Sheet 1 ♫ Meet the Gutierrez

906 12 0
                                    

 - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

You Are My Song ♫

Sheet 1 ♫ Meet The Gutierrez

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

♫ ELLE ♫

*flashback*

"Thank you Mia, my wife, for everything. Also to my kids, Jessy, Janella and Jairus, my babies. Thank you very much Star Wars for this award! I love you all!" malungkot na biro ni papa habang kami ay nasa sala. Ayun, umaarte na naman si papa. Kunwari nasa awards night siya. At kami naman ng mga kapatid ko nanunuod sa kanya.

Bakit malungkot? Matagal na kasing pangarap ni papa na magartista! As in sobrang matagal na, hindi pa kami buhay ng mga kapatid ko. Lagi niya ngang nakkwento samin kung ano ang mga audition na nadaanan niya kaso di siya nakakapasa. Kaso, may isang sikat na kumpanya ang pinagauditionan niya. Nakapasa daw si papa sa mga unang screenings at siya daw ang pinakapaborito sa batch nila. Last screening na ni papa nun araw na yun. Sabi niya kaunting pagpapaimpress na lang sa mga producers yun at pirmahan na lang daw ng kontrata at tapos na ang audition, magiging artista na sana siya. SANA.

Kaso, may nangyari kasing di inaasahan. Kasabay nung last screening ni papa ang pagkamatay ni lolo. Sobrang nalungkot daw si papa nun. Pero wala siyang nagawa kundi i-give up yung pangarap niya. Siyempre, pinili ni papa na puntahan niya si lolo para makita kahit sa huling saglit lang.

Kaya hindi ko alam kung ano ang irereact ko sa biro ni papa. Paano ba naman kasi gustong gusto niya talaga maging sikat na artista. Eh dahil hindi ito natupad, ayun kami ang pinag-aartista niya.

"Hahahahaha! Wooo! That's my Darey!" sigaw naman ni ate Jessy.

Ayun. Siya si ate Jessy. Panganay kong kapatid, 20 years old, maganda at sexy yan! *witwew!* Kagaya nga nang sabi ko kanina, nag-aral si ate sa isang art school para matupad ang pangarap ni papa. Nagtapos na siya ng pag-aaral dun sa isang sikat na art school kaya tuwang-tuwa sa kanya si papa kasi may isa na siyang artistang anak. 

Si ate, kahit di pa siya ganap na artista, sikat na siya. Marami nang nakakakilala sa kanya! Marami yang twitter at instagram followers! Oha! Proud kapatid ako. Kaya rin kasi siya nakilala ng mga tao dahil sa pagiging model niya at nakakakuha siya ng matataas na grades dun sa art school pati narin sa magagandang feedbacks na nakukuha niya sa mga directors and producers.

"Hay, nakakagutom naman yang mga pinag-gagawa niyo!" sabat ni Jairus kanila papa at ate.

Yan naman si Jairus. Ang bunso kong kapatid, 15 years old. At ano pa nga ba ang sasabihin ko? Matalino rin yan at sobrang makulit! Lagi ko nga yang pinepektusan eh. Haha! At ito pa, feeling gwapo tong si Jairus. Ewan ko ba kung bakit sikat na sikat siya lalo na sa mga malalanding babae. Kulang na lang ay sambahin nila tong mokong na to. Kahit ang bata-bata niya pa, ayun pwede na magartista, Siya na! Haha. Well, siguro nga pogi siya. Kapatid ko eh. 

"Osiya, tama na yan. Pumunta na kayo rito at nakahanda na ang pagkain!" sigaw ni Lola Amour.

Yes! Kainan na! Sabay-sabay kaming tumayo at pumunta sa hapag-kainan para kumain ng dinner.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Amen." hudyat ni papa na pwede na kaming kumain.

Hay salamat, nakakagutom nga talaga yung 'presentation' ni papa kanina.

Tuwing dinner, sama-sama kaming kumakain sa hapag-kainan kaya masaya pero sa oras na ito...

...

...

"Kain na tayo!" sigaw ni Jairus at nagsimula na nga kaming kumain. 

"Jessy, kailan ka ba magiging isang ganap na artista? Kailan ba matatapos yang workshops mo?" tanong ni papa.

"Sa June, 2014 po matatapos ang workshops ko sabi ni Manager Lea." sagot naman ni ate.

"Aba! Malapit na pala. Sa wakas! Matutupad rin ang pangarap ko. Hahaha. Eh ikaw Janella. Inaayos mo na ba ang records mo para makapag-audition ka na sa Lee Arts School?" tanong naman ni papa sa akin.

*moment of silence*

"Seryoso ka ba jan sa sinasabi mo Teodor!? Magsasayang lang tayo ng pera sa pinagsasabi mo. Kung inipon na lang natin yan!? Pag-aaudition mo pa jan sa school ni Jessy? Hindi mo naman totoong---"

"Ano ba Ma!" sabat ni papa sa hindi natuloy na sasabihin ni lola. "Pagaaralin ko si Janella sa LAS. Tapos ang usapan na to. Jessy, gawan mo na ng recommendation letter si Janella para siguradong makakapasok siya sa school mo." dugtong pa nito.

"Hahahahaha! Sige, papa. Gagawin ko ang recommendation letter para sa inyo. Pero hindi ako makakasiguro kung makakapasok nga si Janella sa alma mater ko." sagot ni ate kay papa. "Asa ka pa." sabay tingin sa akin. "Chos lang! Di ka naman mabiro" sabay irap niya sakin.

"Hay basta, ayusin mo na Janella ang mga requirements para sa audition mo." bilin sakin ni papa.

Tumango na lang ako. Sabay tumayo dahil tapos na akong kumain at nawalan na rin ng gana. Sumunod naman na tumayo si Jairus hanggang sa wala ng natira sa hapag-kainan. Dumiretso naman ako kagad sa kwarto ko at sabay higa sa kama.

Hay. Bakit parang ang sama ng pakiramdam ko ngayon. Para akong may ubo, sipon, lagnat, lahat lahat na. Napagod lang siguro ako sa araw ngayon.

Siya nga pala, sobrang excited lang akong mag-audition sa LAS. Oo nga pala, kanina pa nababanggit yung audition at LAS. Ito na i-eexplain ko na. 

Ang Lee Art School o mas kilala bilang LAS ay isa sa pinakasikat na art school sa buong bansa at maging sa buong mundo dahil maganda ang training nila dito at pag-graduate ka sa LAS, instant artista ka kagad! Dun kasi nag-aaral yung mga aspiring artists kagaya ng singers, dancers at actors at sobrang piling-pili lang ang nakakapasa jan. Kaya sobrang swerte ni ate at nakapag-aral siya dun.

Osiya! Madami pa akong aasikasuhin na requirements para sa audition! Makatulog na nga para bukas may full energy ako! Haha. Good night!  

A/N:

UNEDITED.

Vote, Comment, Fan and Share!!! :D

You Are My Song ♫ [JaDine, JaiLene, NLex, FrancElla, KathNiel, JulQuen] ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon