Prologue

935 16 2
                                    

Prologue

5 years ago.

"Bess, andyan na ba siya? ", excited kung tanong. Gumawa kasi ako nang surprise para sa ultimate crush ko , birthday niya kasi ngayon Waaa ! First crush ko siya , first love na rin ata ei.

"Wait , ayan na ata siya!" , nakita ko si crush palapit na samin. Hinihintay kasi namin siya dito sa classroom niya. ANG GWAPO NIYA TALAGA ! 

Wait lang panu ko nga ba ulit siya naging crush?

*Flashback 

"Dear may ipapakilala ako sayo"

"Talaga po mommy?! Yehey may new friend nako !" 

Excited ako sa ipapakilala sa akin ni mommy kasi may bago na naman akong kaibigan. Kasi kahapon pinakilala sakin ni mommy si Georgina yung anak ng friend niya. Tapus ngayon meron pa ulit ! Yehey!

Bigla nalang akong nakaramdam ng hindi ko alam , parang hindi ako makakilos o makapagsalita ng makita ko ang isang lalaki na hawak-hawak ng isang matandang lalaki.

"Dear siya  si Terence ang magiging friend mo", mommy

"H-ello---" , bakit ganun hindi ako makapagsalita ng maayos ..

"Terence say Hi to her, she will be your new friend", daddy niya ata

"Hi"

Bigla nalang ako namutla nang magsalita siya at ngitian niya ko. Tapus nagshakehands pa kami. Anu ba to ang bata ko pa pero ang landi ko na HAHAHA

Matapos kaming magpakilala sa isa't isa ay naglunch kaming sama-sama . This time ay nasa malaking lamesa kami. Katabi ko si Terence , at katabi niya naman yung daddy niya sa left side niya. Katapat namin si mommy at daddy.

       __mommy__daddy___

                LAMESA

__Terence'sDad_Terence_Me__

Ganyan yung itsura :D

Nahihiya akong kumain .. kasi feel ko naiilang ako. Lalo akong nailang nang subuan niya ako.

"Say AHH" , sabi niya . Waaaa panu ba to namumutla na ko. Napatingin ako sa paligid ko bago ko tanggapin yung alok niya. Nakita ko si mommy at daddy pati yung daddy niya na nakatingin samin at parang kinikilig na ewan.

Matapos kung nguyain yung pagkain ay nagsalita na naman siya ulit.

"Ang cute mo pala hahaha", tumawa siya.

Ano bato! Bakit ba ganyan siya? Di ko na kaya.

Hindi ko nalang siya sinagot dahil nahihiya na ako.

Matapos kaming kumain ay niyaya ako ni Terence na maglaro duon sa garden namin na may swing. Hindi pa ako nakakasagot hinila niya na ako papunta sa garden. Magkahawak kami ng kamay hihihihi ☺ grabe diko talaga maexplain yung feeling

Naglaro-laro kami ... habang tumatagal lalo ko siyang nagugustuhan. Pero dahil hindi ko na kaya ay nagpalusot muna ako na iinom muna ako ng tubig. Gusto niyang sumama pero hindi ko siya pinayagan. Ginawa ko nga yun para makalayo muna sa kanya dahil feel ko kamatis na yung mukha ko sa pula.

Nang papunta na ako sa pinto ng kusina ay napatigil ako bigla dahil nag-uusap sila mommy at daddy ni Terence. Masama mang makinig sa usapan ng iba ay ginawa ko parin. Nasa likod ako ng pinto at nakikinig sa sinasabi nila. Nagulat ako sa mga narinig ko...

"Sige, pagtutong nila ng legal age ay magpapakasal sila ng anak ko",daddy

 Totoo ba yung narinig ko? Magpapakasal? Kami ni Terence? Malamang ay ako yun dahil wala naman akong kapatid -_-

"Nako excited na ako diyan hahaha" , nagtawanan sila

Sa kalagitnaan ng aking pakikinig ay nagulat nalang ako bigla

"Uy!" , bigla nalang akong ginulat ni Terence

"A--h kanina kapa ba diyan?", utal na sabi ko

"Kakarating ko lang hehe , ang tagal mo kasi ei kaya pinuntahan na kita" , nakangiting sabi niya

Isesekreto ko muna ang mga nalalaman ko .. Hay bahala na sa life ko...

At ayun ang naging dahilan kaya naging crush ko siya .. At ngayon ay malalaki na kami. At naglevel-up ang paghanga ko sa kanya

"Bess andyan na siya!" , nagising nalang ako sa katotohanan ng marinig ko ang sigaw ng kaibigan kong si Georgina.

"Happy birthday Terence !!" , masayang bati ko habang may hawak hawak na banner na nakasulat ay "HAPPY BIRTHDAY TERENCE"

Nagulat ako sa mga sumunod na pangyayari . Hinawakan niya bigla ang kamay ko at hinila sa isang lugar na tahimik. Wala akong nagawa kundi sumunod at huwag pansinin yung mga taong nakatingin samin.

"Terence sorry .." , sabi ko . Nagalit ata siya sa ginawa ko. Ayaw niya ng surprise pero ginawa ko parin

"Terence sorry na talaga , gusto ko lang talagang isurpri----" , naputol ang sinasabi ko nang bigla siyang magsalita.

"Alison , aalis na ko. Bukas sa New york na ako mag-aaral", nagulat ako sa sinabi niya pero hindi ako naniwala

"Ikaw talaga Terence. Wag mo nga akong biruin ng ganyan porket birthday mo---" naputol ulit ang sinasabi ko ng magsalita siya ulit.

"Totoo Alison hindi ako nagbibiro,bukas na ang alis ko", sabi niya

"Pero bakit? Bukas ? Bakit ngayon mulang sinabi?" , this time ay hindi ko na mapigilan ang luha ko

"Hindi ko kaya , hindi ko kaya kasi mahal kita ... Oo mahal kita Alison simula ng mga bata pa tayo. Natatakot lang ako na iwan ka.. na magalit ka sakin", lalong lumakas ang aking pag-iyak at niyakap niya ako

"Mahal din kita Terence ... Please huwag kanang umalis", umiiyak na sabi ko habang nakayakap sa kanya

lalong humigpit ang aming pagyayakapan..

Ps: 5 years ago.

Author's note: Hello ! This is my first story please support this! Thank you! Ito po ay bago na. Binago ko po lahat nang chapter at inayos ng mabuti dahil grade 7 pako ng ginawa ko yung mga past na na-update ko, ngayon ay medyo may utak na xD 

Please comment lang po ng suggestion niyo o kahit anung trip nyo :P AHAHAHA

Choices (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon