PROLOGUE
Hindi mayaman, hindi rin nman mahirap, sakto lang - yan ang pamilyang kinalakihan ni Ruiane [Roo-wi-aen]. At ito rin ang dahilan kaya gusto niyang mabago naman ang kanilang buhay. Pangarap niyang maging isang modelo o kaya ay isang artista. In fairness, may talent at beauty naman siya na madalas sarili at nanay lang niya ang nakaka-appreciate. Laman siya ng mga audition pero mailap talaga yata ang swerte sa kanya. Isang manghuhula ang nanay niya, mekaniko nman ang tatay niya at ang dalawa niyang kapatid na lalaki ay parehong nagaaral. Matagal na siyang natigil sa pagaaral dahil sa kapos at naging abala na rin siya sa pagtupad ng kanyang pangarap.
Likas na mapanuri si Ruiane at pilosopo kung minsan lalo na tungkol sa mga bagay tulad ng current issues, showbiz, latest trends, social media at higit sa lahat napagtanto niya na lahat ng naging karelasyon niya ay may something in common – lahat sila may “Mark” sa pangalan. Isa lang dito ang present manliligaw niya na si Denmark. Ito rin ang naging dahilan kaya mas lalong umigting ang kaniyang paniniwala sa destiny. Para sa kanya hindi siya magmamahal ng walang “Mark” sa pangalan. Pero dahil choosy nga siya mayroon pa ring exemption. Hindi lahat papatusin niya.
Hanggang sa dumating ang pagkakataon na na-meet niya si Bjorn. Pangalan pa lang sablay na sa standard niya pero mukhang tinamaan talaga siya. Handa ba siyang baguhin ang kanyang pinaniniwalaan? Si Bjorn na kaya ang lalaking kanyang hinihintay? Siya na kaya ang kanyang destiny? At ang malaking tanong, sino ang mas matimbang; si Denmark na TAPAT o si Bjorn na KARAPATDAPAT?

BINABASA MO ANG
KISMET - Love Can Be Deceiving
Romance"Siguro hindi lang naman ako nakakapansin na halos lahat ng ating naging karelasyon ay mayroong something in common. Gaya ng looks at fashion statement, hobbies and pastime, at higit sa lahat pareho sila ng mga name initials. Kung hindi mo pa napapa...