The Meet up

3 0 0
                                    

Ethan's POV

Hi let me introduced myself I am Ethan Garcia, junior student, 5'9" a varsity player and also a part of a dance troupe in our school. 

Simula nung araw na napagusapan namin na magkita. Hindi na ako mapakali, kinakabahan ako na excited dahil una baka di niya ako agad mapansin at excited dahil alam kong pag nagkita kami mas magiging maganda pagkakaibigan namin. 

Ang gulo ko ba? Anong magagawa niyo? Kinakabahan na talaga ako.

Ito na yung araw na pinakahihintay ko. Nagpapogi ako ng husto para naman di niya ako layuan. ang sabi niya di daw talaga ako pamilyar sa kanya. Di daw kasi siya mahilig sa mga ganun ganun. 

Nandito na ako ngayon sa One-Stop Shop ng school namin dahil dito namin naisipan magkita. Napaaga dating ko kumpara sa napagusapan na oras. Gentleman kuno.

Nathania's POV

Kanina pa ako nakatulala dito sa loob ng classroom kakaisip ng mangyayari mamaya. First time ko kasi to gagawin in my entire life, ni hindi ko nga naisip na gagawin ko tong bagay na to habang nag-aaral pa ako. Pero sabi nga nila there is no turning back. Ito na to. 

Naglalakad na ako papunta sa meeting place namin. Mabagal ako maglakad tutal maaga pa naman. 

Ilang hakbang na lang nasa shop na ko at alam kong siya na yung nakikita ko, pero patay malisya pa din ako.

Pagpasok ko bigla siyang tumayo sa harap ko.

Napatitig ako. 

"H-------hi"-Ethan

"H---e--l---l---o" - Ako 

Kinakabahan ako at alam kong ganun din siya.

Nagshakehands kami .

"Ethan" - Siya

"Nathania"-Ako

We formally introduced ourselves to each other. Then after that we became comfortable with each other.

"Hindi talaga kita kilala, varsity ka ba talaga at part ng dance troupe?" - Ako

"Oo nga di ka ba naniniwala?" -Siya

"Di naman sa ganun, di lang kasi kita napapansin pag nanunuod ako ng sayaw niyo"-Ako

"Ouch di pala ako kapansin-pansin ganun ba? Baka naman may iba kang tinitignan kaya di mo ko napapansin?"-Siya

"Uy wala ah. It just that yung sayaw lang nakikita ko yung mga moves niyong sobrang astig pag sumasayaw."-Ako

"Hahaha. Sabi mo eh. Alam mo ba matagal na kitang kilala?"-Siya

"Oh? talaga? paano?"-Ako

"Di ba part ka ng theatre club?"-Siya

"Oo"-Ako

"Yun napapanuod kita dun, di ba required lahat ng students dito na manuod lagi ng play niyo?"-Siya

"Nakakahiya naman pala nakikita mo yung acting kong pangit"- Ako

"Anong pangit dun? ayos nga kaya. Nakakapamangha nga kung paano mo nalalabas yung emosyon ng bawat character na pinoportray mo."-Siya

"Nako kung alam mo lang, matagal tagal na training yung ginagawa"-Ako

"Mahirap ba?"-Siya

"Oo naman, sobra. Minsan nga di ko din alam paano ko nagagawa yung mga bagay na yun pag nasa stage na ako eh."-Ako

"Galing mo kali. Ito ha walang halong bola pero isa mo akong fan"-Siya

"Thank you Uy malapit na next class ko balik na ko sa room."-Ako

"Sige. Texttext na lang babalik na din ako sa room namin."-Siya

Bumalik na nga kami sa sarisarili naming room. Aminado ako crush ko na ata siya. Ang tangkad at ang gwapo niya. Ngayon ko lang naramdaman tong feeling na to di ko alam kung ano to? at kung bakit ganto ako.

Ethan's POV

Ang ganda ganda niya talaga. Oo aaminin ko matagal ko na siyang crush mula nung unang napanuod ko siya sa play nila. Ewan ko ba madami namang mas maganda sa kanya pero mas okay sa akin yung simpleng ganda niya.

Mahal ko na ata siya. Kanina habang naguusap kami nakatitig lang ako sa kanya. Hindi siya nakakasawang titigan. Ang simple-simple niya pero ang ganda ganda padin.

Hayyyyy! 

Tuwang tuwa ako nung na-wrong send siya sa akin. Buti na lang pala pinilit ko siyang magpakilala sa akin. 

Natigil ako sa pag-iisip ng tinapik ako ng kaibigan kong si Alex.

"Pre babae yan noh?"-Alex

"Ang alin?"-Ako

"Yang kanina pang umiikot sa isip mo"-Alex

"Ha? wala to pre. Wag ka ngang maano diyan. Mind your own business"-Ako

"Ok sabi mo eh. pero may iba talaga akong kutob eh. Si  Theatre girl ba yan?"-Alex

May alam nga pala tong mokong na to about ka Nathania. Naku magdedeny na lang ako.

"Di ah alam ko namang wala akong pag-asa dun. Hindi ako mapapansin nun."-Ako

"Baka naman yung katext mo ngayon? Pansin ko kasi palagi ka may katext. Sino ba yan ha?" Alex

"Malalaman mo din sa tamang panahon pare."-Ako

Tapos tumahimik na siya, buti naman di na nangulit. Nakinig na lang ako sa klase namin maghapon.


Authors Note: Anong tingin niyo ang mangyayari sa dalawa?? Ligawan kali ni Ethan si Nathania? 



Not the One (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon