Sheet 7 ♫ I Hate This Feeling

214 11 8
                                    

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

You Are My Song ♫

Sheet 6 ♫ I Hate This Feeling

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

 8:00 PM

♫ JAI ♫

I'm home! Dumiretso kagad ako sa C.R. ko at nag-shower, nag-toothbrush at nagbihis ng boxers.

Yes, kakauwi ko lang galing school. Grabe, sobrang nakakapagod. Ang hirap maging president ng Student Council! Sobrang nakakapagod dahil dun sa Club Day. Dahil nga ako ang president kailangan kong imonitor lahat ng ginagawa ng clubs at marami pang iba.

Kanina pang mga 5:00 PM natapos yung club day pero ngayon lang ako naka-uwi, mas late ako umuwi kasi chineck ko pa kung maayos at wala ng mga kalat sa lahat ng rooms at grounds. You know, president duties.

Bali ang ginawa lang ng clubs ay nagpa-signup ng new members and siyempre introductions and other things like that

Sa BSP at GSP, nagpakilala ang mga officers nila. Sa grounds ang lugar ng mga boy and girl scouts. Nagkaroon rin sila ng mini training o yung patikim na pagdidisiplina sa mga new members.

Sa E-club naman, nag-basa lang sila mag-damag. Mukhang boring no? Pero hindi! May libreng hot choco at cookies ang mga members, tas naka-aircon pa sila.

Sa Wild Cats, nagkaroon ng try-outs sa Basketball Team, Volleyball Team, Lawn Tennis Team, Soccer Team at Swimming Team. Siyempre sa kani-kaniyang court nangyari ang mga try-outs. Gaya nga ng sabi ko dati, ito ang club ko. Pero dahil ako ang president, exempted ako. Sure naman ako na magagaling ang makukuha na bagong Wild Cats.

Sa Star Magic, DoReMI, LUV U Growlers naman ay siyempre, nagpa-auditions sila for new members. Itong mga clubs na ito ang dinumog talaga, siyempre ito kasing tatlo ay ang pinakasikat na club sa LUV U. Sila kasi ang may pinakamaraming events every school year at sila rin ang may pinakamaraming sinasalihan na contests outside the campus like choral competitions and dance competitions. At ito pa, silang tatlo kasi ang may pinakamaraming naiuuwing awards at mga parangal para sa LUV U kaya mataas rin ang budget na binibigay sa kanila ni P.S. (Principal Spencer)

May di pa ba ako nakukwento?

Ay oo nga pala.

Yung mga Mathletes.

Tss.

Sa mga Mathletes naman, may tests silang ginawa para masala yung mga members. Yung mga members na nakakuha ng mga matataas, promoted na sila as tutors o yung mga magtuturo sa ibang members na hindi masyado magaling sa Math. Isipin niyo may mga first year pa lang na magiging tutors. 

Bigla ko tuloy naalala yung kumag na president ng Mathletes.

*BEEP*

_____________________________________

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You Are My Song ♫ [JaDine, JaiLene, NLex, FrancElla, KathNiel, JulQuen] ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon