Sheet 3 ♫ Three Departments

345 12 1
                                    

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

You Are My Song ♫

Sheet 3 ♫ Three Departments

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

♫ ELLE ♫

AUDITION DAY!

*Drrrrrrrrrrrrr! Drrrrrrrrrrrrrr!*

Argggg! Ano ba yung nagvvibrate na yun!? Wala lang siguro yun.

*Drrrrrrrrrrrrr! Drrrrrrrrrrrrrr!*

Ano ba yun!? Pusang inasal! Istorbo masyado sa beauty sleep ko. -_______-

Ano pa nga ba kailangan kong gawin? Siyempre dumilat ako dahan-dahan at hinanap ko kung ano man yung nagvvibrate.

Daisy Shete! May tumatawag! Sinagot ko naman kagad ito pero pumikit at humiga ako habang kausap ko kung sino man 'to.

"Hello? Sorry ngayon ko lang nasagot. Sino ba to? Anong kailangan mo. Pwede bang mamaya na lang? Madaling araw pa lang oh! Call center agent ka ba? Hello? Sumagot ka!"

"JANELLA KIM GUTIERREZ!!!!!! ANO BANG PINAGSASABI MONG MADALING ARAW PA LANG!? KITA MONG 6:30 AM NA! BAKIT KAKAGISING MO LANG! MALLATE TAYO SA AUDITION! ANO KA BA NAMAN!" sabi ng babaeng lumalabas na ata yung baga sa kasisigaw.

"Aray ko naman! Di naman ako bin---" sabay dilat ko ng mga mata ko. "Ay Shoot! Umaga na pala! Osige na! Maliligo na ako! Bye!"

Pano na yan! 6:30 am na!

Eh sa pagkakaalam ko, first 500 lang ang makakapagaudition ngayon. Kaya pag di ka nakapagaudition ngayon, babalik ka pa bukas. Pero magbabayad ka ulit ng audition fee na P5000! Kaya kailangan kaming umabot ngayon kung di malalagot ako sa tatay ko.

Ligo, kain, toothbrush!

TAPOS! Ayun lumabas na ako ng bahay at pinara at sumakay na ako nang jeep. HAGGARD NA!

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

"Elle! Ano bang nangyari sayo? Bakit late ka nagising? Ayan tuloy, mahaba na yung pila! Baka mga hapon pa tayo nito." pagkonsensya sa akin ni Julia.

Nandito na kami ngayon Sa Lee Art School Gymnasium, nakapila. Kasama ko si Julia, best friend ko nung high school. Marunong din siyang kumanta pero siyempre mas magaling ako dito noh. Psh. BWAHAHAHA. Joke lang. Parehas kaming magaling siyempre! 

BUTI NA LANG! Thank you Lord! Umabot kami sa cut-off! /o\ 

Medyo kaunti palang yung pila dumating kami. Buti na lang talaga. Sa totoo lang, di kasi ako nakatulog ng maayos kagabi. Kasi kinakabahan ako dito sa audition na to. Ewan ko ba kung bakit. Parang may masamang mangyayari. Bahala na nga!

Nang makarating na kami sa registration area...

"Your receipt please!?"

Ang sungit naman nitong babaeng 'to! Akala mo naman maganda. Eh mas maganda pa ata yung kuko ko sa paa kaysa sa mukha niya. Sarap i-nail cutter! Kung di lang ako magaaudition dito nasabunutan ko na 'to.

"Ahh, e-eto po." sabay bigay ko ng resibo nung nagbayad ako ng audition fee. Mahinahon kong binigay siyempre, ayokong matrouble no!

"So, here's your number." ang sama pa nang tingin niya sakin.

Sarap bangasan ng mukha! Chineck ko na yung number ko at ang tagal ko pa! Pang 121 pa ako! Pero at least hindi pang 500. Hayts.

You Are My Song ♫ [JaDine, JaiLene, NLex, FrancElla, KathNiel, JulQuen] ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon