Meet the Friends

4 0 0
                                    

Nathania's POV

Mas lalong lumalim ang pagkakaibigan namin ni Ethan. Halos araw-araw pag vacant nagkikita kami para magkwentuhan lang na dalawa. 

Habang nasa canteen at naguusap kami ni Ethan. Nagulat na lang ako may biglang tumabi sa akin na galing sa likod.

"AHEEEEM! What's the meaning of this Tania?"-Chloe

Hindi pa naman din ako sumasagot may tumabi nanaman sa kabilang part ko.

"Oo nga, what's going on between you and Ethan Garcia?"-Gab

Nakatitigan lang kami ni Ethan at alam kong nagugulat din siya sa mga nangyayari.

"Bakit wala kang nakukwento sa amin ha? Bruha?"-Sophie

Tapos nagtinginan yung tatlo kong bruhang kaibigan sa akin. Yung tipong naghihintay ng sagot sa lahat ng tanong nila.

 "Buti naman pinayagan niyo na ako magsalita. By the way girls this is Ethan......"-Ako

Hindi pa naman ako tapos sumabat nanaman sila.

"Kilala namin siya sino ba namang di makakakilala sa nagiisang Ethan Garcia dito sa school natin"-tatlong bruha

"Aba't choir na pala kayo ngayon?(sarcastic)"-Ako

"Harhar"-tatlong bruha

Nang may biglang sumabat....

"Ako may kilala ako na di nakakakilala sa akin"-Ethan

"SINO??"-Tatlong bruha

Nako sabay sabay nanaman sila ano ba meron sa tatlong to ngayon.

"Si Nat"-Ethan

"At sino naman si Nat?"-Chloe

" Si Nathania"-Ethan

"OMG Di mo siya kilala?"-tatlong bruha

with matching laki ng mata pa sila. At sabay sabay nanaman.

"Nako girls anong magagawa niyo e sa di ko siya kilala. At saka wait nga bat ba ang OA niyo makareact ha?"-Ako

"Kami na OA, pero seryoso nga mag-ano kayong dalawa?"-Chloe

"MAGKAIBIGAN"- sabay naming sagot

Nagkatitigan kami after sumagot sa tatlo.

"Ah e bakit di ka nagsasabi sa amin?"-Gab

"May plano naman talaga ako kaso naunahan niyo lang ako."-Ako

"K.Dot"-Tatlong bruha

"O siya sige alis na kami at baka nakakaistorbo kami sa inyo. Hintayin ka na lang namin sa room mamaya lagot ka talaga sa amin madami kang kwento."-Sophie

"O sige bye. See you girls."-Ako

Umalis na nga sila. Salamat naman akala ko gigsahin pa nila kami eh buti nalang marunong makaramdam yung tatlo na yun.

Ethan's POV

Buti naman at umalis na mga kaibigan niya na akala ko masusungit mababait at kalog din pala sila.

"Uy Ethan pagpasensyahan mo na yung tatlong bruha na yun ha."-Nat

"Okay lang yun atleast nameet ko na mga friends mo."- Ako

"Nakakahiya nga sila e. Buti na lang di na masyadong nagtanong."-Nat

"Oo nga eh nahihiya din ako sa kanila."-Ako

Nang biglang may lumapit at tumapik sa likod ko. Nagulat ako tapos ng tinignan ko ang mokong na si Alex pala. Patay na. Wala ng lusot.

"Pare mukhang nagulat ka ha? pakilala mo naman ako sa chicks na kasama mo."-Alex

"Pare si Nathania nga pala.Nathania meet Alex ang bestfriend ko."-Ako

Pinandilatan ko siya ng mata meaning wag siyang gagawa ng kalokohan. Sumangayon naman siya.

"Kaya pala wala ka ng time sa akin pare. Pero okay lang wag ka mag-alala."-Alex

Sabay ngisi ng mokong.

"By the way Nathania alam mo bang super fan mo tong si Ethan?"-Alex

"Oo alam na niya yun pare"-Ako

Pinandilatan ko uli siya ng mata pero ngisi nanaman sinagot niya sa akin. Kaya naisipan ko ng magpaalam muna kay Nat para malayo tong mokong na to at baka kung ano pang masabi.

"Nat matatapos na yung break balik ka na sa room niyo. Kami din babalik na"-Ako

"Osige. Bye. Nice meeting you again Alex"-Nat

Umalis na nga si Nat papunta sa room nila. Samantala abot-abot na batok inabot sa akin ni Alex.

"Aray pare. Nako kundi kita kaibigan baka pinatulan na kita"-Alex

"Bagay lang sayo yan. Napakadaldal mo. Pare umamin ka nga sa akin bakla ka ba?"-Ako

"Uy pre hindi ah straight ata to. Kaw kasi ang bagal mo dumamoves kaya tinutulungan kita."-Alex

"Di naman kasi dapat madaliin lahat. Lalo na kung tungkol kay Nathania"-Ako

"So may balak ka bang ligawan siya?"-Alex

"Oo naman pero hinay hinay muna. Nasa Getting to know stage pa lang kami"-Ako

"Good. Goodluck Pare."-Alex

"Thanks."-Ako

After ng paguusap namin bumalik na kami sa room. 

Authors Note:(See you on the next chapter)



Not the One (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon