasa iyo. Perfect tandem ika nga silang dalawa.
"Ms. Clerio, kayo na po ang sunod", sambit ng babaeng may nakasabit na ID sa leeg at hawak na papel - tipikal na assistant looking young lady na nagpipigil na magsungit kase assistant lang nga siya.
"Oy, friend ikaw na!", may exitement sa tono ng boses ni Malet.
"I know, friend. May iba pa bang nasa unahan ng pila maliban sa akin?", banat ni Ruiane.
"Go, break a leg!" panunuya ni Manet.
Nakangiting sumunod si Ruiane at bago tuluyang makalayo ay lumingon siya sa kaibigan. "Hindi lang leg ang ibri-break ko. Kung pwede lang pati na arms and neck makapasa lang".
"Your name, please", tanong ng manager sa tonong parang ginigisa ka.
Bibong-bibong sumagot si Ruiane. "My name is Ruiane Clerio. I'm 20 years of age. Single and ready to mingle. My motto in life is, 'di bale nang mahirap, maganda naman.
"Ms. Clerio, hindi ito Little Ms. Philippines".
Lahat ng mga staff na nanduon ay bahagyang napangisi. Ngunit napahiya man ay hindi niya ipinahalata. Bagkus, pilit niyang pinakakalma ang sarili. "Mahaderang beki na toh, kung hindi ko lang kelangan ng work kinalbo na kita", sambit niya sa sarili habang pinipilit na ngumiti.
"Anyways, according to your resume, you've been into different auditions. What happened?
"Ahmm, yes sir".
Napuno ng katahimikan ang lugar. Ilang segundo din ang lumipas. Nagpalinga-linga si Ruiane at naitanong sa sarili, "bakit, anong mali sa sagot ko?" Nagisip siya sandali at saka bumanat ng, "I mean, yes sir I tried so many times but I failed".
"Exactly, that's my point. Do you think you can make it this time?"
"I'll try my best sir", sagot niya.
"Don't try, do it", naiiritang tugon ng manager. "OK, start!"
Inayos muna ni Ruiane ang sarili. Makailang uulit na bumuntong hininga at saka nagsimulang umarte. "
Tumayo siya sa may gawing gilid ng mababang stage. Nagpalinga-linga habang nakaaktong may hinihilang traveling bag. Walang anu-ano'y, "IIINNNAAYY!!, sigaw niya na halos gumulat sa lahat. Tumakbo siya sa kabilang gilid ng stage at umaktong may niyayakap. "Miss na miss ko na po kayo, inay. Pinipilit niyang lumuha. Sinasadya niyang humikbi habang humihikab para maluha. Ngunit parang nakainum ng isang basong suka ang expression ng kanyang mukha. Walang ni ga-patak na luha ang tumutulo. Bigla siyang tumigil. Tumingin sa gawing kanan...kaliwa...kanan...palinga-linga na parang may hinahanap, pagkatapos tumigil siya sa direksyon na medyo nakaharap sa mga taong nanduon. "Bbkit po hindi niyo kasama si itay. Nasaan po siya?" Nauutal ang tinig niya, humihikbi at bilang humagulgol. "Itaayyy....!".
Lumipat siya ng pwesto para magpalit ng character.
"Anak, hindi ko na sinabi sa iyo dahil ayaw kong mag-alala ka. Noong isang linggo pa sa kinuha ni Lord. Anak, wala na ang papa mo!"
"Hindi totoo yan, nay! Sabihin mong nagbibiro ka lang?". Sinapo niya ang kanyang bibig ng kanyang kanang kamay at pagkatapos ay umaktong umiiyak at wari'y nanghihina hanggang mapuhod siya.
Iniba niyang muli ang boses para magbago ng character. "Anak, joke lang!"
Dumagundong ang malulutong na tawanan at palakpakan sa loob ng audition room. Sa kabilang dako, nagtatatalon naman sa tuwa ang kanyang kaibigan. Walang mapaglagyan ang katuwaan nito. Si Ruiane nman ay nakangising pumunta sa gitna ng stage at nag-bow. Nang matapos ang tawanan muling nagsalita ang manager na pilit pa ring pinipigilan ang kanyang pagtawa.
"Ms. Clerio, napakagaling ng ginawa mo. Hindi ko lubos maiisip na may ganyang kang talento. Ngunit ang hinahanap namin ay model ng shampoo".
Itinuro ng manager ang malaking tarpolin sa gawing kaliwa ng stage habang tumatawa sabay sigaw ng "NNEEXXTTT!
Matapos ang nakakalokang pangyayari, maghapong nagkulong ng bahay si Ruiane. Panay ang tunog ng kanyang cellphone ngunit hindi niya ito pinapansin. Nakahiga lamang siya habang pilit pa ring inaalis sa isip ang nakakahiyang pangyayari. Matagal na siyang nago-audition ngunit nagyon lang siya napahiya ng sobra. Kung tutuusin, siya naman ang may pagkukulang. Minsan kailangan ding iwan ang katangahan sa bahay ngunit parang malakas ang kapit nito sa kanya. Patuloy pa rin ang pagtunog ng kanyang phone. Naiinis na siya kaya...
"Hay, naku friend, OK lang yun", bungad ni Manet na nasa kabilang linya. "Marami pa namang audition dyan. Makita ko lang uli ung beking manager na yun, bibigwasan ko siya".
Matamlay ang sagot ni Ruiane. "Tama ka, friend. Kasalanan ko naman eh."
"Sabagay", sang-ayon ni Manet. " Ganito nalang, magkita tayo bukas, may alam akong magandang lugar na pwedeng pagpalipasan ng...you know, trauma mo."
"Hindi na muna ako siguro lalabas ng bahay. Pahinga muna. Tutulungan ko na muna sina nanay at tatay dito".
"Ok, sabi mo eh. O sige na, tumawag lang ako para kamustahin ka. Masyado lang kasi ako nag-alala".
"I'm OK. That incident won't hinder my dreams and stop me from achieving my goals".
"Aray...sakit ng ilong ko teh", biro ni Manet sabay tawa ng malakas. Pakatapos ay saka nagpaalam sa kaibigan. Bahagyang napawi ang lungkot-lungkutan moment ni Ruiane. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at tumayo. Bumaba siya sa kanyang kama at lumabas ng kanyang kwarto.
BINABASA MO ANG
KISMET - Love Can Be Deceiving
Romance"Siguro hindi lang naman ako nakakapansin na halos lahat ng ating naging karelasyon ay mayroong something in common. Gaya ng looks at fashion statement, hobbies and pastime, at higit sa lahat pareho sila ng mga name initials. Kung hindi mo pa napapa...