Chapter 1: Things That I Never Know

174 13 6
                                        

Chapter 1: Thing That I Never Knew

Waaah ayan na! Hahalikan niya nako ! Syete ang gwapo niya talaga. Oh my gosh malapit na yung labi niya! Parating na! Unting push nalang !!

pinikit ko ang mata ko para mafeel ... ngunit sa kasamaang palad

"Hoy gising na babae! Tama na yang pagpapatansya mo! "

Anu ba yan? malapit na eh Bahala ka diyan sa buhay mo at matutulog pako.

"Sabing gising na eh!" This time ay sinigawan niya na ako at hinagisan ng unan. Pero hindi ko parin siya pinansin . Continue na ko sa panaginip ko .. ayan hahalikan niya nako !

Mistulang magdidikit na ang mga labi namin ng makaramdam ako ng tubig na bumuhos sakin

"WAAAAAA Anu bang problema mo?! Pwedeng mamaya na? natutulog yung tao eh!", inis kong sabi, buhusan ba naman ako ng malamig na tubig ayaw ko talaga ng iniistorbo ako ei

"Ahh ganun, edi matulog ka ! wag ka nang gumising!"

Waaa natakot ako bigla sa narinig ko Babangon na nga eh

"Ito naman joke lang, maliligo na nga oh, may tuwalya nakong dala  ", lambing kong sabi

Agad akong pumasok sa banyo at naglinis. Sanay na talaga ako sa ganyang paraan ng paggigising sakin ni Georgina. Ganyan na kami simula bata pa. Tuwing papasok sa school ay siya ang alarm clock ko. Hindi ko kapatid si George , magbestfriend kami kinupkop lang ako ng family niya ng mamatay yung parents ko sa car accident, wala na akong kilalang malapit na kamag-anak dito sa Manila kaya ang parents niya nalang ang kumupkop sakin. Magkaibigan kasi ang parents namin ni Georgina kaya hindi na naging mahirap na naging bestfriend ko siya.

Anyways wala talaga sa plano ko ang pumasok sa school. Sinadya ko talagang tagalan ang pagbangon. First day of class pero di ako excited -_- Hay nako..

Kasalukuyan kaming nasa School ngayon "Kirin National School" medyo nagsasawa na ako dahil simula elementary kasi dito na ako nag-aaral. Nakakasawa din ang pagmumukha ng mga istudyante, sana naman ay may bago na ..Kaya nakakatamad pumasok eh >.<

Ito kami ngayon ni George nakaupo at nakikinig sa program ng school.

Pagkatapos ng program ay pumunta na kami sa classroom namin ,magkaklase kami ni George. Nakakatamad dahil sa 3rd floor pa yun.

Habang paakyat kami ng hagdan ay hindi na maiiwasan ang mga taong bumabati sakin ng "Hi" kahit diko kilala, nginingitian ko nalang sila kahit yung tipong plastic na -_- Habang umaakyat ay may bumunggo sa aming lalaki mula sa likod.

"Anu ba yan kuya mag-ingat ka naman", naiiritang sabi ko. Panu ba naman kasi nalaglag yung mga libro ko tsk. Kainis naman.  

"Sorry ,sorry" ,nagmamadaling sabi ng lalaki at tuloy tuloy ulit sa pag-akyat ng hagdan.

"Sinu ba yun? tulungan na nga kita dyan", Tinulungan ako ni George sa pagkuha ng mga libro sa hagdan

"Hayaan muna nga yun tssk pero nakakainis hindi man lang ako tinulungan na pulutin yung mga libro ng Nerd na yun! Hayysst" , iritang sabi ko. Nerd naman kasi yung style niya :3 ang weirdo ng hairstyle at nakasalamin pa . Galit talaga ako sa mga nerd :3

"Oh relax ka lang diyan, first day ng klase eh haggard yang mukha mo", Sino ba namang hindi mahahagard ..>.<

Nirelax ko ulit ang sarili ko , kunyari ay walang nangyare Agad kaming pumunta sa classroom namin.

Habang hinihintay ang teacher namin ay nagkwentuhan muna kami ni George.

"Bess! Alam mo bang dito na raw nag-aaral si Terence!! Waaa!", Kilig na kilig naman tong bestfriend ko. Crush niya kasi yang si Terence Kim. Ang gwapong Nerd . Sa bagay hindi ako magtataka kung ba't siya nagkagusto dito. Gwapo, sobrang bait , at mayaman. Kakaiba siyang nerd sa lahat Siya ang yung nerd na bagay ang salamin sa mata . Mukha siyang Korean Artist. Basta yun.

"Si Terence?? Eh saang lupalop ng mundo mo ba ang narinig yang balita na yan ha" , almost 6 years na rin kasing hindi nagpaparamdam si Terence. Waaa basta kinalimutan ko na siya dati pa. Binura ko na ang lahat ng ala-ala namin nung mga bata pa kami. 

"Basta sabi ni Chloe! Yung kapatid niyang babae .. Omg ! Makikita ko na ulit siya!! "

"Ewan ko---"

Diko na natapos ang pagsasalita ko ng pumasok yung teacher namin. Syete ang gwapo !

"Good Morning Class", masayang bati ng teacher namin . Waaa ang cute ng smile nya ! Ayy talande parang ang bata pa ng itsura niya.Siguro 25 years old palang siya or something.Bago lang ata siya dahil ngayon ko lang siya nakita. Basta ang cute nya kyaaa!

"I am Sir Ezikiel Scott but you can call me Sir Ez . And i will be your Math teacher", Syete! ang cute naman ng name niyaaa! Kaso Math teacher . Sana naman totoo yung mga ngiti nyang yan at hindi siya terror -_- Bigti na this!

"Okay class , tapus na akong magpakilala and it's now your turn, for sure expert na kayo dyan" , biro niya. Ang cute niya talaga <3

Pero anu ba yan -_- Magpapakilala na naman? Nakakasawa na .Kilala naman na nila ako ba't kailagan pa magpakilala? Ito pa naman ang ayaw ko. Basta tatayo lang ako dun at sasabihin ang pangalan ko wala nang saying saying, hobbies or whatever. tssk.

Nagsimula nang magpakilala ang isa-isa sa harap. Hindi ako interesadong makinig sa talambuhay nila haysst...

Nagulat ako sa sumunod na nagpakilala . Si Hazel ang kontrabida sa buhay ko.Siya kasi yung laging nampapahiya sakin simula grade school. Hindi ko nga alam kung bakit ang laki ng galit niyan sakin eh. Ang swerte ko talaga at kaklase ko pa talaga ang mukhang isdang to >.< At sa kasamaang palad ay kasama niya rin ang mga minions niya.Nagsama-sama pa talaga sila ha. Mga mukhang tinik ang mga alipin niya, bagay silang magsama-sama.

Mga ilang sandali ay ako na ang sumunod.

"Hi, My name is Alison Summer", walang gana kong sabi at umupo agad -_- wala talaga ako sa mood magganyan-ganyan .

Sumunod na ay si Georgina.

"Hello and Good Morning everyone! My name is ---

Nagtaka ako bigla kasing huminto sa pagsasalita si Georgina. At naagaw naman ng pansin ko ang lalaking pumasok sa pinto na hingal na hingal. Hindi ko masyadong mamukhaan yung lalaki dahil nakayuko siya .. At laking gulat ko nang bigla niyang itaas ang kanyang ulo.

Terence?? Ikaw ba yan??

 

Choices (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon